sir...
tanong ko lang sana kung ok pa yung engine ng Hi-ace(japanese 2nd hand 1KZ-TE engine)) ko...

ang nangyari kasi pauwe kame kahapon galing sa Ilocos going to manila may nadaan ako na malaking bato hindi ko alam kung sinong hudas ang naglagay nun doon...ang nangyari ay tinamaan yung water line papunta ng heater...ngayong tumutulo yung tubig(itibabi ko agad para makita kung anuman ang naging problem ng sasakyan) kaya ang ginawa ko ay sinarado ko yung line tapos nagdagdag ako ng tubig sa radiator(about 4liters) then takbo ako from la union onwards(going home) about 30 mins tapos huminto ako sa may gasoline station...

check ko yung tubig at pagbukas ko nun radiator cap ay bumulwak yung tubig(sa init siguro ng makina pero nakikita ko yung temp guage ko nasa normal pa rin)...nabahala ako kasi alam ko na hindi normal yung ganun kaya nagtanong ako ng mekaniko sa gasoline station...

ang ginawa ng mekaniko ay nilagyan ng hose na pangtubig muna yung broken line para mag-circulate ulet yung water, temporary yung ginawa niya...tinanong ko siya kung may damage kaya sa engine ang sabi niya ay may konting damage na raw sa cylinder head gasket kasi raw nag-overheat...

1) ngayon...totoo kaya na may tama na yung cylinder head gasket ng engine ko?
2) nakita ko na may tama yung lower suspension at yung kinakabitan ng caster arm at sabi ng mekaniko ay kailangan na raw palitan yung lower susupension...totoo ba ito???

pasensya na po kayo sa mahaba kong inquiry huh...maraming salamat po sana ay matulungan nyo ako...