True ba na nakakatipid pag solar? Yan kasi ang selling point nila palagi. And the payback period of 5-6 years parang hindi rin realistic. Wala kasi nagpopost ng actual figures puro claims lang. And silent din sila sa maintenance costs. Parang based on the available infoi get, I can make a rough guess na at least 10 years ang payback and that is if you're lucky enough na walang masisira sa panahon na yan, whether due to parts failure or AON. Para siyang Starlink, it only makes sense kung nasa lugar ka na walang serbisyo.

Pareho din pala tayo ng concern about potential leaks sa bubong. I'm sure the installers will not care to make sure na pulido ang kabit at walang leaks. May guarantee nga pero perwisyo rin ung pabalik balik sa bubong and ung frequent tapak ng tao contributes to the weakening of the roof itself.