Hi all. newbie here. would just like to ask if may idea kayo how much yung radiator for a 2002 kia sedona?
my father bought this second hand car (3rd hand) last June 23, pero lagi na lang may problema.. we are not sure if yung car talaga eh sirain, or yung mekaniko na pinagkakatiwalaan ni Papa eh hindi talaga katiwa-tiwala!!! for instance kahapon, we're going to tagaytay, but we're still in Dasma, nung maramdaman ni Papa na ang hina ng "batak" at ang itim ng usok if paakyat yung daan.. so we went home and pinatignan dun sa mekaniko.. ang sabi may "clip" something lang daw na natanggal, sorry but i really don't know kung ano tawag dun.. then naging OK.. so we went back to our trip.. we are close to tagaytay, nung makita ni mama na umuusok yung harap.. so overheat naman.. tinawagan ni Papa ulit yung mekaniko to help us. Actually, umpisa pa lang, before kami umalis, si mama and my bro kept on telling my father na lagyan na ng tubig ung sasakyan, but ayaw maniwala.. yung sira kasing mekaniko, ang sinabi ata dati kay Papa and sa bro ko, na wag na wag daw lalagyan ng tubig yung sasakyan!! i really don't now anything about cars, but this piece of advice is i think napaka ewan!!
anyway, so ayun, naayos at natuloy kami sa tagaytay, but nung pauwi na, yung preno naman nagkaroon ng problem, nagsslide daw sabi ni papa.. so ayun, tinawag na naman yung mekaniko na yun to check,. i am just wondering, kailangan ba talagang tanggalin yung 2 gulong sa likod to fix the issue with break?! ganun kasi ginwa nya.. then sinabi nya na may tapal na raw yung radiator, kaya daw siguro binenta.. at kaya daw pala may tagas at laging nagooverheat yung sasakyan.. yun naman ang gusto nyang tignan at ipagawa namin sa kanya.. what bothers us (kaming mga girl members of the family), is bakit nung una pa lang nicheck nya nung umaga, bakit hindi nya pa nakita yung mga naging problema ng sasakyan, like yung tubig na lang.. ganun ba talaga yun, i mean, can't you proactively identify yung mga magiging issue ng sasakyan.. isa pa, namention na rin sa kanya nung isang pinsan ko kanina na baka nga yung radiator may tagas, pero hindi nya nicheck, nung nasa bahay na lang.. tingin tuloy namin, niloloko nya lang kami para lagi syang may trabaho!
gusto sana namin convince na si papa na puntahan yung binilhan ng sasakyan since may talyer din naman yun.. feeling lang kasi namin, ayaw ni papa, dahil ayaw nya ng magalit at manghinayang sa nabili nya.. super gusto lang kasi talga nyang magkaroon kami ng sasakyan..
hai, help naman po, baka you know a trusted and magaling na mekaniko for KIA cars.. from boundary ng imus/gen trias/dasma kami.. we really want to help papa, and maging masaya yung one month vacation nya dito before sya bumalik sa Saudi
