New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 4 of 4
  1. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    2
    #1
    Tanong ko lang kung magkano kaya aabutin ganito kasi:
    Balak ko kasi ipagawa yung kia pride lx 1995 namin gamit lang pampasok sa DLSHSI hehe trip ko din setup ung audio btw mamaya na yan

    nasa garage lang kasi yung car namin since 2001 kasi di magamit ng mom ko since nanganak siya tapus dad ko nasa abroad... edi ayun mga 2005 pinagawa nagulat nga ako gr5 plng ako nun gas lang tumakbo na remember 4yrs nastuck as in walang biniling parts napatakbo ng mechanic ang ginawa lang niya onting spray sa carb tapus pumunta sa kusina para gawin ung spark plug may ginawa sa lpg namin nakalimutan ko na ayun nagstart na tumakbo onting jerk sa una tapus smooth na mabilis lang uminit kasi ung radiator water lang daw tapus nagaircon pa haha astig lamig padin.

    Tapus after ilang testing. Pinaltan ung brake pads, Clutch, Hydraulic sa brake? un ba tawag dun? Suspension pinaltan. Fuel Filter di ko alam kung nirepair oh pinaltan basta ok na. Rims and Tires syempre, Oil Filter tapus with New Oil syempre. Air Filter din. Radiator Cap, Some fuse ata hehe. Carb overhauled, Light Bulbs, Belts. kompleto na ata hehe kung may nakalimutan ako idagdag niyo yung possible na iparepair.

    Ayun edi test drive na ok naman sabi ng mechanic siyempre tiwala kami dun kasi mga ginagawa niya mga bmw tiyaka napabilib niya talaga kami. Tapus pindrive sa tito ko para mapafull tank ayun ok naman 5 kami lahat sa car tapus pataas pa para makalabas ng subdivision namin hindi hirap astig. Remember gabi na yun mga 12 something para wala ng enforcer haha tapus hataw sa kalsada aba kala namin baka makalas hindi naman tsaka hindi kasi registered nastuck kasi.

    Hmm tapus noong 2008 kailangan daw palitan ang break lines sa rear right. Ginawa ko tinupi ko lang para di tumapon ng tumapon ang break fluid tsaka para matigas ang break. Alam ko hindi safe kaya nga sa subdivision lang siya paikot ikot hehe 3rd yr plng dami ko na naiisip. Tapus last year pastart start nalang ulit sa garage kaya asar naisip baka mastuck na naman ayun tama nga ako. Dun pumasok sa isip ko na gamitin ko na lang pampasok total 17 y/o na naman ako. Wala ako pakialam kahit pangit haha meron nga pumapasok sa De La Salle Owner ang gamit trip lang ba. Tsaka na gastusan na rin naman ayaw kasing pakawalan hindi smart move pero madami din akong natutunan hehe kaya ok na rin.

    Ang Latest ngayon na kailangan paltan ay break lines, Hydraulic ung sa brakes??? un ang naalala ko talaga, muffler ung tipong pagkatapos ng galing sa engine tapos pagdating ng gitna ng car un ung nakakabit basta ung mahaba di ko alam tawag. Rusty ung between the door and car body, rusty din ung door panels pero patches lang, Rusty ung Hood pero patches lang din pati ung sa trunk, Ang Malala ung sa Ilalim ng Car ang dumi pati Rusty may butas pa ung floor pero mallit lang, Ung sa Door ung sa window ung rubber natatanggal na sa 4 na door un tapus ayaw bumaba ng maayus manual un. Ayaw din sumara ng maayos kailangan binabagsak ng malakas. Gusto ko setup audio kahit hindi High End basta onting bass lang ok na. Yung Seats I prefer Cover na lang ung tipong sa Ace Hardware haha ok na. Papalitan din ung side mirror nabasag both sides na para maganda narin. After nun balak ko ipapaint may compressor naman tito ko tapus may kakilala ako na marunong mag paint 350 lng plus pagkain payag na per day, magkano kaya ung paint na black medyo metallic kahit di ganung kaganda basta tatagal. Ipapatune up nga rin pala tsaka wheel alignment. Di ko sure ung sa belts at sa power steering pero sa tingin ko belt or yung fluid lang un kasi ok pa naman. Balak ko din paltan ung Headlights kulay dilaw na eh tska parang plastic ata un gusto ko ung glass type pati ung brake lamps sa likod rectangular kasi at nagfade na yung color red may nakikita akong parang medyo pabilog ung design. Kung para magkailaw ung panel sa Dashboard kasi di gumagana pati ung speedometer ayaw pero gumagana naman ung Rev meter kaulangan ba ung buong dash board palitan.

    Focus lang kayo sa last paragraph para sa expenses tapus dagdag nalang kung may kulang na kailangan kaya may mahaba akong kuwento hehe. Sa mga magsasabi na ibenta nalang at talo sa expenses sa tingin niyo bat ako magpopost dito sa section ng kia kasi may passion ako sa car at hobby ko rin naman wala ako pakialam kung mas malaki magastos ko sa pagpapagawa kaysa sa bumili ng second hand hehe. Nostalgic din naman kasi family car dati ito nung preschool ako dito ako sumasakay tapus college na ako bala ko dito ako matuto magdrive ng malayuan basta di ko maexplain hehe tulungan niyo nalang ako. Sensya na mahaba talaga newbie po dito tska excited ako magshare. Reply sana sayang naman tinype ko. Salamat mga tsikoteers

    *Yung Audio kahit kami na ng kuya ko magsetup ECE naman kaya may alam siya suggest niyo nalang kung anu mga gagawin.

  2. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    2
    #2
    Wala atang napapadaan Xd

  3. Join Date
    May 2010
    Posts
    184
    #3
    mechanic makakasagot sayo sa sobrang haba eh nahilo ako hehehe...
    este electrician pala, or baka nanigas lang mga gauge arm nyan try to pull it off baka may kalawang.

  4. Join Date
    May 2006
    Posts
    913
    #4
    punta ka banawe.. sobrang dami ang parts for kia pride dun. tanong kalang kung san ang nag binta ng mga korean surplus..

Help: Kia Pride lx 1995