Update lang sa mga bagong units without plates. Matatagalan pa talaga mag-release ng plates ang LTO dahil sa mga backlogs nila last March and April 2007 releases. Ang balita ko kasi, nasira yung machine na panggawa ng plates kaya medyo madami ang mga units na 1-2 months old na wala pa din plates. They already started releasing plates last week kaso 0 & 9 ang available. Sa case ko, my unit was released third week of April but up to now, wala pa din daw plate na available with ending 1-8

.
So guys, kung ok na sa inyo ang 0 or 9, you can ask your dealer for it.
Nga pala, my OR/CR was only released last week. Naka-blank yung plate number, pending availabilty ng mga plaka.
