Long time no post na ako dito mga sir... Tanong ko lang kung meron na nagpalinis sa inyo ng egr at catalytic converter. Kung meron man magkano charge sa inyo ng casa?
Sir, ask ko lang po kung anyone bought a "Rear Bumper Protection slip" for KIA Carens, please share anyone knows...thanks
Hi Carens peeps!
I might be in the market for a 2nd hand car soon and carens is on top of my list (diesel kasi).
Will anyone be kind enough to share your FC for both manual and matic? Aside from the dual mass fly wheel issue, any particular engine part/ component I need to look out for?
thanks
Tapos na 3-year warranty ng KIA Carens M/T ko.
1. Sa ngayon nakaka-61,750 km na ako. Bought replacement brake pads (first time) for 1,300 (front and rear)...pinalitang lang yung sa harapan (1/3 na lang siguro yung kapal against sa original).. yung brake pads sa likod hindi pinalitan, makapal pa.. sabi nung mekaniko ang life daw nung brake pads sa likod ay 2x nung sa harapan.
2. Sabi nung mekaniko, normally, yung timing belt pinapalitan kapag naka-100km...pero "kung iko-consider mo yung traffic, dapat sa 80km, palitan na ang timing belt".
3. At 35K nasira yung magnetic coil (?) ng aircon ng Carens...so at 65km-70km baka masira uli ito?.. any idea kung magkano ito?
4. Medyo humina hatak ng makina at pag tinatapakan ko ang clutch (konting sayad lang ng paa sa clutch) may kakaibang ingay akong naririnig, pag fully-pressed wala na.... time na kaya para magpalit ng 'clutch assembly'?
Mine is already 3yrs and 4months, odo reading is only 22000+ kms pa lang.
I am hearing a humming sound whenever I turn off the engine. Yun bang pang meron mga gears na gumagalgal. I normally idle for about 2-3 minutes bago off makina. Intermittent sya minsan meron unusual tunog minsan wala. Pero prevalent sya pag mainit yung makina. Pag ini-start ko ulit then off after 1 min, normally walang unusual na tunog.
Dinala ko sa Kia Pasay ang sabi sa turbo daw yun humming sound at normal daw yun? Me naka experience na ba sa inyo nito? Wala naman pagbabago sa takbo ng carens ko 17,800kms pa lang at same pa rin ang hatak. Worried lang ako baka symptoms ito ng failing turbo lapit pa naman mag end ang warranty ko.
Any similar experience here?
good day mga carens owner,
2 weeks ago nagasgasan ang carens ko ng bisikleta. Gumuhit sa driver side door, ang nakadala ay pedal ng bike. Gumuhit pero imaginin nyo na lang kung gano kanipis ang guhit pero malalim. wala naman dent.
San ko pede dalhin yung mura lang. alam ko pag ganito buong pinto ang pipinturahan para pumantay.
May alternative ba? Di ko pa kasi nadadala sa casa kasi wala akong time pero. By next week nag pa appoint ako. pero alam it will cost me too much. Please help naman po
Nagpunta ako kanina Kia Alabang ang estimate sa akin ay 4.5k buong pinto daw ang pipinturahan. Tapos sabi nung pinaka foreman o chief mechanic siguro nila dun ask daw nya ulit yung pintor baka daw pede spot paint na lang, yung affected portion na lang ang pinturahan mura lang daw yun. kami na lang daw magusap ng pintor nila.
Ok kaya ang spot paint? Ano palagay nyo? May naka experience na ba sa inyo ng ganito?
Sir, paspot paint mo na lang mas hindi halata ito kesa sa buong door pa paint. for sure hindi magpapantay yan at kitang kita ang difference sa kulay. Walang nakakapagpaperfect sa repaint.
Hi Guys!!
Pinasok ko kahapon Carens namin for 40K PMS. "Big Jobs" na daw yun kasi marami na papalitan like belts, filters, etc. Aabutin daw ng P13,000. Totoo ba yun? How do I make sure na gagawin nila lahat talaga yun?
Yesterday evening ayaw mag start ang carens ko, we suspect it is due to the battery, but we only bought it June or July of last year (maybe), we bought a motolite gold, we will bring the battery today at the shop where we bought it kasi under warranty pa naman.