
Originally Posted by
Dieseldude
magtatanong lang po ako regarding turbo, yung kasing isuzu mu ng kapatid ko, may problema sa turbo. kung tumatakbo ito below 80kph, ok lang, di mausok. pag lagpas ng 80kph, yun yata ang time na mag kick in ang turbo, biglang bubulwak ang maitim na usok, parang nag le leak yung lubricant ng turbo sa exhaust manifold. kailangan mag slow down at maghintay ng mga 20 minutes bago mawala yung maitim na usok. pag chineck yung engine oil bawas na ito. Check mo muna ang PCV. Baka nag re-release lang ito ng oil gasses sa intake system at nasisipsip ng turbo.
ang tanong ko ay, pwede ba idisable yung turbo, para maging naturally aspirated ang engine? Pwede.
malaking trabaho ba ang pag convert nito? Malaking trabaho ang conversion. Malaki din ang gastos nito.
may effect ba sya sa engine performance? Oo.....laki bawas sa pwersa.
habang nag iipon nang pang repair, ano ang pwede gawin pansamantala para lang mawala yung maitim na usok, habang nasa 80+ ang speed? Gamitin mo lang hanggan 79 kph.
please help!! Patingnan mo muna ang sasakyan mo sa magaling na diesel workshop para malaman mo kung ano talaga ang sira. Baka okay pa ang turbo.....