Hi sir DieselDude,
We have a 2003 Pajero fieldmaster..Ang symptoms po ng ride namin is hard starting sya sa umaga and sabay it blows white smoke and rough idling. If i-pump yung fuel primer sa fuel filter gaganda andar nya maghapon. Kinabukasan ng umaga hard starting nanaman sya and we have to pump the fuel filter primer again, after than maganda na naman andar nya ulit. We last calibrated our injection pump Sept 2012. We also replaced Glow Plugs this month lang.
May nabasa din po pala ako sa internet esp. in Australia na pag hard starting with rough idling and white smoke ang 4m40 at pag pinump ang fuel filter primer at gaganda na ang andar nito ay baka raw Oil seal na ng injection pump ang may sira. Na sabi daw doon ay air is sipping into the pump at umaatras ung fuel pabalik ng Filter/tank. Duda nga ako sa huling nagcalibrate, kasi baka hindi maayos ang pagka-calibrate o hindi maganda ang pinalit na Oil seal/O-ring.
Nung binalik namin sa dating nagcalibrate at sinabi namin ang problema at symptoms ng sasakyan ay alam na raw nila kung ano ang gagawin. Ang sabi daw nila ay i-aadjust lang daw ang injection pump timing para daw hindi mahirapan kumuha ng diesel fuel. Nung na adjust na nila ang injection pump timing ay gumaspang naman ang andar, at kinabukasan nung pinaandar namin ng umaga ay ganun parin ang sakit nya .
Anyways yun lang po.. any advice from you sir can be very helpful po sa amin..