Hi Guys!
Just want to share to you my story!
We got our Grand Starex (all black) 11 seater CRDI VGT with skyroof from Stand-Out early about September 2007. At that time, wala pang Grand Starex sa showroom ng HARI kaya agaw pansin ang starex namin noon pag nimamaneho

. Since hindi namin magamit nang husto ang koche hanggang hindi pa nagkakaroon ng plaka, pinamadali namin na ma-register ito agad sa LTO. Ilang beses na kami nagffollow up tungkol sa plaka ngunit, sabi nung nabilhan namin, iniipit daw sila ng HARI kaya hindi mairegister ang sasakyan. Umabot na ng December 2007 at nagsimula nako makakita ng mga Grand Starex na tumatakbo sa kalye (may mga plaka na rin) samantalang kami naman, wala paring plaka

. Ayun pala, nalaman ko na ang mga starex na yun ay galing sa HARI. Tsk Tsk. Ayun, pagdating ng Jan 2008, saka na namin nakuha ang plaka namin. Dios ko! Ang tagal.
Nang pumunta ako sa showroom ng HARI, nakita ko na ang daming bawas na ginawa nila sa mga bnebenta nilang Grand Starex. Sa harap, ang headlights nya ay hindi naka chrome. Sa gilid ng 2 front doors naman hindi nila nilagay un "VGT" na icon at wala rin clearance o cheek lights. Un antenna pa niya naka lagay sa labas compared nung sa amin na printed antenna sa loob ng koche. Sa likod naman un tail lights niya hindi naka double contact ang apat na bulb - bale, sa kanila, un sa baba, parklight tapos un taas brake light. Un amin kasi lahat ng apat umiilaw pagka naka parklight tapos pag nag bbrake din. Wala rin silang spoiler (pag starex gold lang daw un) tska un mirror na kasama sa spoiler. Hindi rin naka chrome ang dulo ng door handle nila sa likod. Sa loob naman, ang daming pinalit sa dashboard, hindi sila naka climate control. Un radyo local lang, hindi built in sa dashboard. Un 2 seats sa harap hindi rin naka captain's chair compared sa amin na makaka lakad sa gitna (just in case gsto mo makipagpalit ng pwesto sa driver, hindi nyo na kelangan bumaba ng sasakyan :P). Naka stock LED lights na rin pala ang dome light namin . Ayun, nung nakita ko ang mga trimmings at bawas na to sa ginawa nila, taking into consideration na ang bili namin sa starex namin ay same lang sa presyo ng grand starex gold nila, laking disappointment nito sakin at hindi ko na nirecommend ang mga kaibigan ko na bumili ng grand starex sa HARI
Sa performance naman, I am glad to say na satisfied talaga ako as performance nya. Ang highway consumption nya taking into consideration na ang takbo ko sa NLEX (120-140) at SCTEX (140-200), ay 10km/L. Hindi ko pa nasusubukan icompute ang citiy consumption nya hehe. By the way, naipatakbo ko ang starex namin ng 200kph

, sagad na ata un sa kanya. Hindi nga ako mahabol ng rav4 na nakikipagkarera sakin sa SCTEX e. Pantay lang kami pag 180, iwan na cya nung inapakan ko pa hanggang umabot ng 200 hehehe
Ayun, if bibili kayo ng Grand Starex, recommend ko na bumili kayo sa mga Grey market kasi siguradong marami na tinaggal ang HARI para tumubo pa sila ng malaki
