
Originally Posted by
mazdamazda
pangkaraniwan na sa mga empleyado ang mag-uwi ng trabaho sa bahay...
na kadalasang pinag-aawayan ng mga mag-asawa.
maghapon ka na ngang wala, pag-uwi mo wala ka pa ring panahon
sa min ng mga anak mo... yan ang kadalasang linya ng partner mo.
Oo nga naman, dapat balanse lang ang buhay... me panahon sa
trabaho at me panahon sa mga mahal sa buhay. yan ang dapat nating
sanayin... balanseng buhay para sa masayang pagsasama!
naalala ko tuloy ang kapit-bahay ko. tahimik lang sila.... masaya,
at palagi kong naririnig na nagtatawanan. nguni't isang araw nagulat
ako sa aking narinig.... iyakan ng mga bata, galit na galit na nanay.
walanghiya ka bakit ka nag-uwi ng trabaho dito... pasensya na mahal
ang dami trabaho baka di ko matapos e kailangang mai-deliver na agad
mga to. sa loob loob ko, minsan lang naman ata nag-uwi ng trabaho di pa
pinagbigyan.
tuloy pa rin ang sigawan, iyakan.... lubos na akong nabahala kaya
kinatok ko sila.
pare, pare, okay lang ba kayo dyan? binuksan ng babae ang pinto at
galit na galit nagsumbong sa kin.... hay naku pare, tangna tong pare mo nag-uwi
ng trabaho dito sa bahay. sabi ko, intindihin mo na mare, minsan lang naman ata
ginawa e, baka sobrang dami lang talaga ng trabaho nya ngayon at me deadline.
galit nagalit ang babae na sinagot ako... ay tangna pare, alam mo bang
embalsamador ang asawa ko?