actually po oks naman ang mga hoses maliban sa very minimal na tagas sa gearbox.....
mga ka fx kakabili ko lang ng fx 2c plano ko palitan ang stock na gulong 175 r13 sa 195/50 r15, ok kaya ito?
For the FX Owners, meron po tayong Grupo Tamaraw FX may be we can help. grupotamaraw.proboards.com
good day po - am considering getting larger ride, sa tingin ko po sobra exorbitant kumuha ng brand new, may konting mechanical know how naman po ako - am thinking of a diesel tamaraw FX - but am not entirely familiar sa diesel engine common to FX's -
what po usual diesel engine sa FX? any problems with the performance?
any problems sa aircon ng FX? (yung mga nasasakyan ko kasi na pampasahero, sobra hina)..
whats the best setup sa dual aircon - yung nasa gitna ng driver's and 2nd row seats or yung nasa gitna ng 2nd row and 3rd row seats?
was inspired po kasi may nakasabay ako na FX sa talyer - galing ng ginawa nya sa FX nya - pang L300 yung mga upuan sa likod - so folding yung 1 seat sa second row tapos forward facing na yung 3rd row (fold and tumble siya).
di ba po hulihin ang FX pag may anti smoke belching operations?
thanks po...
Hi po mga bossing.
sana po matulungan nyo ko. may FX po ako ng 1994 model. 2C engine
problem kong una is over heating. paano ko malalaman kung engine na ang problem kaya overheat na siya?
problem kong second is nawala ko yung takip ng fuse box ko T_T. may nakakaalam ba ng layout ng fuse? eto yung naalala ko
ENGINE XXXXX HLight
XXXXX STOP HLight
XXXXX XXXXX HORN
XXXXX XXXXX TAIL
XXXXX XXXXX XXXX
Mga maestro, need ko po help ninyo. Binuksan ko kasi harap ng 2CTurbo para magpalit ng water pump at mag change ng timing belt. Ask lang po kung paano set ang timing ng cam, injection pump at main shaft, para lang po makasigurado, ano po dapat ko itapat na markings.
Dati po kasi nakapag set na ako ng toyota L sa dati ko Tamaraw custombuilt. Bago ko lang kasi bili ito FX now pa lang aral mag-open, thanks.
![]()
Another concern ko pa din yung mahinang blow ng air sa luover sa likod khit after maglagay kami ng blower booster. Naipakita ko na ito sa aircon technician, ok naman daw ang cool kaya lang medyo mahina ang blow. Kung mayroon sana kayo maisa suggest na gawain without totally changing the system kasi sabi ng technician palitan daw namin ng hanging evaporator galing sa adventure, ilalagay daw sa between front and second row seat. Malaki din kasi gastos saka gusto ko sana ay huwag mabago ang itsura sa loob.
Thanks.
![]()
kaw ba yung sa tipidpc? nagreply na ko dun sa thread. hehehe
ENGINE 10A = SPARE = HEADLIGHT R 15A
TURN 7.5A = STOP 15A = HEADLIGHT L 15A
WIPER 20A = DOME 7.5 = HAZARD-HORN 15A
CHARGE 7.5A = CIG 15A = TAIL LIGHTS 15A
REAR BLOWER 20A = RADIO 7.5A = IGNITION 7.5A
spare yung last row (3 pcs)
Good morning patulong po sana ako maghanap ng tamaraw fx budget ko po 120k may makukuha na po ba ako sa ganito,matagal na pinagipunan tsaka 1st car para sa family and dagdag kita rin purpose ko. sa hirap ng buhay kailangan ng extra income, baka sakali lang po na may makatulong dito sa forum mabuhay ang mga Tamaraw fx owners
maraming salamat po
09278439805
double post
Last edited by dllabian; March 28th, 2010 at 12:50 PM. Reason: double post
hanap ka sa sulit / ayosdito na classifieds dami dun ... kumausap ka ng mga FX taxi operators dyan sa lugar nyo madami alam din cgurado yang mga yan kapag may binebenta ... yung budget mo 120K swertihan kung may makuha kang sariwa mag ready ka pang maintenance na backup ....
meron sa sulit ako nakita 60K lang silipin mo baka pumasa sa panlasa mo
sa akin ay ganun din,me amoy gasoline after a normal drive, 97model at 7k engine. nag inquire ako sa toyota casa at sabi nila at palitan n daw ang carborator dahil 10 yrs old na at P17000 and brand new sa kanila, pero ang replacement price na nakita ko sa auto supply at P4000 lang. sana me mag advice sa meron nang ganitong experience sa FX para di nasasayang ang gasolina sa arawaraw na biyahe natin, hirap kasing maniwala minsan sa mekaniko, trial and error ang nagyayari kaya lalo tuloy magastos. Tnx a lot sa mag a-advice!
(sir magkano magagastos sa hanging evaporator para maging parang revo style? tatanggalin ba ang old a/c sa likod o pwede yun iwan para separate ang a/c ng 2nd row at 3rd row?)
sa eavaporator nakakakuha daw ng mga 8t hanggang 6500 na surplus sa banaue depende sa ganda o kung sariwa pa then kung brand new mga 12t. tapos gagamitin mga linya na pwede magpapalit ng iba kung sakali, ska mga 2500 yata magigigng labor. Mga around 10t t0 13t sigiro conversion sa lahat na.
Dapat daw alisin evaporator sa likod Di na daw kaya ng compressor kasi pang tatlo na yun kung sakali. pero yung blower pwede i maintain kung gusto.
Last edited by tourister; March 30th, 2010 at 12:48 PM. Reason: kulang message , nag add lang
Hanks, konti nalang at paminsan minsan ko nalang naa-amoy yung gasolina. Nilinis ko lng yung mga spark plug kase parang nag overflow yung engine oil parang na overfill ko (Sobrang Praning sa engine oil level). Anyways, pa-pacheck pa ko pa rin ang carborator one of this days. Salamat