Mga batikan na sa APV kelangan ko po ng tulong niyo. Nagpaplano po kasi kaming bumili ng sasakyan (fiirst car namen) at namataan namin tong APV. mas mura kasi siya kumpara sa Avanza ng kalaban at mas malakas pa ang makina. Eh nasa 600k lang po ang budget namin kaya hindi po kaya yung top of the line na APV II ba yun. Ayun po. Ito po yung tanong ko:
Ano po ba ang maganda sa APV kumpara sa Avanza at malakas po ba ito sa gasolina? Ano po fuel consumption?
- subjective ang ganda. I choose APV over Avanza primarily because of space. 1.6 cc vs 1.5cc, the higher displacement gets higer FC. 9-11 k/L mixed city mostly hiway ang nakukuha ko sa APV A/T
Hindi ko maintindihan din yung sa sinasabi nung mas mahal na version ng APV GA na dual aircon. Medyo malaki kasi difference niya compared dun sa tig 575k na GA. Ano po ba ibig sabihin nun?
- dual aircon means additional parts like evap,condenser,fans/ blower around 30-40k din difference kung magpapakabit sa labas
Hindi po ba mabilis magkadiperensya?
-depende sa gamit, pero matibay naman nippon denso parts din ang gamit ng suzuki tulad ng toyota
Madali ba makahanap ng parts kung sakali pong ipapagawa sa labas after ng warranty?
- madami na parts and stores and aftermarket/ replacement, take note may APV dropside and closed van versions which means commercial use kaya dumadami na ang parts supply-chain.
Okay naman po ba sa akyatan? ex. aakyat ng baguio tapos puno with bagahe.
- depende sa driver. naiakyat ko na sa baguio, sta fe, talisay batangas, quezon national park, bicol national park, at sa spiral road ng building parking.
Panget po ba yung APV GA kumpara sa APV II? Yun lang po kasi ang kaya eh. Paki state na din po ng differences nung dalawa.
- rear suspension lang nagkaiba the rest are toys. APV II using coils, older uses leaves.
Salamat po sa sasagot. Makakatulong po ito sa pagdidisisyon namin. Sa ngayon kasi medyo 40-40 po ang laban ng Avanza at APV sa aming mga isip. Yung 20 mag-commute na lang daw. hehe.
- you are welcome. Depende sa gamit, kung malapit lang ang pupuntahan nilalakad, bike, o commute ko lang, wala pa problema sa parking.
M/T nga po pala ang balak namin kasi mas matakaw daw ang A/T. Totoo po ba yun? Pakikorek na lang po kung mali.

)
- depends. True for city drive, almost same or just a little difference MT being better FC on highway drives