sino sa inyo nagpalit na ng projector type headlight? napundi kasi yung left headlight ko.
magkano kaya yun? kaya bang i-DIY?
TIA!
guys kaka 15k pms ko lang at kia acropolis, tapos pinacheck ko na rin ang turbo which I thought was the problem, wala naman daw leak, medyo madumi lang daw tapos nilinis. I suppose chineck narin nila yung filters?
pero pag drive ko ganun parin, may whistling sound, kapag flinoor na iipit yung speed(40kph) at 3k rpm and loss of power compared to before.
ano kaya yung problem? or hindi lang talaga inayos yung turbo?
Sir try bringing your unit to kia e rodriguez. Maayos ang service at warranty nila dun. mabilis pa kausap ang mga SA dun look for ronnie. Ganyan din yata nangyari sa akin e. mahina ang hatak tapos nakakapower lang ako pag exceed ako ng 2k rpm. Pinalitan nila ang feed pump assembly ko.
Sir bogart, dahan-dahan lang pag alis ng housing ng headlight, ingatan mo lang na di mag scratch bumper mo, also may technique sa pag alis ng headlight housing, nakalimutan ko na if nasa owners manual natin nasulat un or sa KGIS na website.
Napundi na pareho ang both low beam headlights ko at pinagawa ko na lang sa Servitek dito sa Antipolo. Mura lang (sa palagay ko, kasi ito pa lang ang first experience kong magpapalit)...wala pa yatang P500 ang bawat isa kasama na ang labor.
Madali lang dukutin yung headlights at palitan kung meron kang pasensiya..kasi kitang kita lang sa labas yung papalitan mong head lights..
Kaya lang nung palitan ng Servitek e nawala na sa focus yung headlights ko at katulad na rin siguro nung mga nasasalubong kong "banlag" ang mga headlights - di mo malaman kung naka -high or low beam...
Papa tune up ko na lang pagpunta ko ulit sa kasa para sa huling warranty service ko..
ok i-mention ko itong dalawang possible problem pag check bukas. sirs hindi ba covered ng warranty itong dalawang possible problem? wala pang isang taon carens namin, normal ba na lumabas yang mga yan? 15k mileage. a/t.Sir encounter ko na yan bale tukoy na ng KIA Pasig iyan, kaya nawala huni sa carens ko, ang sound ay nanggagaling sa AC shaft bearing, papalitan nila iyon, medyo me kamahalan
my carens will be three years this June. however, i noticed a 'kalampag' when running on paved but roughly finished roads. i had it checked and the mechanic said i need to change the front and rear stabilizer links and front and rear stabilizer bar bushings.
anybody experienced this also?
approximately how much cost for the parts?
finally, was anybody able to have these parts replaced under warranty considering that my carens hasn't reached 3 years yet?
thanks for you inputs.![]()
The KIA-Alabang mechanic initially diagnosed worn out front stab links for the 3-month old Carens. Fortunately, the "kalampag" was due to a loose nut for the left front shock absorber. It was just re-tightened and ok na sya. Stab links are usually worn out after 5 years so have yours replaced since your car is still under warranty.
Okay, after reading this http://www.kia-forums.com/kia-carens...eadlights.html I decided to change the headlight by myself.
You only need a 10mm box wrench, a phillips screwdriver (just in case, explained in 5a below) a rag to protect your bumper and a little D-I-Y intuition.
1. Pop the hood!
2. take-off the connector by pinching the tab on the side.
3. Locate the 2- 10mm bolts securing the headlight assembly.
4. Untighten these 2 bolts.
5. Pull-out the headlight assembly. Madali lang naman, konting tulak lang papalabas.
5a. If you find it a little tight, you could unscrew the 2-phillips screw head.
6. Once the headlight assembly is out, turn the headlight cap counter-clockwise and you will see the H7 type bulb, remove the connector and you're ready to replace it!
Costs:
P135- 1 pc. H7 55w bulb
P5- 2 sticks Marlboro lights
Time- less than 15 mins!
HTH!
Kahapon nagpunta ako sa Kia Pasig para sa 60,000 km PMS. Inabot ng P7,300 ang bayad dahil meron silang 15% discount promo sa service, otherwise nasa over P8,000 sana yon katulad ng 20K, 40K at 60K service. Pinaka mahal sana ang 60K PMS dahil kailangang palitan ang timing belt at tensioner, pero di ko pa pinagawa kasi nga napaka-aga pa ng 60k sa palagay ko. Ang cost ng timing belt replacement e P15K..aray ko! sakit..
Ibabalik ko next week ang Carens ko para ibaba ang Turbo para malinis. P2.8K daw ito, pero okay na siguro dahil parang nabasa ko na meron tayong member na pinagawa ito at mga P3.7K yata ang ginastos nya. Puro carbon daw ang turbo at kailangang ibaba at linisin dahil nasasakal ang flow ng hangin kaya nagkakaroon ng hesitation pag arangkada o pag nag-oovertake..
yung sa exhaust side ng turbo malamang puro talaga carbon yun.. pero yung sa intake side wala dapat...
imho, wag mo na pagalaw yan turbo mo kasi baka masira lang... lalo na kung hindi naman sira..
yung kia carnival ko dati pag tinanggal yung intake hose, nakikita ko na yung turbo fan blades.. hindi naman ma carbon eh... hamak na mas mausok yung carnival sa carens
I finally found the time to cut up our Carens' fuel filter. Here's the picture:
![]()