Parang naiipit yung makina ng Carens namin, ano kaya problema mga sir?
Kanina feeling ko mabagal, so sinubukan ko i-floor nung maluwag.. ayaw lumampas ng 3000 rpm. Actually last saturday pa 'to nangyari pero parang umayos naman pagka off-on. Pero ngayon mukhang 'di na umaayos.
11k mileage, bought july 2010..
Well, ang sagot dyan e "yes" and "no". Yes, puwedeng ma-void ang warranty, and "no", hindi ang warranty sa buong sasakyan. Yung mga services at replacement lang na na-apektuhan dahil di ka nagpa-service ng 10,000 at 15,000 miles.
Halimbawa, nagkaroon ka ng pre-mature failure ng cooling system, nag-overheat at nagkaroon ng internal damage ang engine mo. Kung ang "cause" nito ay dahil di ka nagpa-check up sa required maintenance, e hindi nila i-o-honor ang cost of repairs dahil di ka nagpa-check up kung saan nakita sana na kulang ang coolant mo, o kung ano pa mang dahilan.
ayun na nga, ang mom ko stop and go mag drive kahit hindi traffic..
nabasa ko na nga din tungkol sa leak ng air hose, thanks sir supermarine.Good day. May nabasa ako sa forums na similar dyan. Ayaw humatak dahil may leak ang isang air hose na connected sa vgt system. Ganoon din, walang hatak at ang baba ng RPM. Nang mapalitan yung hose, back to normal na yung sasakyan. Paki check mo sa Kia service.![]()
sir under power po ba? check the air filter, sa tingin ko madumi at crumpled na yan sa owners manual i think 20k odo bago dapat mag-palit pero dito sa RP dapat ata eh 10k lang dahil sa mainit na climate, the other option is to bleed the fuel, the casa will know what to do.![]()
Last edited by EJS12129; February 12th, 2011 at 09:55 PM. Reason: need to clarify the content
Help please....
Due na ako for registration this month. Hindi ko mahanap yung engine number, kahit sa area na sinasabi sa manual.
Paano niyo ginawa yung inyo? Sabi sa casa half day daw nila ginagawa yung stencil dahil maraming aalisin (1 hr para palamigin yung engine, tapos 2 to 3 hrs para sa pag stencil). Hindi ko muna pinagawa dahil mas matagal pa estimate nila compared to regular PMS.
Thanks!
mahirap hanapin talaga sir yung sa engine, according dun sa manual, may arrow na nakaturo dun sa bosch, pero hindi dun, sa ilalim nun sa engine block talaga. yung sa akin hinayaan ko na lang yung nag i-stencil maghanap, kinapa na lang nya, tapos sa scotch tape nya inilagay kasi mahirap nga pero sandali lang naman. ala pang 30mins
The 3 year warranty of my carens has expired so I bought replacement air and aircon filters from Alabang Autoparts which I installed myself. Saved about P1000. Except for the KIa brand, difference in quality of the filter elements was not noticeable!
Pag nag pa-stencil ka sa casa magbabayad ka pa (at least kahit tip sa gagawa). Para walang hassle pa stencil na lang sa mga LTO stencil boys, alam nila yan, kahit malabo ang resulta basta sila gumawa tanggap ng LTO yan.
thanks sa replies!
sa Kia Alabang din ako nagtanong kaso matagal daw gawin. dala ko na yung LTO forms kaso hindi kasi kasabay ng PMS, so sayang oras.
mukang sa LTO na rin ako magpapa stencil, nagpatanong na ako sa stencil boys.... kayang kaya daw nila yun (without seeing the car). Sana nalang maibalik nila ng tama mga kakalasin nila. hahahaha