jru120, pati ako nangangarap na magka montero sport. ganda talaga. test drive mo MS bro, ramdam mo agad na ang luma na ng pajero natin. lalo na sa engine.
flicker, di ko sure kung psychological, but parang bumilis yung taas ng rpm, kaya mas gumaan siya (pero mabigat parin) , galing ng knn bro, for sure di na mabibitin sa hangin engine natin. in theory dapat mawala ang usok pag binibirit and tumipid sa krudo, dahil sa better breathing. check ko sa next full tank ko. kung mag 7+ kms/liter to sulit na sulit na to,
badsektor, saan yan bro? nakita mo ba magkano? gastos nanaman, sana pang gen 2.5 siya, wag pang gen 2.
chilledoxygen, sure mo muna consumption mo, masyado mataas FC mo. mahirap mag estimate niyan. I usually get 6.8 to 7 kms/liter, pure city driving. AT din akin, oem filter lang bro, di pa ako nakagamit ng replacement sa air filter. imho ito yung part na pinakacrucial. daming pwede maging effects pag blocked ang airfilter mo. sa dumi ng metro dapat 10k palit na agad. matakaw sa hangin engine natin lalo na pag gumagana turbo. 1,200 ang price ng oem, ang problem is mabilis siya maclog, atleast you know its working.
Last edited by promdiboy; September 22nd, 2008 at 10:05 PM.
pb, ayaw kong itest drive ang MS at baka mapasubo ako
alam mo ba pano iset ang compass sa paj natin? parang na-reset kasi yung akin pagtanggal ng battery kahapon. apat na letter "s" ang umiikot at nawala yung letter n,w, at e.
FC ko 7-10 L high way . depende lang sa pag apak ng pedal Manual Transmission po. minsan nakaka 13 pa ako sa high way di ko makuha ang FC ko sa city driving kasi pagbaba ko sa bundok papuntang city balik agad sa bundok. hehehe.
jru120, pindot mo lang ng 3secs yung button, magiging isang S lang yan na umiikot. drive kalang around town, after 10 minutes babalik na uli yung nswe. ganda ng FC mo bro, paano computation mo diyan? ang bait mo siguro mag drive.
Pajero Experts and PB,
here's a pic of my intercooler (located under the hood scoop). meron na siyang mga epoxsy. di ko alam if sumisingaw na.
hindi naman machecheck if sumisingaw na diba?
Wat do you think? Should I replace it immediately?
chilled oxygen, mukhang nagkaleak yung intercooler mo, paano nabutas yan bro? pag may leak yan maririnig mo sisingaw yan pag nirev mo and may konting oil na lalabas. singaw = no power.
to compute for accurate FC.
1. full tank hanggang leeg (wag automatic)
2. reset mo trip meter to zero
3. drive drive your pajero (usually ako mga 400 to 450kms 1/4 nalang sa gauge ko, pwede rin naman 3/4 or 1/2 sa fuel gauge, depende na sayo)
4. next full tank hanggang leeg uli (wag automatic)
5. compute, kms traveled (based sa tripmeter) divided by liters ng full tank.
my last fuel consumption was 398.1kms / 61.03 liters = 6.52 kms/liter.
mahirap magcompute ng estimated, fuel guage kasi natin pag puno matagal bumaba pero pag bumaba na ang bilis na.
PB. di ko nga alam paano nabutas to. Sadly, pagbili ganito na talaga. So do I need to replace this asap? ang mahal kc ng intercooler eh. plano ko nga ung sa 4d56(GEN II na pajero) na intercooler ung sasalpak nlng. Ano kaya? Naghahanap pa ako ng ganito ngaun? You have ideas po? =)
Thanks for all your Fuel consumption steps. I will try it sa next gas up ko..
btw, PB what do you mean ung "hanggang leeg"? you mean un ung line na full tank dun sa fuel meter natin?
sir pb, may nalista pala yung driver namin nung aug. 23,2008 at sept 17,2008 sa reading ng trip meter ng pajero ko.
aug 23,2008- 364.6 km 30 liters full tank
sept 17,2008- 464.8 km 64 liters full tank
di daw maintindihan ng driver namin yung computation ko. Hehehe.
Computation mo sir pb is ganito ba?
364.6 km / 30 L= 12.153 km/liter
464.8 km / 64 L= 7.2625 km/L
Tama ba?
kung ganito nga computation mo, so, nakaka 12km/liter pa ako?
Kasi pagpumupunta kami ng city halos di na pinapatay ang aircon kahit 2 hours hintay sa bank at sss o sa iba pang transactions. Pinapatay lang pagpasok sa mall or kain ng lunch.
chilled oxygen, wag mo muna palitan kung wala namang singaw. tawag ka sa motorix or eldorado kung magkano intercooler, medyo may kamahalan siguro yan. nakakapagtaka nga paano nabutas yan kasi wala naman dapat dumidikit diyan. what i meant sa hanggang leeg is pag nasisilip mo na yung diesel sa butas ng gas tank, hindi kailangan hanggang sa fuel cap. baka matapon. silip lang pag makita mo na.
jru120, bro yung 2nd computation mas mukhang realistic, sa pure hiway hataw I can do 8kms/liter. same din naman pala computation natin, yung akin lang gamit ko trip meter, yung sayo sa odometer mo kinukuha, manual pajero mo diba kaya mas matipid talaga yan.
Guys, Ilang lt. ba talaga yong fuel tank natin? Sinagad ko last time before have it full tank. Needle ng guage nasa red line na medyo parang lower pa nga yata pero hindi umilaw yon warning light. Pagdating ko sa station full tank is 83 lts. Pagka alam ko 92 lts kasama reserve. Tama ba?
Minsan nag laro ako sa FC ko per trip ang sukat. Ganito ginwa ko.
Full tank at the gas station sagad talaga then to my destination going back drop by ulit sa same Gas station full tank ulit, compute. Different scenario different consumption. Basta the best FC I got is 7km/lt, worst is 6km/lt. city driving up to 60kph top speed.
larshell, 92 liters nga gas tank natin. very similar tayo ng FC. but usually I get near 7 kms/liter, Im hoping with the knn filter installed I can do better than 7.
chilled oxygen, no problem bro,
I did a little comparison sa weight class ng pajero natin. akala ko kasi mabigat pajero natin kaya matakaw sa diesel at mabagal mag accelerate. pero parang light weight pa pala. nung nadrive ko adventure ng friend ko parang di naman hirap sa 4d56. 60kg difference lang sa atin.
based sa motioncars
new corolla altis = 1,210kg
mitsubishi adventure = 1,530kg pajero fieldmaster 4x2 = 1,590kg
toyota LC prado = 1,870 kg
new strada = 1,905kg
new montero sport = 2,105 kg
new pajero bk = 2,235kg
ford expedition = 2,358kg
nissan patrol super safari = 2,415 kg
toyota LC200 = 2,615kg
larshell, hirap magbigay ng tangible benefits, di pa kasi ako nakakapagpagas. but parang medyo gumaan yung taas ng rpm needle. ang audible difference is pag nakabukas yung air filter box cover, talagang rinig mo yung lakas ng higop compared sa oem. 5,700 ang price, courtesy of flicker kaya swerte sa price. may comment si flicker sa knn sa previous page, same padin yata Hp ng mga non turbo 4d56 adventure, 73 HP lang and 143nm of torque, while our pajero is 125 Hp and 298 nm of torque. maybe its because of the smaller tires. pag hi speeds mas mabilis na pajero natin for sure,
larshell, yup washable siya, 12 dollars bili ko sa filtercharger (cleaner). includes knn cleaner and knn oil. 1 filtercharger can clean 2 filters. sa banawe mga 1k dati presyo.
jru120, My tires are Bfgoodrich AT, best tires for me. looks and treadlife walang tatalo imho
pb, maganda nga yun na tire 265/70 r16 ba yung gamit mo?
pinuntahan ako ng SA dito from cebu. P7,520 bigay nila sa akin 3 months to pay pa. magkano ba jan sa inyo? nakabili na kasi ako ng surplus tire sa friend ko. 275/70 r16 bridgestone winter (yes winter nga hahaha!) P3,000 lang ang isa galing japan. 4 kinuha ko.
sinunod ko lang yung payo ni kcboy kung makapal pa at kung walang bulges sa side ok lang daw (salamat kcboy at nakatipid ako). try ko lang kung ok ba ang surplus tires.
nagtanong nga yung mga workers kung san ako nagpapalit at wheel balance kung san ko daw nabili yung tires. sabi ko sa cebu. dealer din kasi sila ng bridgestone at wala daw sila ganung klaseng tire na binebenta. mainit daw dito sa bohol at di daw nagsnosnow. tawa lang ako at sabi ko sa lugar namin sa may chocolate hills may part dun nagsnosnow. hahaha!
di rin nila alam na surplus pala yung mga tires makapal pa kasi eh. class A semi-brand new tawag ng friend ko dun.