New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 47 of 329 FirstFirst ... 374344454647484950515797147 ... LastLast
Results 461 to 470 of 3286
  1. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    261
    #461
    *cjv justice - thanks sir, eto napasyal na sa 2 sets of in-laws over the weekend at sinubukan na daily driver for 3 days...around 200+ kms na...all good pa din...

    Naalala ko pala nung pinick up namin yung car, nakita namin na walang rheostat yung optitron meter, pero nakalagay kasi sa brochure na meron...sabi na lang nung kausap namin na wala daw talaga...pinakita pa niya sa Fortuner kung ano yung rheostat...so wala talaga, 1.6 V yung samin....pero meron adjustment ng brightness mga 4 na levels ata yon...

    Nag-browse na rin ako sa detailing thread...ganda nung "tamang OC.." guide to newbies...overwhelming ang info...sana magawa ko yon...lahat ng previous cars namin puro car wash at punas lang before....

  2. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    1,421
    #462
    * loverlionus - well diyan ako natuto sa 'Tamang OC' detailing thread na yan... I even joined up a detailing group.

    I completely forgot na yung Rheostat function hehe, at yes 4 levels ng brightness yung Optitron.

    Kakatapos ko lang sa first 1,000 kms last weekend. So far ang sarap niya gamitin, kakaiba yung 'feel' kapag naka EPS.

    Overall the car is superb. There are a things that I am completely happy about although meron din a couple of things that should have been there.

    Astig yung Smart-key no?!

    Enjoy your car...

  3. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    261
    #463
    *cjv_justice - thanks sir, astig nga yung smart key, may magandang kwento na ko dyan...

    Nasa supermarket parking lot kami, paglabas ko kotse, ayaw mag-lock, pinindot ko yung button sa door handle, ayaw...pinindot ko yung lock button sa key fob, ayaw din...pumasok ako sa kotse, wala naman alarm sa MID kundi driver's door open...naisip ko baka may nag-iinterfere sa smart key sa paligid...kaya ni-lock ko na lang manually gamit yung susi...pasok na kami sa supermarket, after mga 30 mins paglabas at paglapit sa kotse, tumunog yung fan sa engine bay! Naiwan ko pala umaandar yung engine! hehehe...lesson learned at huwag gayahin...may history na ko na nakakaiwan ng key sa kotse na umaandar, pero eto talagang pinagpilitan ko pa rin na i-lock kasi, at least dala ko na yung susi at di naiwan sa loob...

    Nakaka more than 500 kms na kami, kaya 1000 km PMS in 2-3 weeks...

    Kasama na din ang detailing thread sa sinusubaybayan sa tsikot.com...

    Sinubukan ko na walang radio habang dumadaan sa di masayadong smooth na cemented roads...may konting rattle na ko na naririnig, nabasa ko na dito yung sa headlining na rattle....yung sakin mukhang nanggagaling sa A pillar driver's side...sabihin ko na lang din sa PMS...thanks.

  4. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    1,421
    #464
    uy nako nangyari narin sakin yan. pagkapark namin sa basement ng isang mall naglakad na kami papunta sa entrance, sabi ni misis parang hindi pa naka-lock. pumasok ulit ako sa loob yun pala umaandar pa yung makina... damn!

    mag browse ka sa pinoydetailing.com and sign up for more info.

  5. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    21,335
    #465
    Ang tahimik kasi ng engine ng Altis kaya naiiwan niyong bukas

    Sa Tucson ko diesel kaya alam kong bukas pa ang engine.

    Matanong ko lang, may buzzer ba yung Altis niyo kapag ayaw mag-lock ng doors?

  6. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    261
    #466
    Sir walang buzzer para sa lock, nag-buzzer kagad siya kapag bukas ng pinto, kahit naka on or off yung engine, on or off yung lights...sa pagka-alala ko ha, hehehe...check ko mamaya...ok na nga sana yung system na di magla-lock kapag naka-on yung engine...pinuwersa ko nga lang pa din sa paggamit ng susi at manually locking the door (imbes na smart key)...

  7. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    10
    #467
    I believe the 10th gen altis has warning beep pag-umaandar pa rin and you left the car with the remote sensor with you, mag-beep siya to warn you that the remote sensor is not within the car and the motor is still running, siguro hindi nyo lang po napapansin or naririnig yung warning beep because madalas ko marinig ito when my hubby leaves our 2.0V altis to open our gate and I would hear the warning beep because the remote sensor is normally nakakabit sa belt niya, which helps, kasi never maiwan ang sensor sa loob ng car.

  8. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    1,421
    #468
    A yes tama ang galing niyo mam. tapos it will show 'Key Not Detected" sa info display. actually pag nasa labas ka at nadala mo yung key fob yung beep malakas din.

    will try to experiment nga on some scenarios bukas.


  9. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    21,335
    #469
    Ganun din sa Tucson ko kapag lumabas ako ng car with engine ON tapos nasa bulsa ko yung Smart Key. May warning buzzer siya around 5 seconds. Pati kapag naiwan ko sa Neutral yung gear selector. Tutunog din yung buzzer at hindi mag-lock yung doors.

  10. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    1,421
    #470
    Quote Originally Posted by Starex_Gold View Post
    Ganun din sa Tucson ko kapag lumabas ako ng car with engine ON tapos nasa bulsa ko yung Smart Key. May warning buzzer siya around 5 seconds. Pati kapag naiwan ko sa Neutral yung gear selector. Tutunog din yung buzzer at hindi mag-lock yung doors.
    I think same lang ata here with the Altis. Di ko kase masyado pinapansin e. Pag naiwan ko sa Neutral tsaka lang siya magbibeep, pero kapag naka Park wala na. Kaya siguro nakalayo ako noon wala ako narinig kase naka Park na.

Toyota Corolla 10th Generation Altis Owners [continued]