hi sir chng238,
I presume that the current Strada and Montero Sport has the same bumper size and is of the same mounting brackets since I was also told that half of the Chassis of the Montero Sport (front) comes from the Strada and the back was designed based on the 1st Gen Montero Sport. The overall width for the whole Montero Sport lineup is just 15mm wider than the current Strada GLS Sport/GLS 4x4 probably due to slightly beefier looking fender flares.
Source: Brochures from MMPC.
...and i also responded to your email. Thanks very much for sharing.
[quote=tc327;1288659]oh well... its just one of them days...yup. luckily it didn't hit the body panels. But do check the mounting brackets for any sign of twisted metal.
This is a common scenario also along Session Road, Baguio City... i saw a few 4x2 low-rider pickups and vans getting their stepboards crunched on the 1 foot high sidewalk!
Ive done the 14 Km/Lt on my Gls sport on highway driving but I don't exceed 2k RPM running at the speed of 80 to 90kph
and for the 18km/Lt?
I think nagawa ko na din yun...uhhhmm Last Night when I was asleep
sir, sure na yung fulltank ng gas mo if the agent persist on making the bet...on 2nd thought baka naman sir nasabi nya lang dahil kasama sa freebies yung fulltank of gas?![]()
Napag-uusapan na rin lang ang fuel consumption, i-share ko lang yung recent readings sa aking 3.2L A/T:
Pure city driving over the past more than 10 full tanks: 7.5 km / liter
Provincial run last month, 4 passengers including driver: 11 km / liter
hmmm....oo nga no?!? why that sneaky little....
will call his full tank of gas, and raise the insurance premium,LTO fees, ad backup sensor.....appreciate the reality check chief. also inquired re: gls consumption during our meeting, he claimed 14 long and 12 city (manual).
*lr777- yup. huhu but ok lang wala na rin akong magawa pag nakita ko ganun na eh.
*ooba- thankfully wala naman, delicate pa naman since fiber glass yung top up. btw, ok na ok yung consumption mo ah!
*marktriton- hehe thanks for the tip sir, but wala din yan dito sa cebu, iim based from cebu kasi.may private paintor din kami.
anyways here the pic just now, nag buffing na.
![]()
hello po strada owner. ask po sana ako ng payo..
1st time ko mag post at gusto ko po sanang bumili ng strada.. ask ko lang po kung anu pinagkaiba ng strada 2.5 gls sa glx aside sa 4x4. parehas lang po ba ng height? medyo binabaha din kasi sa village namin hanggang tuhod lang. kayang kaya po ba ng strada yung ganun kataas or may bibilin pang piyesa?
saka po pagdating sa maintenance mas mamaintenance po ba ung 4x4 saka 4x2? parehas lang naman po yata ng FC kasi 2.5 Parehas..
pure city driving lang naman living at cainta. hindi naman gagamitin pang off road kaso tinitingnan ko rin baka kasi kelanganin balang araw ung 4x4. at mga 4 beses lang ako umuwi sa probinsya isabela..
anu po ba pinagkaiba ng glx ska gls? oki na ba sakin ung glx? sana po may mag reply. im about to get navarra sana kaso ung 4x2 mejo mababa
WELCOME TO TSIKOT.COM, WELCOME TO THE STRADA THREAD, SIR FLORANTEJOSE.
Sori di ko masyado kabisado, hintayin natin iba nating kasamahan sa reply nila.
Pareho lang po.
Kung umaabot sa beywang, ayan may bibilin ka pang piyesa para mag-modify. Kung hanggang tuhod lang naman, huwag kang mag-alala, sisiw yan sa strada. Kung madalas kang dumadaan sa baha, mas may advantage ang 4x4.
Kwento ko lang, itong mga nakaraang mga linggo na panay buhos ng ulan, nakailang beses na akong nagri-river crossing dito sa Rio Grande de Espana (hehe) sa Maynila at parte ng Quezon City. Dati-rati may kaba ako, pero ngayon, nasanay na. Sabi ko sa sarili ko, "kaya ko nga binili ang Strada, eh". At hindi naman ako nabigo sa mga pagkakataon gayon.
Sa maintenance, parehas lang ang gastos sa pagkakaalam ko. At tungkol naman sa FC, pareho lang kung di mo masyadong pinag-gagamit ang ang 4x4.
Kahit saan ko tingnan, ang 4x4 ay pandagdag sa pogi points ng isang strada (naku, magagalit ang mga naka 4x2, peace mga bro! opinion lang). Ako, ang strada ko ay 4x4. Sabi ko sa sarili ko, just in case. Hindi ko pinagsisihan, kasi ang daming "just in case" na nalagay ako na kinailangan ko ng 4x4, At happy ako na 4x4 ang sasakyan ko sa mga pagkakataon na iyon.
Kung may budget, mag 4x4 ka na.
Hmmm.... 4x2 o 4x4, parehong talagang (hindi lang mejo) mababa, sir yang binanggit nyong trak. Uhmmm... maganda din sya. Pero kasi nandito ka sa strada thread, kaya ang pinkamaganda eh, ano pa, eh di, STRADA, hehehe. At yan walang halong bola, hehe.
Sana nakatulong ako sa inyong pagmu-munimuni at makapag-desisyon kayo ng matiwasay. Salamat po ng marami.
Oo nga pala sir, taga-saan po kayo?
Last edited by ooba99; August 1st, 2009 at 05:47 PM.
Here are my observations:
* 80kph - 15 km/L
* 100kph - 12 km/L
And this is 3.2L. So baka makalusot pa yung SA sa 1 fulltank nya.
BTW, for some good news. Regarding my engine's loss of power during acceleration, for the past two weeks di ko na na-experience. Kahit ihataw ko ng ihataw. Back to normal performance na truck ko. So I'm thinking baka madumi lang yung diesel na nakarga ko. I've done 2 full tanks since then. I just hope ok na talaga.
magandang hapon po sa iyo... and welcome sa thread!
parehas lang ng height ang glx and gls model ng strada... pero kung may budget ka sa gls, might as well get it na lang... hindi ka magsisisi...
my mom's house is also in cainta... hanggang tuhod na baha? panis yan sa strada, kahit yung entry level na GL walang binatbat ang ganyang baha... hehehe
ako, glx ang kinuha ko since ang budget ko dati pang honda civic lang dapat... pero nung makita ko ang glx na pasok sa budget ko, hindi na ako nagdalawang isip pa!
suggestion ko? depende sa budget mo... ok na ang glx, really value for your money... but if you have the extra dough to burn, go for the gls... and lastly, if you decide to get a strada, JOIN ka na sa The Strada Club of the Philippines! sobrang saya dito! hehehe