mukhang delikado yan kung papakalas mo sa stencil boys! kung ako sayo, padukot mo na lang sa kanila im sure magagawan nila ng paraan yan.![]()
mukhang delikado yan kung papakalas mo sa stencil boys! kung ako sayo, padukot mo na lang sa kanila im sure magagawan nila ng paraan yan.![]()
good day sa lahat...newbie lang po sa wakas makukuha ko na carens ko this tuesday SILVER TITANIUM siya...nabasa ko mga post nyo lahat..dahil newbie ako anu ba yung PMS,FC,RPM,torque,di ko po alam kasi yan pwedi po ba pa explain sa akin..para naman di kaagad masira ang carens ko sensya na po baguhan lang gumamit ng car 1st time ko po..model pala ng carens ko ex a/t..post ko sunod yung pics pagnakuha ko na..at okay lang ba sa uphill kia mataas na lugar kami dito ako sa taytay nakatira.
![]()
wag po kayong mag-alala, lahat tayo nag-simula sa newbie.
PMS- Preventive Maintenance Schedule. yan yung regular maintenance natin. Usually 1st 1000 kms, then every 5000 kms ang interval nyan. Kadalasang ginagawa ay oil change, oil filter change.
FC- Fuel Consumption. normal na yung 8-10 km/ltr na kunsumo ng carens natin. depende na lang sa driving style mo or traffic condition, pwede yang bumaba or tumaas pa.
RPM - Revolutions per Minute - yan yung ikot ng makina
Torque- yan yung lakas ng makina natin
sana nakatulong ako & congrats sa Carens mo.
Good day sir, I own a carens crdi M/T. Ask ko lang mga bossing kung meron ng nagpalit ng timing belt sa inyo? Sabi dito ng isang mechanic (Iloilo) na pwede pa naman daw hangang 100thou kilometers but when I ask Kia Libis yesterday...they told me hangang 60thou lang dapat pag M/T, 80thou kilometers kung A/T.
3 years old na itong carens, tapos na warranty ko....should i go for 100thou to change my timing belt? Going 80thou kilometers reading ng ODO ko, what should i do?
Pwede bang pabuksan ko muna and check kung ok pa ang timing belt ko?
One more thing, i going to manila next week...does anyone know any shop that sells cheaper parts for our kia carens. I need to replace all my belts and the valves that goes with it..medyo manipis na. Since mine is not covered with warantee anymore, sa labas ko na gagawin yong PM's ko...so i need to buy replacement oil and fuel filters. Brakepads etc. Thank you in advance.
My numbers kayo ng shops, pahingi hehehe!!!!
80K odo is already time to change timing belt for peace of mind, be sure to get original brand. Seiring in Araneta/Banawe (I think) or Goodgear in Taft Ave., Pasay are stores to go for KIA/Hyundai spare parts. Search mo na lang ang contact numbers nila.
Let's wait from other KIA owners here for additional info.
Mahal po ba ang parts ng Carens? compared to Innova which is cheaper? thank you..
It's better to know the Kia Carens parts no. before buying the replacement parts.
Ang pinaka-mahal sa Timing Belt replacement ay ang labor, at usually e sinasabay na din diyan ang water-pump para isang bukasan na lang. Kung papabuksan mo na rin lang e ituloy mo na. Ako balak kong magpapalit ng timing belt at 100K..CRDI/AT ang sa kin. Kasi ang recommendation sa normal driving e 160,000 km..palagay ko safe sa 100K yan sa klase ng driving sa Metro-Manila..
sir good day to all.
ask ko lang nag praktis driving ang asawa ko.sa village wala naman dun lubak or humps.pag uwi tsek ko carens ko binuksan ko yung engine then start ko siya.mayroon ako narinig na ibang sounds para bang yung radyo pagnawala sa station na maingay akala ko may mga barya ako nilagay sa cupholder wala naman yung ingay nya malapit sa side mirror sa captain seat.yung lumipat ako sa tabi ng driver seat naririnig ko pa rin siya pero mahina na.at umupo ako sa 2nd row medyo kunti na lang ang naririnig ko..okay lang ba yun sir 8 days pa lang yung kia ko..pagpumunta ba ako sa kia service wala bang fee for check up at saan ako pwedi pumunta yung the best casa..para naman di ako medyo lukuhin kasi newbie lang ako at wala masyado alam sa mechanical...and also 1st time to own a car..kaya nagaalala ako sa carens ko parang humingi ng tulong sa akin...![]()
Sana pag post mo ulit o kahit sinong miyembro natin dito, paki-banggit ang type ng Kia Carens ninyo para maka-relate ang mga sasagot. Halimbawa CRDI EX AT, o Gas LXI M/T, etc. Sa ganitong paraan, mas madaling sagutin ang mga tanong ninyo.
Anyway, ang warranty natin e may tinatawag na "whole vehicle warranty", at ito ang tinatawag na full warranty ng sasakyan. Meron ding tinatawag na "Normal wear and tear warranty"..ito yung may warranty ang mga parts pero dahil sa maraming parts ang dapat palitan pagkaroon ng wear and tear, binabayaran mo ito pag pinalitan katulad ng oil, oil filter, a/c filters, air filters, fuel filter, etc.
Kapag ang papalitan o aayusin e hindi parte ng "normal wear and tear" na warranty e ang Kia ang bahala dito sa parts and labor. Minsan parts lang pero hindi labor. Kaya bago pa ang lahat e kailangang basahin mo ng husto ang warranty documents mo.
Kapag meron kang parts sa Carens na nag-break down na hindi naman dapat mag-breakdown bago mag-expire ang 100,000 km, 5 years (sa mga bago ito) papalitan ito ng Kia ng walang bayad.
Example yung sa akin (CRDI Ex/AT), nag-breakdown yung power lock sa driver's side. Di ito dapat mag-breakdown bago mag 3 years, kaya pinalitan ng KIA ng walang bayad. Marami pang iba sa ating mga members ang nagkaroon ng problema at sinagot ito ng Kia ng walang bayad.
Kung ako sa iyo, dalhin mo sa KIA ang problema mo at sasabihin naman nila sa yo kung may bayad o wala. More than likely e walang bayad ito dahil di naman normal wear and tear item yan sa palagay ko.