
Originally Posted by
Ikon
mga sirs, tamaraw fx gl '97 7.k owner po ako, 1st owner ako, original pa shock absorber ko, pero gusto ko na palitan. sabi sakin ng mekaniko, wala pa namang tagas hindi pa dapat palitan. pero inisip ko na 13yrs na yung shock, kahit siguro walang tagas medyo nag-degrade/depreciate na rin siguro performance nya, kasi medyo yuko na ng konti yung harap ko compare nung bago pa siya, wala naman akong pinagalaw.
ngayon sir iniisip ko na mag kyb na gas type, pero may nag advise sakin na magiging matagtag ang ride kasi fluid type ang orig na nakakabit.
sino na may experience satin na nag gas type na shock absorber sa fx nila, ano po ang ma-suggest nyo, mas nasatisfied ba kayo sa gas or fluid type shock absorber sa fx natin.
ako lang lagi mag-isa araw araw ang nakasakay sa fx ko, maliban lang kung mamasyal family, bale 4 kami, ano po magandang shock absorber kung hindi naman puno lagi ang fx ko?
maraming salamat po in advance sa mga suggestion nyo.