New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 44 of 193 FirstFirst ... 344041424344454647485494144 ... LastLast
Results 861 to 880 of 3844
  1. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    339
    #861
    Quote Originally Posted by jonlandayan View Post
    ginamit din pala sa truck ang OM602 L5 engine mercedes(mb100),kala ko sa panel van na model originally sa germany lumabas at sa kotse lang nila.OM662 naman sa ssangyong which is same lang.

    yung synthetic kakatas lang naman kung malabnaw yung viscousity nung langis na sa synthetic lang makikita,.usually sa sobra init na lugar talaga ginagamit,like 5w50.malabnaw pero mataas ang tolerance sa init.yung required na oil sa MB e 15w40,..acc sa sticker under the hood.wala naman kaso kung multigrade na langis ang gamitin kung regular ang oilchange.wag lang monograde na SAE40 ,.regarding sa oilseal,matrabaho magpalit ng oilseal,sa harap sa may crankshaft pulley at sa likod,kalas tranny at flywheel,yung sa axel madali kaso gear oil yun.
    bakit po sir jonlandayan pag monograde po ano yung pwedeng mangyari? kasi po ako SAE40 singlegrade gamit ko yung Petron Hauller masama po ba yun sa MB natin? dati gamit ko yung Petron Trekker SAE15w40 Multigrade pwede po ba paki explain?

  2. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    440
    #862
    Quote Originally Posted by Virgil View Post
    sir jonlan kelan po kayo uuwi sa pinas? balak ko po sana ipagawa yung mb ko sa inyo.. hindi po ba mahirap maghanap ng parts sa lugar niyo? or sa manila din po tayo bibili ng parts? kung overhaul po sana,,magkano po labor sa inyo? salamat po
    sa april,1 month lang ako.di ko maasikaso.yung partner ko ang bahala jan kung gusto mo,mas mahusay kasi yun pagdating na sa bulatlatan ng makina.oo manila pa bili nun,pero lapit lng naman e.bakit kailangan naba i overhaul?anu status ng performance..piston ring ,gasket lang naman,valve seal.ang karaniwan,the rest e hindi na nabibilin.

    *hyundai....maari tip nga.kaso kung malamig lang dapat may lagatak,pinacheck mo na ba yung mga tappet,baka may pakat na.tukod sa valve,yun ang lagatak.same din sa musso yan.

    *jjj......wala naman masama at di pagmumulan ng sira yung sae40 kung regular oilchange(mas madalas nga lang)...kaso single grade sya,di nya masyado mapoproteksyonan yung makina.madali pa lumapot,kung ordinary diesel engine yan ok lang,at racker arm type.kaso puro hydrolic e.puro langis ang nagpapagana at at nag aadjust ng valve tappet o lifter at timing chain.hindi naman din kalakihan ang matitipid kung SAE ang gagamitin,the choice is yours po.kasi ang gamit ko langis ay shell,yung itim ang container.at isang litro ng semi synthetic yung kulay blue na pang gasoline. pag nag change oil ako,drain muna ng more or less 1 ltr yung oil,tapos lalagyan ng 1 ltr diesel,start ng 10 mins.tapos drain na lahat.medyo malabnaw sya .every year naman drain lahat oil,salin ng refined oil(meron kasi nabibili dito sa amin ng used oil na refined lang pero malinaw na at timplado na,pang jeep ika nga)mas mura 60php /ltr.yun muna ilalagay gamitin muna maghapon tapos drain ulit,tapos new oil na.yung unang MB ko 95 model ng ssangyong,hanggang ngaun di pa nabubuksan makina nun,pang arkila pa yun at naibyahe ng ulo ulo for 3 yrs.manila-bulacan.just remember po ulit,nasa langis po ang buhay ng makina.

  3. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    118
    #863
    [quote=jonlandayan;1709003]sa april,1 month lang ako.di ko maasikaso.yung partner ko ang bahala jan kung gusto mo,mas mahusay kasi yun pagdating na sa bulatlatan ng makina.oo manila pa bili nun,pero lapit lng naman e.bakit kailangan naba i overhaul?anu status ng performance..piston ring ,gasket lang naman,valve seal.ang karaniwan,the rest e hindi na nabibilin.

    yung mb ko po kumakain na ng langis.. pag binirit ko po ng 100km/hr maitim ang usok..pag umaandar naman po makina at nakahinto maputi ang usok.ok naman po ang hatak niya.. thanks

  4. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    230
    #864
    sir jonlan try ko palitan ng nozzle tip kung mawawala ang lagatak , ang problema kc nung sa akin , ayaw talaga mawala lagatak pag start ng makina meron ng lagatak , malamig man or mainit ang makina , ayaw mawala , yung lagatak,lalo na kapag na ka minor , or na ka hinto ka , mawawala lang yung lagatak kapag pinatay ko yung makina , lahat nga ng nakakasabay ko na sasakyan na papalinon sa akin eh , nag tataka lang ako bakit kapag naka birit ako at naka rekta wala yung lagatak , pero kapag mag slow down na ako at na ka minor , like traffic e2 na naman lakas n lagatak rinig ko nga sa loob ng dog hauz , try ko sabihin sa mekaniko ung advice nyo na ung tappet baka tukod , so sir jonlan wala problema sa ipinalit ng mekaniko sa housing ng nozzle pang musso, same lang ito , tnx

  5. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    123
    #865
    [quote=Virgil;1709099]
    Quote Originally Posted by jonlandayan View Post
    sa april,1 month lang ako.di ko maasikaso.yung partner ko ang bahala jan kung gusto mo,mas mahusay kasi yun pagdating na sa bulatlatan ng makina.oo manila pa bili nun,pero lapit lng naman e.bakit kailangan naba i overhaul?anu status ng performance..piston ring ,gasket lang naman,valve seal.ang karaniwan,the rest e hindi na nabibilin.

    yung mb ko po kumakain na ng langis.. pag binirit ko po ng 100km/hr maitim ang usok..pag umaandar naman po makina at nakahinto maputi ang usok.ok naman po ang hatak niya.. thanks
    Dalawa ang cause ng oil consumption ng isang makina.External(tagas) at internal leak(worn cylinders,injection pump seals & cylinder head- valve seals).One more thing,malakas ang air suction ng diesel engine kayat hihigop ng extrang hangin(kasama na ang langis) sa bandang ibaba ng makina kung marumi ang air filter. Mag-umpisa ka sa pinakamurang solution.

  6. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    230
    #866
    sir jonlan nag try nga mag adjust ng fine tuning yung mekaniko dahil baka mawala yung lagatak, nawala yung lagatak sa fine tuning at tumahimik ng konti yung makina sa minor, ang problema naman kapag naka rekta ako , maingay naman sa rekta yung makina dinig ko sa dog hauz, pati sterio diko maintindihan , mabigat hatakin , at magaspang walang dulas , kapag naka rekta ,parang palyado , binalik ko ulit sa mekaniko , mukang advance kc yung fine tuning nya , so nag bawas ng konti yung mekaniko sa fine tuning , gumanda hatak , sa rekta , gumaan at madulas , ang problema naman ayaw naman mawala yung lagatak , mainit man or malamig ang makina , at napapansin ko may time na madulas hatakin at magaan , at kung minsan naman may time na mabigat hatakin at magaspang , one click naman pag start, at yung white smoke ayaw mawala kapag naka minor , lalo na sa gabi kita ko sa side mirror ko , nahihiya nga ako sa kasunod ko eh , pero di naman kumakain ng langis , ano kaya problem nito sir , tnx

  7. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    230
    #867
    arthem , ok yung ginawa mo ah , diko yata alam yan , pwede pala sa diesel gawin yan yung pag hanap ng problema sa nozzle , sa gasoline engine ko lang nagagawa yan , yung pag hanap ng busted na spark plug , ano ba yung niluluwagan mo na turnillo na sina sabi mo . yung mismo nozzle ang luluwagan , tnx

  8. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    230
    #868
    sir jjj in1056954 130 pala ang gauge or pressure ng nozzle natin, salamat sir

  9. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    52
    #869
    sir jonlan ano kaya problem ng aircon system ko.bumigay kc compressor,so pinaayos ko don sa suki naming mga ka mb d2 sa cavite surplus na pang toyota 17c pinalit namin palit din dryer taz yung fan ko bumigay din motor so bumili kmi pero motor lang kinabit namin don sa dating fan.ok naman sya malamig kaso pagkauwi ko napansin ko parang d sya nag-automatic so pinalitan ko din ng thermostat ayaw p din sabi nung gumawa dapat daw sinuksok nya yung sensor.nung nasuksok nya kalaunan karerev nag auto na sya pero pag naka idle lng, ayaw p din.nag-aalala kc ako bka bumigay na naman compressor ko kc pag tumatakbo lng sya nag-o auto.pag nkahinto kailangan mo pa diinan maigi accelerator para mag-auto.tnx in advance,God bless

  10. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,442
    #870
    y not baka sira magnetic clutch nung compresor..???

    mga pafs me konting napansin ako sa mb ko wala pa 1 month shock absorber ko sa harap nung una ok ang ride last week pag byahe ko parang ang tigas ng ride sa harap akala ko tire presure lang but lam nyo yung ride ng kotse na naka putol spring lowerd parang ganun walang kalaro laro yung harap ,so one thing muna ginawa ko kiadjust ko ng konti ang torsion bar baka sobra lang sa taas or angat ang harap ng mb ko pero ganun pa din so decide na ako ibalik yung luma yun ok na ulit

    nagtataka lang ako ke apic ko binili yung first week of march 700 pesos gas type pero bakit kaya nagkaganun me naka expirience na ba sa inyo???

    sabi ng mechanic na pina pagbalaik ko ng shock either na matigas yung shock absorber at kailangan palambutin pag tagal tagal ,, hehe me ganon ba? or isa naman baka panget na klase yung binigay saken or worst factory defect ..

  11. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    123
    #871
    Quote Originally Posted by Arthem View Post
    Sir Hyundai498 ganyan din nangyari sa akin nagpalit ako ng 5pcs na nozzle tip binili ko kay apic 700each, nung una maganda ang andar tahimik at nawala na yun panginginig ng makina ng MB100 ko, pero after 1month may naririnig na ako lagatak sa unang andar lalo na pag lumamig ang makina, sinubukan ko luwagan yun mga nut ng tubong papuntang nozzle at napansin ko yun sa #1 lan ang lumalagatak kaya yun lan muna ang pinalitan ko at tumahimik na pero eto na naman at may naririnig na nman ako, may nagsuggest na "bosh" ang bilin ko kaya lan may kamahalan at ndi pa rin ako nakakapagtanong kun magkano ang bawat isa ngayon.
    Sayang, bat mo pinalitan kaagad yung lumalagatak na injector.Nagbabago minsan ang opening pressure ng bagong nozzle,normal lang ito lalo na sa hindi OEM na piyesa na malaki ang chance na magbago kaagad ang opening pressure.Adjustment lang naman ang kailangan para maitama ang opening pressure ng injector.Kaya lumalagatak ang andar dahil nagiging advance ang timing ng buga ng diesel at mas madami sa normal ang amount ng diesel na papasok sa cylinder.Kahit nga sa unang araw ng paggamit sa sasakyan pagkatapos mapalitan ang nozzles ay nagbabago na kaagad ang opening pressure ng injectors.Dapat mas mataas ng 5 bars sa desired na opening pressure ang ilalagay ng technician dahil nga sa magbabago kaagad ang opening pressure pag uminit na ang makina. Goodluck

  12. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    440
    #872
    OM602 125-135 bar when new,120 bar when used.mas maganda mas mataas,mist ang buga ng diesel kahit anung bar same lang ng amount ang ibibigay ng injection,the question is kung buo o mist ang buga,dun nagkakaroon ng fuel knock unburned diesel.nagiging late ang putok kaya tumutukod ang tappet o lifter sa valve which result a knocking sound.

  13. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    123
    #873
    Quote Originally Posted by jonlandayan View Post
    OM602 125-135 bar when new,120 bar when used.mas maganda mas mataas,mist ang buga ng diesel kahit anung bar same lang ng amount ang ibibigay ng injection,the question is kung buo o mist ang buga,dun nagkakaroon ng fuel knock unburned diesel.nagiging late ang putok kaya tumutukod ang tappet o lifter sa valve which result a knocking sound.
    May return mechanism ang injector na kung mababa ang opening pressure, mas konti ang fuel return,mas marami naman ang fuel return kung mas mataas ang opening pressure.kapag masyadong leaky ang injector,halos wala ng babalik na fuel sa tanke. Nagbabago timing ng injection kung maiiba sa specification ang opening pressure ng injectors.Mas mababa na opening pressure than the right specs,more advance timing.Retard timing naman kapag mas mataas sa right specs ang opening pressure. The best thing to do if you suspect your ride is having a fuel system problem is to bring it to authorized diesel calibration center as they have the tech specs data for the injection pump of your vehicle. Guessing is not healthy to diesel engine. nice day

  14. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,442
    #874
    mga sir tanong lang kung anu kaya problem napansin ko kasi mb ko pag byahe ko ng pampanga balikan mejo nagbawas tubig sa radiator pero konti lang mga 200ml nanibago lang kasi ako dati kasi 6months kahit lagi ko gamit di nababawasan ang tubig,,

    wala naman leak ect.. pwede na sa radiator cap yun?? para kasing maga na yung goma?

  15. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    123
    #875
    Quote Originally Posted by aga_cruz View Post
    mga sir tanong lang kung anu kaya problem napansin ko kasi mb ko pag byahe ko ng pampanga balikan mejo nagbawas tubig sa radiator pero konti lang mga 200ml nanibago lang kasi ako dati kasi 6months kahit lagi ko gamit di nababawasan ang tubig,,

    wala naman leak ect.. pwede na sa radiator cap yun?? para kasing maga na yung goma?
    May reservoir pa ba ride mo?

  16. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,442
    #876
    meron pa sir y po??

  17. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    123
    #877
    Quote Originally Posted by aga_cruz View Post
    meron pa sir y po??
    Kapag mainit ang tubig/coolant sa makina/radiator,nageexpand ito at pupunta sa reservoir ang ekstrang tubig/coolant,tapos pag inandar mo sya sa umaga,kulang na ang tubig sa radiator dahil nga sa natransfer ito sa reservoir,tapos sisipsipin ng radiator pabalik ang kulang na tubig o coolant mula sa reservoir. Kailangang tama ang pressure rating ng radiator cap para efficient ang cooling system operation nito.Kailangan ding nasa tamang level ang tubig/coolant sa reservoir. Subukan mong tanggalan ng tubig sa umaga ang radiator at siguruhing nakalagay ng maayos ang rad cap,tapos andarin ang makina.Tandaan mo ang level ng tubig sa reservoir.pag di kumuha ng tubig sa reservoir paradiator,mali ang rating ng rad cap o barado hose galing radiator papuntang reservoir.

  18. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    440
    #878
    Quote Originally Posted by aga_cruz View Post
    mga sir tanong lang kung anu kaya problem napansin ko kasi mb ko pag byahe ko ng pampanga balikan mejo nagbawas tubig sa radiator pero konti lang mga 200ml nanibago lang kasi ako dati kasi 6months kahit lagi ko gamit di nababawasan ang tubig,,

    wala naman leak ect.. pwede na sa radiator cap yun?? para kasing maga na yung goma?
    oo pwede,nagpalit na din ako,kasi dun dumadaan at matigas na yung goma.1.1 yung orig nya di ba,yung pinalit ko 0.9 lang,ok naman,1 year na,wala trouble.kasi yung reservoir natin pagpumuslit na sa cap yung pressure diretso na sa lupa,wala kasi sa radiator yung cap at nasa reservoir.rekta kasi sa hose ng radiator yung reservoir.pure bang coolant sayo o halo o tubig lang?kailan ka pa ba nagpalinis?

  19. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,442
    #879
    sir diba 1.4 ang rating ng radiator cap natin????

    di ako gumagamit ng coolant sir.. ke apic nga lang nakakabili ng 1.4 na radiator cap

  20. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    95
    #880
    Quote Originally Posted by aga_cruz View Post
    mga sir tanong lang kung anu kaya problem napansin ko kasi mb ko pag byahe ko ng pampanga balikan mejo nagbawas tubig sa radiator pero konti lang mga 200ml nanibago lang kasi ako dati kasi 6months kahit lagi ko gamit di nababawasan ang tubig,,

    wala naman leak ect.. pwede na sa radiator cap yun?? para kasing maga na yung goma?
    Ganyan din ang problema ng rides ko sa mga nakaraang buwan. Please back read sa threads ko. Napagsuspetsahan ko na nga ang cylinder head. Noong pinabalik ko ang thermostat tumino na. Di na nababawasan ng coolant. Di ko sinasabing pareho tayo ng defect.share ko lang kung ano ang ginawa. Start from changing the radiator cap muna kasi yan ang pinakamurang parts sa cooling system. Susunod na yung overhaul ng radiator at topping-up ng silicone oil sa fan clutch. Regards sa mga ka-mb100s...

Tags for this Thread

MB100, Ssangyong/Daewoo Istana [continued]