Idle up na naman ang gusto kong ayusin sa 5k namin. Pano ba i-check or linisan? Tsaka may dalawang actuator ako na nakita. Yung isa sa may gilid ng radiator, yung isa sa may inner fender wall. Alin dun ang dapat i check? Or both ba? Help naman mga masters. Mababa idle pag on ng ac eh. Maraming salamat po.
Peace out!
yung nasa fender ang idle up ng aircon. yung nasa radiator hindi ko rin alam ang purpose niya. hehe check the vacuum hoses first baka may cracks na. second check mo yung diaphragm (?) sa carb, basta yung mukhang flying saucer hehe. baka kasi nag-aactivate nga siya pero di naman umaabot yung screw nya sa idle mechanism ng carb.
Hi im new here, we are holding our Fx gl for 17yrs now and counting. Ang naging problem lang namen is ac and nung nag change engine (2c turbo) but eventually naayos naman na lahat. Super tibay ng fx sulit na sulit. =)
share lang po mga sir 2c engine
https://fbcdn-sphotos-b-a.akamaihd.n...29650440_n.jpg![]()
tanong lang po mga sirs, meron na po ba sa inyo nkapagtry na 7k ang engine tapos ang carburador eh 5k?? titipid daw po sa gasolina pag ganito.. ano po sa tingin nyo?? thanks
Ano kaya ang problema nitong 2C ko, ang hirap i-start magmula ng mag tag-ulan, okay naman ito before at bago pa ang Amaron battery nito?
Pagkatapos ng Glenda naka-apat na try ako redondo lang maski extended yung time ng heater, hindi nag start at nadrain lang yung battery ko. Nirecharge ko ng 4 hrs at ini-start ko ng about 1:30 pm, medyo may araw at nag-start at nagamit ko. Pero after 1 day na di nagamit at nag-uulan na naman ay ayaw na naman mag start?
TIA
Bombahin mo yung fuel pump bago mag start. Mas maganda kung 2 kayo, may bumobomba habang iniistrat hanggang sa umandar tuloy pa din ang bomba. Baka kasi may maliit na leak sa linya kaya di umaakyat ang krudo
Update:
Nakabili ako ng Suoer SON-10A Automatic Car Battery Charger, dahil laging nauubos yung charge ng battery ko kapag di mai-start within 2 try. Chinarge ko siya using this charger, after ayaw mag start yesterday morning after 2 start (cold and wet morning due to typhoon Henry). After an hour and a half, fully charge na ay nagstart naman at pina-andar ko ng matagal para kumarga and left the battery voltage * 13.41V and remove the terminal connection for observation of the morning start up.
This morning ay nakadalawang try ako at ayaw mag start, parang kulang sa galit yung power ng battery. Chinarge ko ulit and after mafull charge in 30 mins ay pinatagal ko pa ng 2 hours, pagkatapos ay nagstar naman.
I think mahina na itong 2SM Amaron battery ko na less than a year pa lang. Subukan kong ipa warranty sa dealer.
Please, I need comments and suggestions![]()
Sir, malamang battery problem nga yan. I've been reading your thread and I suspected that battery is the culprit. If your battery is still within its warranty period you better have the same be checked by the battery dealer where you bought it. Have your wiring and voltage regulator be checked also by your dealer, I think its free.
Sa tingin ko di talaga kaya ng 2sm sa diesel lalo pag luma na ang makina. Yung 2sm ko less than 1yr lang din and madali na madiskarga. Nagpalit na ako ng 3sm.
Sir 3sm naman yata kasi ang naka design na battery ng tamaraw fx na diesel, 2C and up. Yong nakita ko na fx 2C ay 3sm nakasalpak na battery. hindi ko lang sure kung may convertion na ginawa sa battery compartment kaya saktong sakto yong 3sm na battery sa fx na nakita ko.
Sir Flippo magkano score sa battery charger at saan mo nabili yan? Gusto ng ganyan e hehehe
Ang orig na battery ng 2c ay 2sm lang. Yung 3sm halos hindi kasya sa compartment. Ginawa ko lang tinanggal ko muna windshield washer reservior para maipwesto yung 3sm then balik ulit windshield washer reservior. Siksikan sila. Mas komportable talaga sa 3sm yung 2c. Dati kasi sa 2sm parang nanghihina talaga battery pag start. Parang nauubusan dahil sa heater.