Patulong naman po regarding sa TVSS - yung spare remote kasi ng aming Innova J D4D eh tatlong beses na pinalitan at parati pong nasisira.
Last November 2011 lamang po namin nakuha ang aming Innova at yung spare remote eh ke misis ko pinapadala. Yung 3rd na palit eh ginagamit na talaga ni misis daily ngunit di inabot ng two weeks eh ayaw na gumana nung remote. Sa bag lang naman ni misis nilalagay since yung first spare remote, yung sa akin ay parati naman sa pants ko nakabitin sa keyholder at di pa ako nasiraan.
Usual woman's accessories lang naman laman ng bag nya, minsan may cellphone din. Baka yung bag ni misis may dalang malas? Again please enlighten me kasi hassle masyado pabalik-balik sa casa.
TIA.
TVSS ba nilagay jan sir or iba na? TVSS is yung sa stock ng G and V diba? (correct me if i am wrong) casa ba nag install ng alarm?
hm, talagang hindi ba gumagana sir? as in kahit saang place? meron kasi ibang places malapit sa may mga radio waves na di gumagana yung remote eh?
dapat lang naman na palitan nila ng palitan yun kasi me warranty ka sir, karapatan mo yun. pero hassle nga pabalik balik dun, tsk tsk. ilan ba keys mo, 3 ba? (2 with remote at isang manual key. sakin kasi ganyan sa G ko.) yung isa lang palagi nasisisra sir?
guys,
ano po fc ng innova J diesel m/t?
city driving and mixed driving.
thanks po
Try to observe brod. Ung susi na ginagamit mo di naman nagkakaproblema. Ung sa misis mo na nakalagay sa bag nya palaging may problema. Sa tingin ko, ung susing dala ng misis mo, nadadaganan sa loob ng bag nya o kaya'y naiipit kaya pwedeng pape-press ung susi sa loob ng bag nya, unlike sa ating mga lalake, nakasabit lang 'to sa may belt natin. So kung sa maghapon e nakapress sya, pwede madischarge ang battery, so gawin mo, kung sa loob ng bag, pwede mo ilagay sa maliit na box or anything na kasya ung susi na di sya maiipit kahit na may mga gamit ka pa sa bag. Nangyari na sa officemate ko yan, Halos ilang weeks pa lang ung battery, discharge na. Ung sinabi ko ginawa nya, ayun nagtagal na battery nya.
Innova J D4D po sa akin sir at Security System daw po kasi nilagay ng casa sabi ng SA ko, pero may sarili syang remote, hindi integrated sa susi kaya parang ayaw kong maniwala. Tatlo keys ko, yung isa pang-vallet parking.
Yung kay misis lang ayaw gumana, kahit saang place po. Umiilaw naman ung remote pag-press mo ng buttons, blue na matingkad pa. Na-try na rin namin palitan ng new battery, di pa rin. Need to have it working kasi backup ko yung spare remote at gagamitin din ni misis Innova habang nasa work ako.
Mamaya balik casa na naman kami.![]()
Na-try na po namin palitan ng battery yung remote as advised by the casa nung first na sira pa lang, pero wala pa rin. Talagang weird kasi yung ke misis lang nasisira. Mayroong cover ang remote sir at hindi integrated sa susi so hindi sya mape-press kapag sa loob ng bag pero may point ka sir about ilagay sa maliit na box yung remote at baka naiipit. Mamya kapag napalitan ng casa eh papalagay ko ke misis sa belt nya, or pasabit sa leeg, basta di lang ilagay sa bag. Or take your advise and put it into a small box.
Sabi ng iba eh baka sa cellphone, pero ayaw ko rin maniwala na may interference sa cellphone kasi yung remote ko eh nakalagay malapit sa cellphone ko sa belt.
anung tatak daw nung alarm mo sir?
hm, napalitan na ba nila ng bago? try niyo sir wag ilagay yung susi ni wifey sa bag, sa pockets na lang din, tingnan natin kung masisira pa din. baka kasi sensitive yung keys, baka nadadaganan sa bag? pero as you've said eh sa laman ng bag, panu naman madadaganan, tsk tsk.
ah same tayo, caltex din sakin sir since day 2 (shell kasi nung day 1 hehe.) but mine gets 11-13 km/L city driving.
innova G m/t D4D.
anyone here tried putting 2t oil? is it really safe..feedbacks? TIA!![]()
Yes sir, napalitan na nila kahapon ng bago (pang-apat na ito), around two hours din namin inantay. Mayroong Impulse na sticker pero don't know if ito talaga brand niya. Ibang model ito kesa dati, maganda sana yung dati kasi may takip yung buttons, itong bago walang takip pero may lcd display.
Di na nga ilalagay ni misis sa bag niya sir, hopefully di na talaga masisira ito.
Ganda ng FC mo sir ah, try ko pa adjust driving habits ko para tumipid lalo.![]()
naku, pag nasira pa din yan ng hindi nilalagay ni misis sa bag yung key, ewan na lang. demand for change alarm system ka na pag ganun sir, kasi pag magpapapalit ka ulit, ppang 5x na yun, wag na naman sana, hehe. observe observe na lang muna sir. usually ganu a tumatagal yung key na nasisisra?
hehe, oo nga sir eh. pero nung break in period pa ng innova ko, 10-11km/L lang ako, patipid ng patipid konsumo sir. shift ako kasi agad gear ng 1.8k - 2k RPM sir.![]()
Last edited by ericson21; February 19th, 2012 at 02:25 PM.