
Originally Posted by
joshua_ching
Mukhang di mo kailangang magpalit ng Carnival, kung hindi kailangan mong magpalit ng mekaniko. Di tapat tumatagas ang langis mo kung pinalitan ng bagong gasket ang valve cover mo. Standard procedure ito pag binuksan ang valve cover. Saka mababa ang 50K mileage para palitan ang belt (timing belt di ba?). Mukhang di ito na-align ng tama nung gawin sa factory. Lastly, kailangan mong ipalinis ng husto ang injectors ng diesel mo at i-calibrate ng mahusay ng mechanic para equal ang pag-burn ng krudo.
Wala akong kakilalang mahusay na diesel mechanic, pero siguro makakakita ka dito sa forum.
Tungkol naman sa Carens, ang pinaka-malaking mileage dito ay 29,000KM sabi ng isang poster at wala siyang problema pa. Sana magpatuloy iyon para maging panatag naman ang loob namin na bago pa ang mga Carens.
Ang KIA nung mga 8 years ago ay ibang KIA sa ngayon. Nag-improve sila ng manufacturing ng mga 300%. Di mo ako mapapabili ng KIA 8 years ago, unless murang-mura, at talagang mas mura ang mga KIA noon kaysa ngayon. Pero bakit ba naman ang KIA Pride? 20 years old na dami pa ring tumatakbo sa kalye?