Mga bro I have this very sad experience sa Toyota Makati, Metropolitan Avenue kanina. I just got my car after being repaired for collision damage. Nagtagal din sya sa Toyota for almost 4 weeks. Kahapon kinuha ko sya, ayun mali ang color ng grills, My Innova is an E kaya body color ang grills, nilagay ba naman ay J... how can they overlook that. Since marami na ang mga for flood repair kahapo, pinatanggal ko na lang ang front grills para ma-repaint at inuwi ko ang Innova. I inspected the unit sa bahay. First I notice bakit madumi ang loob. Saka lahat ng compartments ng Innova ko kinalkal. Ang alam ko kasi sa labas lang ang damage ng Innova ko so they have no business na pumasok hangang second row at dumihan ang loob. Second, yung bumper reinforcement na pinalitan nila dahil sa damage sa pagkabangga, puro gasgas agad. labas ang metal, kung hindi pa tinaggal ang grills di ko makikita. Sa asar ko bumili ako ng automotive spray paint na itim at ako na nag nag DIY. Naayos ko naman at nakuntento ako pero ininform ko sila. Pangatlo, yung side garnish nabakbak ang stainless strip. Nadaanan daw ng buffing. Hay... pinalitan naman pero malabo na ang stainless kasi kinuha lang ata sa scrap.
Eto ang nakakapikon, kanina inuwi ko na sa office ang oto. Pagparada sa offcie sabi ng guard maingay daw ang makina, napansin ko na rin yun pero akala ko belt slippage lang kaya lumalangitngit. Nang binuksan ko hood nawala ingay so akala ko ok na.
Umalis uli ako kinahapunan, dumaan sa Buendia..bigla may narinig ako na tak-tak-tak-tak-tak sa makina. Pinarada ko agad sa tabi sabay bukas ng makina. Ayun nakita ko na loose pala ang lahat ng screws ng engine fan... malapit na matanggal... naku kung sakali wasak ang makina ko, radiator saka hood. baka nadisgrasya pa ako. Buti na lang at mabagal lang ang takbo ko kanina at narinig ko agad kung hindi disgrasya.
Binalik ko agad sa kanila ngayon lang at kinomplain ko sa management. bakit naman ganun, dapat dumadaan yan sa quality control. Nakakabwisit. Paano kung nsa highway ako at doon humiwalay ang fan..di disgrasya.
hay naku.
