
Originally Posted by
Dieseldude
sir...
tanong ko lang sana kung ok pa yung engine ng Hi-ace(japanese 2nd hand 1KZ-TE engine)) ko...
...ang nangyari ay tinamaan yung water line papunta ng heater... tumulo yung tubig,....kaya ang ginawa ko ay nagdagdag ako ng tibig,...then takbo ako from la union onwards.... about 30 mins tapos huminto ako sa may gasoline station...
check ko yung tubig at pagbukas ko nun radiator cap ay bumulwak yung tubig (sa init siguro ng makina pero nakikita ko yung temp guage ko nasa normal pa rin)... nabahala ako kasi alam ko na hindi normal yung ganun kaya nagtanong ako ng mekaniko sa gasoline station... Talagang nag overheat ka. Pero normal yung temp indication dahil mababa na ang coolant level mo. Hindi nakita ng temp sensor ang true temperature dahil hindi na ito nakatutok sa coolant. Steam nalang ang nakita nya. Hindi magandang temperature conductor ang steam. (sir,,,about doon sa mababa yung coolant level parang hindi naman kasi nilagyan ko naman ulet ng tubig at pinuno yung radiator...)
ang ginawa ng mekaniko ay nilagyan ng hose na pangtubig muna yung broken line para mag-circulate ulet yung water, temporary yung ginawa niya...tinanong ko siya kung may damage kaya sa engine ang sabi niya ay may konting damage na raw sa cylinder head gasket kasi raw nag-overheat... Pwedeng meron damage, or pwede rin wala. Depende ito kung gaano kataas inabot ang temp, at kung gaano katagal. Masama kung tumigil ang makina nang sarili, na hindi mo pa ito pinapatay sa susian. Kung ganito ang nangyari, sobra na ang thermal expansion ng pistons at sumikip na sila sa liners. Kumayod na ang pistons sa liners. Hindi sana.
1) ngayon...totoo kaya na may tama na yung cylinder head gasket ng engine ko? Malalaman mo yan kung bumubulwak ang coolant. Mag lea-leak ang compression gasses papunta sa cooling system. Dadaan ito sa damaged cylinder head gasket.....(paano ko ba matetesting kung nasira nga talaga yung cylinder head gasket??? kasi kanina tinidnan ko ulet pag nakaminor wala namang motion yung tubig sa may radiator cap,,,pag nirev ko ayun gumagalaw,,,normal lang ba yung ganun pag nirev mo kasi diba aandar yung water pump nun???)
2) nakita ko na may tama yung lower suspension at yung kinakabitan ng caster arm at sabi ng mekaniko ay kailangan na raw palitan yung lower susupension...totoo ba ito??? Madali malaman ito, silipin mo nang mabuti ang pangilalim... (ayun pinacheck up ko nga sa gumagawa ng suspension may tama nga at kailangan palitan yung lower suspension tapos yung cross member na nakawelding sa body ay kailangan daw painitan at idederetso at papalitan yung lower suspension...totoo ba talaga ito???)
pasensya na po kayo sa mahaba kong inquiry huh...maraming salamat po sana ay matulungan nyo ako... YOU ARE WELCOME....HAPPY EASTER, GODBLESS