
Originally Posted by
Boss_MajorXIII
'Yung mga talunan sa eleksyon sa Pilipinas laging nadadaya then lagging nagaabang na magkamali ang nanalo sa gobyerno at madalas gagawa ng paguusapan. History ba 'kamo? Lahat naman nagkakamali eh pero ang masaklap paulit-ulit ang pagkakamali. halimbawa:
'Yang Kuwait ego tripping na lang 'yan dahil iniescalate pa at ginagatungan pa ng mga Pinoy mismo. Nagsorry na ang Gobyerno pero gusto pa ng mga abangers yata eh papugot ng ulo ang boss ng DFA o yung ambassador para masabing sincere ang sorry... Ano ang namiss ng mga Filipino? 'Yung chance na ipaglaban ang dignidad ng mga Pinoy. Passport natin ang linaw kung ano nakasulat doon at lahat ng passport ng mamamayan ng mundo for that matter. Sabi doon extend the respect blah blah dahil si Juan de la Cruz ay Filipino. 'Yung Kuwait ba pinoprotektahan 'yan? May international protocol sa passport na dapat irespeto ng mga sovereign nation. Kasama ba Kuwait? Ang Kuwait may labor law, nakaenforce fairly ba ang law na 'yan sa Pinoy?
Ano point ko? Bakit hindi magkaisa ang mga boses ng mga Pinoy doon sa issue imbes na magwatak-watak. Sabi ng mga European, ang weakness ng Pinoy ay nasa puso nila at utak. Kung ano ibig sabihin n'yan bahala na kayo, pero irephrase ko 'yung nabasa ko na nakasulat sa salamin ng 4X4 na auto na minsan nakasabay ko sa sapang bato.
Unity (love) alam ko spelling pero hindi ko na alam ang feeling.