Not during Ondoy but I drove an AT truck on 36" water (close to hood) 3 times. Only problem was cleaning the underchassis afterwards and greasing everything else.
I was passing by stranded manual Innovas and Adventures with their owners having dagger eyes for my truck causing waves into their cars.![]()
oo nga. halos lahat ng lumalabas na top of the line model ngayon ay naka AT. depende na lang talaga sa driver kung ano pipiliin nyang tranny. AT for comfort. Madali idrive tapos walang stress sa matinding traffic parang bump car lang. Gas pedal lang, preno ok na.
Pero I prefer manual. Di ko lam e. Siguro sanay na ako. Hehe.
Lahat ng sasakyan dito sa bahay ay manual.Usual na dinadaan ko Ortigas or Marcos Highway. Hehe. Ayun. Nakasubok na ko ng AT once. Pinapaabante saken yung Lynx ng officemate ko dahil may binili sya sa Select, first time ko humawak ng AT na sasakyan. Ganun pala yun, pag inapakan mo lang yung preno habang nakatigil ka pa tsaka mo lang malilipat yung gear from P to D. hehe.
matic ako. i don't even know how to drive a manual and never interested to learn how to drive it coz it's so tiresome and old fashioned. well, it's just me.![]()
A/T for me especially the new 6spd & the upcoming 8spd model.
Madalas na pinipili ang MT dahil mas matipid (depende na rin sa driver kung efficient ang shifting nya) daw.
Driving in heavy traffic condition, hindi ko talaga ma-justify ang perceived fuel economy ng MT (kung meron man) against sa stress at pagod ng dalawang paa kapag nasa traffic for more than 1 hr much more kung paahon ka pa ng fly-over![]()
Still MT for me too. Di naman sya nakakapagod. Clutching, shifting. :D It really depends on the driver. Manual for the young, sa mga nagtitipid (sabi ng ibang AT guys), fun. AT for the old, comfort (sabi ng mga tsikoteers dito). kung paahon naman sa flyover, kung marunong kang tumimpla ayos lang. Yung road from Tanay, Rizal to Antipolo, zigzag. mas steep pa sa mga sa mga flyover sa Manila pero easy pa din sa MT. Di rin nakakapagod yung pagtimpla.IMHO.
Tama. Hehe. Nothing beats Metro Manila traffic. :D
Hahaha. Pinausukan? With A/T on a straight road? The car drives you. Not you driving the car. Anyway, mas malalakas engine ng mga A/T dahil mostly sa top of the line models sya nilalagay. Try drifting on A/T. Hehe.
The car drives you, hmmm... maybe. So you can sleep, then? No more paying attention to the pedals and the steering wheel?![]()
Nah, I would never do drifting intentionally. Kawawa ang sasakyan at gulong. Watching drifting cars makes me cringe.Anyway, mas malalakas engine ng mga A/T dahil mostly sa top of the line models sya nilalagay. Try drifting on A/T. Hehe.
[SIZE=1]620/3,897(3,874 + 23 missing) [/SIZE]
Sakin depende, pag city A/T, pag mostly 2-way traffic on 2 lane hi-way (yung lagi ka nag o-overtake) at uphill/downhill sa M/T ako
kami may A/T and M/T,
yung revo namin M/T taz yung akin naman yung legacy a/t, well, mas gusto ko laging gamitin yung revo although malakas sa gas,
kasi, puro uphill dito samin, kawawa ang A/t dito, kaya minsan i take other routes kapag gamit ko yung legacy yung mas mababa ang inclines, di kasi tatagal a/t dito kailangan laging alaga kung iaakyat/panaog mo dito sa lugar namin,
tama, pero kung straight lang at rektahan. favor ako sa A/T. Over-all M/t talaga ako kasi dito ako unang natuto. ok naman sakin kahit ano dalhin ko e.![]()
Wala naman atang pagkakaiba kung naka M/T or A/T ka sa uphill or downhill ah. Pag paakyat, syempre low gear lang pipiliin ng sasakyan, pag pababa naman, pwede mo namang i-lock yung gear let's say, upto 1st gear or upto 2nd gear lang para mag engine brake at mabawasan ang pag apak sa preno.
Hindi ko rin magets kung bakit mas lamang ang M/T sa pag oovertake. Di ba't pag inapakan mo ng husto ang gas sa matic eh bibilis ka at makaka overtake? Mas convenient pa nga ito kaysa sa M/T, kasi pag sa M/T, depende sa kasalukuyang bilis ng takbo, baka kailanganin mong mag down shift kung wala ka pa sa torque band nung current gear mo para lang maka arangkada kaagad.
Pag naman kailangan mong mag menor, eh pareho lang namang ginagamitan ng brake, so bakit sinasabi ng iba ng pag matic, brake ang nalalaspag, pag manual, yung clutch lang? Baka sila yung nag eengine brake na hindi na gumagamit ng preno para imatch yung bilis dun sa gear na binababaan nila. Yung iba nga nakikita ko, nilalagay pa sa neutral para daw makatipid sa gas. Ano kayang gas ang matitipid dun... Tapos pakadyot kadyot kung pumreno, sakit sa ulo, bakit kaya hindi mag down shift para smooth ang pag bagal.
Pag traffic naman like ngayon gamit ko ang manual pagpasok sa work, may mga tinuklas akong short cut para iwas sa traffic.
Bottomline, sa makabagong teknolohiya ng mga matic ngayon eh wala na masyadong pinagkaiba sa kakayahan ng mga manual, maliban na lang pag tumirik at kailangan itulak para umandar.
Kung gustong maging convenient sa pag da drive sa traffic, eh umiwas na lang nang tuluyan at humanap ng ibang daan.
Kaya kung ako ang tatanungin, M/T or A/T.. sa A/T na ko kung kaya naman magdagdag ng konti sa pambayad.
Puro porma naman kasi yung iba, porke't naka manual kala mo magaling na talaga... Madali namang matutunan pareho yun eh. Ang importante marunong ka sa mga rules of the road. Yung iba di naman marunong sa mga rules of the road eh.. Wala nang signal signal at tingin sa shoulder pag nag change lane. Mag sasudden stop, hindi naman i-oon ang hazard... Nasa passing lane, ayaw mag give way. Paahon ang daan, di gumagamit ng handbreak kaya tuloy lagi umaatras ang sasakyan pag aandar na. Tapos lumilipat ng linya nang bara bara.. Inilawan mo na't binusinahan, sige pa rin... Nakow, kung sa ibang bansa yan at nagkabanggaan kayo, siguradong ikaw na nag change lane nang alanganin ang may kasalanan. Dito sa pinas hindi uso yun eh.. Sabi nga ng tito ko, uluhan daw dito. Walang priority priority.
Nakakabitin ang matic bro... pag A/T reactive late na bago mag shift minsan kelangan pang mag O/D off pero pag namali timing mag hi-hi rev lang wala gano hatak. May instances kahit anong apak mo ayaw mag shift. Kaya pag uphill/downhill ginagamit ko 3(o/d off), 2, L... so para narin ako nag manual.
Pag M/T proactive, pwede shift ka na agad kung alam mong aakyat ka o mag oovertake so ma pe-perfect mo timing.
Kaya nga nauuso sportronic/paddle shifter yung pwede mag matic at manual.
Na gets mo![]()