Tama. Hehe. Nothing beats Metro Manila traffic. :D
Hahaha. Pinausukan? With A/T on a straight road? The car drives you. Not you driving the car. Anyway, mas malalakas engine ng mga A/T dahil mostly sa top of the line models sya nilalagay. Try drifting on A/T. Hehe.
The car drives you, hmmm... maybe. So you can sleep, then? No more paying attention to the pedals and the steering wheel?![]()
Nah, I would never do drifting intentionally. Kawawa ang sasakyan at gulong. Watching drifting cars makes me cringe.Anyway, mas malalakas engine ng mga A/T dahil mostly sa top of the line models sya nilalagay. Try drifting on A/T. Hehe.
[SIZE=1]620/3,897(3,874 + 23 missing) [/SIZE]
Sakin depende, pag city A/T, pag mostly 2-way traffic on 2 lane hi-way (yung lagi ka nag o-overtake) at uphill/downhill sa M/T ako
Wala naman atang pagkakaiba kung naka M/T or A/T ka sa uphill or downhill ah. Pag paakyat, syempre low gear lang pipiliin ng sasakyan, pag pababa naman, pwede mo namang i-lock yung gear let's say, upto 1st gear or upto 2nd gear lang para mag engine brake at mabawasan ang pag apak sa preno.
Hindi ko rin magets kung bakit mas lamang ang M/T sa pag oovertake. Di ba't pag inapakan mo ng husto ang gas sa matic eh bibilis ka at makaka overtake? Mas convenient pa nga ito kaysa sa M/T, kasi pag sa M/T, depende sa kasalukuyang bilis ng takbo, baka kailanganin mong mag down shift kung wala ka pa sa torque band nung current gear mo para lang maka arangkada kaagad.
Pag naman kailangan mong mag menor, eh pareho lang namang ginagamitan ng brake, so bakit sinasabi ng iba ng pag matic, brake ang nalalaspag, pag manual, yung clutch lang? Baka sila yung nag eengine brake na hindi na gumagamit ng preno para imatch yung bilis dun sa gear na binababaan nila. Yung iba nga nakikita ko, nilalagay pa sa neutral para daw makatipid sa gas. Ano kayang gas ang matitipid dun... Tapos pakadyot kadyot kung pumreno, sakit sa ulo, bakit kaya hindi mag down shift para smooth ang pag bagal.
Pag traffic naman like ngayon gamit ko ang manual pagpasok sa work, may mga tinuklas akong short cut para iwas sa traffic.
Bottomline, sa makabagong teknolohiya ng mga matic ngayon eh wala na masyadong pinagkaiba sa kakayahan ng mga manual, maliban na lang pag tumirik at kailangan itulak para umandar.
Kung gustong maging convenient sa pag da drive sa traffic, eh umiwas na lang nang tuluyan at humanap ng ibang daan.
Kaya kung ako ang tatanungin, M/T or A/T.. sa A/T na ko kung kaya naman magdagdag ng konti sa pambayad.
Puro porma naman kasi yung iba, porke't naka manual kala mo magaling na talaga... Madali namang matutunan pareho yun eh. Ang importante marunong ka sa mga rules of the road. Yung iba di naman marunong sa mga rules of the road eh.. Wala nang signal signal at tingin sa shoulder pag nag change lane. Mag sasudden stop, hindi naman i-oon ang hazard... Nasa passing lane, ayaw mag give way. Paahon ang daan, di gumagamit ng handbreak kaya tuloy lagi umaatras ang sasakyan pag aandar na. Tapos lumilipat ng linya nang bara bara.. Inilawan mo na't binusinahan, sige pa rin... Nakow, kung sa ibang bansa yan at nagkabanggaan kayo, siguradong ikaw na nag change lane nang alanganin ang may kasalanan. Dito sa pinas hindi uso yun eh.. Sabi nga ng tito ko, uluhan daw dito. Walang priority priority.
Nakakabitin ang matic bro... pag A/T reactive late na bago mag shift minsan kelangan pang mag O/D off pero pag namali timing mag hi-hi rev lang wala gano hatak. May instances kahit anong apak mo ayaw mag shift. Kaya pag uphill/downhill ginagamit ko 3(o/d off), 2, L... so para narin ako nag manual.
Pag M/T proactive, pwede shift ka na agad kung alam mong aakyat ka o mag oovertake so ma pe-perfect mo timing.
Kaya nga nauuso sportronic/paddle shifter yung pwede mag matic at manual.
Na gets mo![]()
double post
Last edited by shadow3616931; April 26th, 2011 at 03:49 PM.
Tama, M/T na talo pa.Kaya nga may tinatawag na O/D Off eh.
For me feeling ang nagdidrift ng mga Front Wheel Drive Cars mapa A/T man o M/T. Parang di naman drift parang sunog gulong lang.
Gusto ko rin yun a car that will actually drive for me. Super A/T siguro tawag dun.:D
For me A/T. maganda na yung technology ng mga A/T ngayon. May engine brake na rin sila unlike earlier models ng A/T. I own a new A/T car myself and I can say na maganda na ang mga A/T ngayon. Konti nalang ang power loss.
kesehodang MT or AT yan, kung kotse mo di naman built sa speed or set-up sa speed... irrelevant ang transmission...
try drivng an AT STi or AT evo10...... heck masaya na ako sa performance ng 2.5 xtrail....pag may extra papalagyan ko ng oil coolers para maganda ang laban sa track....di agad mag-iinit ang ATF at engine oil
yes, gas, MT on RWD vehicle is the most cheapest to maintain and can handle power...
atleast kung AT, kahit ano driving condition, makakaadapt... ang MT-- paano ka mag ggrab ng quick bite kung kabyo ka ng kambyo... o di kaya :naughty2: