in stock configuration, meron na nito ang innova. ang heat exchanger ng ATF nasa radiator, built-in ito. iinit lang naman ang A/T during spirited runs o nasa race driving conditions. downside lang ng built-in ATF cooler sa radiator ay kapag hindi na maganda cooling system mo, damay pati ATF.
mga car racing shop, kayang kaya nilang mag fabricate ng ganito. kung desidido ka na talagang magpakabit, hanapin mo yung may thermostat, para hindi all the time, flowing yung ATF sa oil cooler, may certain temperature din kasi na dapat I-maintain yung ATF. tandaan, oil pa din ang ito, kapag wala sa operating temp, malapot, meaning hindi ganun kaganda yung flow nito sa tranny.
dalasan mo na lang ang pagpapalit ng ATF, yung iba, 10K kms less sa recommended mileage o every 3yrs. mas mura magpalit ng ATF kesa magpalit ng transmission.
correct me if i'm wrong mga sir
