I see. Me nakapag diy na ba dito ng ss braided brake line o kung san me murang bilihan. Masyadong mahal sa 9k+ yung mga ganito.
*jay185
Will give forex cargo a call later re: shipping auto parts via balikbayan box. Customs say no but maybe exceptions can be made kung idedeclare naman contents. Lahat yan kaya natin mabili from AU.
Nav is at the dealer, undergoing a/c compressor transplant. Ang mahal ha, 70k for the compressor.
*rzeraus
No biggie bro, hope the repairs go well.
Mga Sirs,
I'm back here to consult again regarding our Navara, just recently had clutch sliding problem and upon checking it to nissan, flywheel problem plus entire clutch system needed to be replace daw, quote at 100+K![]()
![]()
Symptoms:
1. Walang hatak, nasa 2.5K+ rpm saka pa maramdaman mo ang hatak ng makina.
2. 4th gear ko nasa 30kph pa, hindi rin mamatay ang makina.
3. Clinking noise under transmission every time mag engage ang clutch.
Solution provided by Nissan:
1. Convert to Single mass flywheel from Dual Mass Flywheel 67K+ pesos
2. Change everything daw sa clutch system 30k+ pesos
total estimate nila 100k+ pesos
Parang ang hirap naman tanggapin, 76,000 kms pa lang natakbo ng nav namin
Need your expert opinion on this.
Salamat
Sa visayas po, hindi ko na lang imention saang casa kasi nandun pa sa kanila, as of this moment on going pa po yung repairs. So, does it mean pag ma drive namin ulit ang navara namin with single mass na, mas lalong iingay yung tunog galing sa transmission? Yung ride nyo po ba ngaun is single mass na din?
Oo sa casa, yun ang solution nila at lahat daw ng problema regarding dyan ay single mass flywheel daw talaga kasi kung dual parin, babalik daw din ang problema tapos papalitan na naman. what they guarantee is hindi na daw talaga ma sisira ang single mass flywheel, if ever may problema sa future, sa clutch na hindi na sa flywheel.
With your experience sir, acceptable ba talaga ang solution ni nissan diyan sa problema?
Is there another way to solve this problem sir? o ito lang talaga ang magagawa, conversion to single mass?
Mura Lang kasi yan smf parang 10k difference sa dual mass. Well in case na better solution yan single. Kung meron sila actual unit na nilagyan nun test drive mo for you to feel the difference.
Nung sa case ko inoffer yan, mahirap take chance Kaya dual mass pa din nilagay ko. Hindi naman naka design sa single mass Yung navara.
Anu ba assurance na Hindi masira ang single mass o makaproblema? Ilan ang warranty ibigay Nila?