Newbie question po.
May click sound sa steering kapag naka turn signal sportivo ko. Twice na click bago sumagad ang manibela sa right or left turn. Kung hindi naka signal e wala naman. Ano kaya sira nito? O normal lang? TIA
Newbie question po.
May click sound sa steering kapag naka turn signal sportivo ko. Twice na click bago sumagad ang manibela sa right or left turn. Kung hindi naka signal e wala naman. Ano kaya sira nito? O normal lang? TIA
Another question. May time na malfunction ang gauges. As in zero ang rpm, speed pati odo wala display. Nangyari ng dumaan ako sa konting lubak. Loose connection lang kaya ito? Pinitik pitik ko ang cover ng gauges ayun ok n ulit.
Eto ang prices sir:
Break pad set = P5200
Upper ball joint = P1500
Lower ball joint = P2100
Outer tie rod end = P1000
Inner rie rod end = P1000
Idler arm = P4800
Center link = P5000
Genuine isuzu parts daw thailand made. Binili ko lang kailangan ko
1. Upper ball joint kasi wak wak na ang rubber cap. 2. Lower ball joint para pares ng upper. 3. Break pads. 4. Alternator belt. 5. Aircon belt. 6. Outer tie rod end pinagiisipan ko pa kung ipakabit ko kasi parang ok pa yun luma. Or ipakabit ko na since nabili ko na rin para aminsanan na lang tago ko na lang yun luma for future use.
yung sa akin pinalitan nung 2008. Binili ko sa walco i think 1200. pinakabit ko lang auto electrician ang ginawa tinanggal
yung part ng dashboard na nakakabit yung stereo. hindi ko masyadong maalala pero parang mahirap kasi may cable from
stereo to the antenna na dahan dahang hinila.
Pricey kasi mga genuine parts. ako ginamit ko lang na brake pad Bosch around 700 pesos yung set last december ko lang pinalitan last time Bendix ganun din ang price. matibay din naman. yung other parts ginagamit ko 555 japan cheaper than genuine parts pero hindi naman matatalo sa tibay
May idea po kayo for price ng back mirror? and kung saan nakakabili?
Kung may generic na kinaclamp mas preferred ko para hindi na ako magbubutas.
Vigattintrade Mobile
![]()
^I remember seeing that in Ace Hardware. Nasa hundreds lang, can't remember the exact price. Any car accesories shop in Banawe or Araneta should have it too.
Gud day! Just wanted to ask lang po mga sir if worth it po ba value for money crosswind xl or xt.. Starter/daily use lang po mostly city driving, occasional out of town drives.. XUV is 1mil na. Budget ~800k. Tnx in advance po.
In my opinion, the crosswind excels in city driving especially if you like going around with lots of company or baggage, as it really can hold its own even at full load. 15 km per liter is easily attainable without even trying, even more on highways. Just don't expect it to have blazing fast acceleration, but it's not as bad as you think. It's fast enough for me, especially when I turn the ac off hehe Maintenance is also easy, as this utilizes an old engine so most mechanics know how to service one. I even ran it for more than 10k km without maintenance and it still runs the same and I am not on synthetic oil. Naawa na lang ako kayako pinaservice sa petron hehe
Mga sir, badly need opinion po, baka may nakaexperience kayo ng tulad ng nangyari sakin today, wala kasi akong kilala na magaling na electrician dito sa pampanga,
Here's what happened, I came to a mechanic, he started to check the car, reving up the engine to see if there was a problem, and then sabi ok pa naman daw ang engine but then nung paalis nako, while switching the A/C on, walang power ang aircon, pati windows and signal light walang power, wala magawa ang mekaniko kasi wala siya alam sa electrical, so no choice ako but to find an electrician to fix my xuvi, and then yun nga basang sisiw po akong nakarating sa electrical shop dahil hindi ko maopen ang window at walang aircon, pahirapan pa sa likuan kasi walang pati signal light nawala, ngayon nakita na po ng electriacin yung fuse na naputol pumutok, pinalitan namin, and then umandar na po ulit lahat, so pauwi nako para sunduin ang anak ko from school, suddently pumutok o pumitik ulit ung fuse, inuwi ko muna anak ko and then pumunta nanaman ako sa electrician at pinacheck, wala naman daw nagiinit at nung nilagyan nya ng fuse ulit, habang nakastandby sa shop ay hindi pumutok so sabi ko baka nagloko lang fuse pero nung pauwi nako, sabi ng electrician, alamin ko daw kung puputok ulit ay kung pano o ano ginagawa ko nung pumutok and yun nga nangyari, pumutok at pumitik ulit na tunog ang ngyari at nawalan ako ulit ng aircon, signal at hindi ko mapaandar windows, bale nangyari siya while reving the car or driving the car to third gear o tersera na medyo inarangkada ko, ngayon, palaisipan po sakin kung ano ang pinagmumulan ng problema, any idea and share po? By the way, yung fuse na pumuputok po ay yung sa loob, C2 - 15a po na may label na ENGINE, yun pa isang pinagtatakan ko kasi bakit ung sa fuse na may label na engine ang pumuputok pero ang aircon, signal at windows ang nawawalan ng power, baka po may nakaexperience na ng ganito sa inyo, pahelp po kung paano niyo napatino, wala kasi akong alam na magaling ditonanelectrician sa pampanga.. thanks in advance po
ang tinitignan ko na electrical diagram ay para sa isuzu tf series (pickup)....
may 15 ampere fuse (tapped to 12 volts sa may ignition harness) na connected sa control side ng power window relay. itong fuse na ito ay fuse din ng back-up/reverse light at signal lights. so may lead ka na kung saan maaring magmula ang problema.
yung 30 ampere sa power window ay sa load side (connected sa window motors). iba iyon. kung sakaling may excess load sa power windows e dapat ito pumutok. kaso hinde.
kaya nasa control/signal circuit (wala sa power window motors ang problem). ipacheck mo wiring ng signal lights.
ang isang nakapagtataka kung ano kinalaman ng A/C system.
pero ay A/C system ay may koneksyon sa charging system via the charge and heater relay. yung load side ng charge relay ay connected naman ngayon sa heater relay. yung load side naman ng heater relay na ito ay connected naman ngayon sa blower at A/C.
pero reminder uli na itong diagram na hawak ko e para sa isuzu tf pickup (tfr 54). may malaking possibility na malaki ang similarity ng electrical system sa mga auv/crosswinds/sportivo (tbr 54)
pero sabi mo nangyari nung inarangkada mo sa 3rd gear....maybe sumosobra ang output ng charging system. isa lang na possibility iyon pero kelangan pa rin ng checking. voltage and current output check, etc.
hindi mo ba napansin kung umilaw ng bahagya yung warning light ng battery nung nangyari iyan?
download ka na lang ng diagram sa google tapos iprint mo at ipakita sa electrician
Before anything else thank you po sir mike sa pagreply sa post ko, Ito po naresearch ko na fuse diagram ng crosswind, suspetcha ko po, naalala ko lang nung pinacheck ko pala sa mekaniko ang engine, nirev niya ng nirev yung sasakyan tapos once natapos na kami magusap, wala na power ung aircon, windows at yung signal nung paalis nako, same din nung naaktuhan ko yung pagpitik ng fuse sa loob at nawalan ulit ako ng power sa aircon, signal at windows nung umaarangkada ako, about warning light, yun lang, wala po akong nakita ata ganun.. at naisip ko rin ngayong umaga, nung pinacheck ko sa electrician at hindi tumopak, nakastandby lang ang sasakyan kaya siguro hindi pumutok ulit ang switch, iniisip ko, pag ipapacheck ko ulit, dapat rev ko ng rev para makita yung charging ng battery or kung ano ang nagiinit.. palagay nyo po?
by the way, thank you so much for the one who uploaded this one, ang laking tulong, kung meron lang site na madodownloadan ng manual booklet, it will be a lot of help kasi bago lang din po kasi akong crosswind owner.. wala kasing binigay na booklet sakin kaya kumakapa pako kahit papano![]()
naku sir, ayun sir, buti may family relative kami na electrician na tumingin kahapon, mali mali pala yung unang tumingin sa sasakyan, sabi nya engine fuse ung pumuputok, c5 turnback pala, ayun nagmalaobservation kami, sabi nung electrician namin, parang may nagdikit sa C5 Fuse TURN BACK which aims the flasher signal switches, nacheck sa transmission wire yung problema dun sa reverse light.. ay naku talagang wala ako mahanap na maayos electrician samnby the way sir thanks sa pagresponse sa problem ko..
Nakuha mo dun sir! C5 nga, buti may family relative kami na electrician na naisipan tawagan, mali mali mga sinabi nung tumingin ng sasakyan, baliktad ang inisip nila dahil sa diagram nakaC2 yung pumutok, C5 pala, ayun ang naging solution sir, bale chineck lahat ng under dun sa fuse na yun at mukhang nahanap na namin ang problem, may nagdidikit na wire sa may transmission sa ilalim which is yung reverse light, ako man nabigla, inarangkada namin todo aircon, wala na putok ang fuse after nung inayos ang wire dun sa ilalim sa transmission.. hay sana lang, yun na nga yun kasi under observation pa ako ngayon pero magmula kahapon na lumabas kami ng family ko while driving hindi na talaga tumopak pa ulit.. baka nga tinamaan na nung electrician namin.. hay buhay.. thank you ulit ng marami sir..ang puzzle lang na naiisip ko kahit nagawa na ang sasakyan, kung c5 man ang pumuputok na fuse, ang pinakatanong ko lang sa sarili ko kung bakit kaya pati aircon at windows apektado, e sa diagram na naresearch ko from my previous comment, puro turn signal switch, back light at reverse light ang kasama.. kaya yun inoobserva kopa ng mabuti at sana nga wag na tumopak ulit.. sobra disaster na talaga..
as i have said sa previous post ko, yang C5 fuse (reverse & turn signal) ay fuse din ng control side ng power window relay. regarding sa A/C, i dunno. sa charging system may koneksyon ang A/C kung titignan mo ang electrical diagram.
unless namodify na wiring nyan sa dating may-ari.......
dahil siguro sa vibration brought upon by acceleration at yung pagpitik ng A/C compressor e nagshoshort yung wire ng reverse switch sa transmission. nagkikiskisan. kung mapapansin mo e napapaigtad ang makina (kahit hindi tumatakbo) kapag nageengage ang compressor. kahit anong sasakyan. yun nga lang mas matindi sa isuzu.
Last edited by miked; January 17th, 2016 at 11:18 AM.
Oo nga sir eh, ayun as of today hindi na tumopak, baka nga un na talagang problem, by the way sir ano po meanng nung napaigtad ang makina? Also new problem nanaman po ngayon, may idea po ba kayo sir kung pano malaman kung blowby na makina? Kasi just this past few days kaya rin pinacheck ko sa mekaniko ko dahil lately nabibitin nako sa andar, yung satisfaction na gamitin wala na dahil pag matagal na at mainit na makina, lalo na pag nakaaircon, mabagal na umarangkada, at mavibrate narin pati mga pedal ko damdam ko ung nginig ng makina, bago naman laman ng transmission like plate linng at bearing, at alam ko diba pag diesel mas umiinit mas bumibilis, mas bumabagal, pag sobra init na ng makina at may aircon may white smoke sa dipstick pero hndi naman sumusuka ng oil, dalawa kasi nasa isip ko, either injection pump pagawa ko o engine compression, palagay mo sir? Mabagal na at mavibrate na kasi makina, maingay pa, alam ko maingay talaga isuzu pero parang malutong na ksi masyado tunog at pag unang start mausok, pag umiinit dun medyo nawawala, pag todo rev nagkakausok ulit..
additional info, kasi sir, ang nasa isip ko, kung sakali man na blowby nga ang makina, hindi kaya mas lalo masira ang internal parts lalo na pistons, connecting rod, mga nasa loob kung hindi ko pa ipapagawa, about sa injection pump naman, kung ipapagawa ko tapos blowby naman ang makina, hindi naman kaya masira din kung naayos nga ang pump pero blowby naman ang makina, sayang lang gastos, kasi parehas lang halos ang gastos ng overhaul makina at injection pump, sabi kasi sakin kung puro sira ang pump aabutin daw ng 12 to 15k, yung overhauling naman daw ng makina depende naman daw sa gagamitin pyesa at sira ng internal parts like liner, rings, gaskets at kung matibay ang bibilin na pyesa at baka abutin daw mga estimate na 15k to 20k.. kaya yun, kasi pag nagaircon ako dun ko ramdam na bumabagal, parang hirap na makina, partida minsan tatlo lang kami nakasakay sa sasakyan, paano pa kaya kung loaded ang sasakyan bale sigurado babagal pa at kung paakyat ang pupuntahan namin tulad ng baguio, pero isa pa pinagtatakan ko, never nagoverheat ito at hindi talaga nagbabawas ng tubig kahit sa mismong reserve tank nya, iniisip ko baka may pagkablowby na pero hindi pa malala, iniisip ko kung aagapan ko ba o hayaan ko lang at kasi sabi ng nagcalibrate ng injection pump, baka daw lumakas pa hatak pag nagawa ang pump kasi sabi sakin sealed pa daw ung pump, meaning 12 years ng hindi nabubuksan ang injection pump, hindi pa daw nagalaw since brand new, e ung mileage ng sasakyan 110k palang, nagtataka naman ako kung sa mileage na yan dapat blowby na o baka dinaya na ang mileage..
Last edited by JDCMAXTHEGREAT; January 19th, 2016 at 11:39 AM. Reason: added infos