pb, hindi kasi ako gumagamit ng atf as power steering fluid. so more or less, power steering fluid na yun.
pb, hindi kasi ako gumagamit ng atf as power steering fluid. so more or less, power steering fluid na yun.
mga sir,
OT lang po, sensya na.
this afternoon galing ako ng casa for brake pad change and alignment sana. Nung iaalign na, nakita na sira na daw suspension ko, upper and lower sa driver side and lower sa right side. Plus repack daw ng mga bearing, and balljoint ata. kasama na pit man and idler arm.
Medyo kinabahan ako, I'm sure papayat ang wallet ko dito. What do you recommend, sa trusted mechanic ko na ipagawa o sa casa na? May 35% dicount daw sa parts and 15% sa labor up to last week of April.
Sir any recommendations, saan kaya pwede mapagawa ang mga ito outside of casa?
Thanks in advance...
Paj gurus,
Pahabol lang po, delikado ba kung hindi agad mapagawa ang front suspension, nung ginalaw kasi ang left front wheel ko, umaalog side ways and upward and downward.
is it possible na makalas daw ang bearing or balljoint?
pede ba itakbo 100kph?
thanks
sir kung city driving puwede pa yan bat if for long rides delikado na yan lalo na bearing ang problema may posible madurog.baka mandamay pa ng ibang parts lalaki lalo gastos mo.
kung 35% discount sa parts puwede naang alam ko mabigat lang sa casa ang labor nila dun ka babanatan double price manigil
![]()
sugest ko lang pa estimate mo muna sa casa,den sa outside din para ma compare mo price
badongski, afaik pag jdm pajero kasi pag naconvert hindi same parts ang ginagamit, sa auto tranny alam ko ibang brand din ang gamit. not sure lang ako. may nagsabi lang saakin.
rlx555, kung akin yang pajero mo, ilalabas ko na yan sa casa. kahit sa servitek kayang kaya na pajero natin. try mo rin kay speedyfix pwede mo siya PM. just buy the parts from motorix, el dorado or carline. kung kaya ng budget mo mag oem mas maganda. bushings for sure walang replacement. balljoints mas maganda rin kung oem. pa suspension overhaul mo na. palitan na lahat kasi for sure may wear narin yung ibang parts. mapapaaga masira yung mga bago mong palit. and pag isa isa ang palit tendency ng mekaniko is puk pukin yung mga balljoints para maalis. for sure madadamage yung parts. isang kalasan, isang kabitan = longer suspension life. you can use 555 but oem parin kung kaya ng budget. nasa previous pages yung parts to be replaced and prices. HTH
Testament11,Badongski and promdiboy,
Maraming salamat sa quick reply mga idol.
Wala pa final quotation sa akin ang casa sabi tatawagan daw ko by nest week kaya lalo ako kinabahan.
PB I'm from Pampanga kasi, so ideally dito sa Pampanga ko sana ipapagawa na lang. Try ko din pa second opinion sa servitek and my suking mekaniko.
I'll try to compute kung kaya ng budget ang oem parts para mas matibay. Otherwise I'll take your advice RE: parts and shops na pwede pagkuhanan.
I'll keep you posted po sa developments sa Pajerjer ko. I'm really in love with the Gen 2.5, I'm really planning to keep it.
Thanks po ulit mga sir.![]()
badong, eh jdm converted ang pajero ko. gen 2 ang body pero gen 2.5 ang function niya. kaya ayun, mando ang gearbox niya.
rlx, eto ang tip ko lang sa yo. ganyan din problema ng pajero ko noong unang kuha ko. lahat lahat sa casa ko pinagawa. oo, ang labor sobra mahal, kung hindi double, triple. pero ang ginawa nung sa kin, palit ang buong front suspension ko. bagong suspension arms, bagong ball joints. tama si pb, mas maganda 1 gawaan lang para 1 pukpukan lang, kasi talagang pupukpukin yan. kung magkano ang gastos, more or less nasa 16k ang nagastos ko para lang sa bagong suspension arms at ball joints, lahat yan oem. eto ang details:
suspension arm: around 6.5k each, may ball joint na yan kasama
lower ball joint: 1.3k each, so mga 2.6k ang aabutin
labor: sa casa, mahina na ang 1.5k na labor
after ko naipagawa yan, deresto sa alignment at presto, umayos na ang alignment ko. pero naka 2 balik ako para sa availability ng parts. kaya doble gastos ko sa labor. kaya dapat bago ka punta casa, siguraduhin mo andun na lahat ng piyesa para 1 gawaan at gastos sa labor. HTH bro...
Last edited by testament11; March 21st, 2009 at 10:46 PM.
good day sirs, newbie here at pajero fieldmaster. our pajero is 2002 model. What is it considred? Gen. 2? Really confused with the gen gen. I am just used to year model. And where is el dorado located? Need to source parts from other stores aside from the CASA which is so expensive TIA,![]()
hello!
eto ang meaning ng generations ng pajero...
gen 1 - first pajero, kilala as box type pajero, model 80's up to '91
gen 2 - yung kapatid ni fieldmaster, model '93 to '97-98, eto yung nasa avatar ko, thuough jdm yan with gen 2.5 functions
gen 2.5 - the fieldmaster '99 up to present
gen 3 - known as bulldog pajero
gen 3.5 o gen 4 - the recent model ng pajero, yung projector na ang headlights
testament, bro bakit mo pinalitan yung buong suspension arm? bushings lang usually ang pinapalitan diba? 1.2k each yun. dalawa kailangan.
el dorado is located along aurora blvd. yes sir no doubt mas mura parts nila compared sa casa. these are their contact numbers: 9110021, 9110023
PB, anong BF Goodrich tire ang gamit mo. Yung iba nating mga bros anong tires ang gamit sa FM ninyo. Comment naman para merong idea pag nag palit ng tires.
TY
gamit ko yokohama geolander at+II. 1 year ko na gamit at ang ipapalit ko, baka michellin o yokohama pa rin
testament, medyo nakakaduda nga na pinapalitan sayo yung upper arm. I dont think na kaya ubusin ng kalawang yan. medyo hassle din kasi sa shop pag bushing lang papalitan kasi kailangan pa nila pa machine shop. para ma press in/out. pag bumili ka ng bago kabit nalang ng kabit.
BFGoodrich AT/KO gamit ko. same kami ni larshell. highly recomended ko to ang gwapo at tagal maubos.
Last edited by promdiboy; March 23rd, 2009 at 03:00 PM.