Oh boi hindi kayang baguhin ng technology ang katangian ng metal na lumalaki, humahaba kapag naiinitan.
Ang sinasabi ko na kapag naiinitan ang piston at kapag lumaki ang piston itutulak ng piston ang ring sa liner.
Ang patulak na pwersa dahil sa pag expand ng piston ay tangent sa pag slide.
Kuha ka ng papel (medyo malapad na kasya dalawang kamay) or pilasin mo isang pahina ng librong gamit mo. Patong mo sa lamesa at galaw-galawin mo ang papel ng isang kamay na parang pinupunasan mo ang lamesa. Ano mapapansin mo? Smoothly sliding ang papel di ba?
Kung available ang isang kamay mo, ipatong mo yun sa kabilang kalahati ng papel at diinan mo ng konti ang papel. Ngayon gawin mo ulet yung ginawa mo kanina na parang pinupunasan mo ang lamesa. Ano mapapansin mo? Napapaslide mo pa ba ng kasing lambot ng dati ang papel?
Ang sinasabi ko ay dahil sa patulak na pwersa ng pag expand ng piston "
It creates abnormal wear or may scratch the liner". Ang epekto noon ay saka mo lang mararamdaman sa paglipas ng panahon. Hindi ko sinasabi na sasabog ang makina.
Isa pa hindi realistic ang example ninyo na makikipagkarera kasi for sure mainit na makina noon kasi wala namang karera na starting from garage. I doubt din kung makakalabas kayo ng sabay sa gate. Kung sa kalye ninyo naman gagawin ang karera hindi rin ninyo pwede iwanan ng matagal ang sasakyan. Ewan ko lang kung hindi kayo ma wrecker.
Ang sa akin lang naman at kapag gusto ninyo na tumagal ang buhay ng makina ay mas makakabuti na kapag galing sa matagal ng nakatigil (halimbawa overnight) eh idle muna bago hatawin.