Kulang pa ang hataw ng abs cbn. Wala pa kasi akong nakikita sa olx nagbebenta ng 2013 monty na tag 500K lang. 2013 ang hinihintay ko kasi sa 2013 supposedly meron na yung shift lock protection, yung dapat apakan ang brake pedal para magalaw ang kambyo from park. Prior models 2012 below di kelangan apakan, shift lock/knob lang pwede na. Tapos yung BOS o brake override system nila sa 2012 model nag start.
For me, all Mitsu has to do is to recall the lower year models para iretrofit nila ng BOS at yung apakan ang brake pedal na feature, a lot of issues are solved.
Last edited by altec; December 3rd, 2015 at 06:04 PM.
The problem with montero is it will allow you to do it, despite of the existing child safety regulation abroad. Sabagay 3rd world country lang naman tayo at dagdag gastos lang yan additional solenoid na yan to comply with the safety standard.
Remember naglagay na sila ng brake throttle override sa models 2012 and up nila pero walang shift-interlock. They can get away with it dito sa pinas dahil mahina ang regulation natin dito.
Last edited by ClaNker; December 3rd, 2015 at 07:12 PM.
all-knowing kasi yung "JR" ng white montero, sabi pa nga niya matagal na sa kanya yung sasakyan. ayun, sinapian daw kasi ng demonyo kaya ang sinisisi e yung montero instead na yung katangahan niya.
kahit anong sasakyan naman, kung walang presence of mind ang tsuper, talagang maaaksidente.
yung bang mga jeep sa kalye sa tingin nyo may mga "safety features?"wala akong nakikitang SUA sa mga jeep ah? (pwera na lang sa ibang klaseng accidents they are involved ha)
sabi ng DTI possibleng ipasuri na nila ang monty mula sa ibang bansa, for me mas maganda un
^ Sino babayad niyan para masuri sa 3rd party? Yung mga complainant, MMPC o ang taxpayer ng Pilipinas?
Hayan, gagawa ang Mitsubishi ng questionable ang safety ng sasakyan at buwis ng taumbayan ang gagastos para lang patunayan na safe.
Kalokohan na malaki. Dapat Mitsubishi ang magpatunay na safe ang sasakyan nila. Anyway, 3rd world country tayo at walang pangil ang consumers sa mga manufacturers.
Ulitin lang natin:
Hello, Toyota D4D initial release. At Toyota fuel tank na nagkaka vacuum.
Meron rin pala, hi sa mga Isuzu Crosswind 2012 and up na kinakalawang ang mga fuel tanks.
Wag rin kalimutan ang ECU ng Nissan Frontier Navarra before ng NP300 models.
what if "manalo" ang MMC, kunyari napatunayan na wala talagang defect at human error talaga, pwede ba silang magfile ng counter case dun sa mga nagreklamo at DTI?
hahaha ngayon kinoconsider na ng dti at ng mitsubishi na ipasuri mula sa ibang bansa ung montero meron pa rin nasasabi ang tao ano ba talaga? haha