* vvti2.0 thanks sir, sa fan speed pala yun.
wala na pong mabibiling brand new ngayon, pero kabibili ko lang ng fx ko sa Ayos Dito.ph (naka post nga he he he) , 2 weeks na, sariwa ang body meaning latang lata pa, 5k engine walang usok, walang talsik ng langis , light blue, ayoko kasi mag diesel kasi ang dumi kapag in overhaul, pinaayos ko yung aircon 3,600, pina tint ko sa banawe 1800, car stereo 3500,
next naman yung mags kasi ordinary rim lang sya ngayon.
advice ko po tyagaain mo po maghanap sa sulit or ayos dito. or maghanap ka sa Floodway Pasig ang daming fx nakaparada duon ni rerecondition nila, body repair & engine, convertion to GL look
Kung idle up lang sir madam nyan sa mga surplus shops either evangelista, banawe or your local surplus shops. Try din sa mga a/c shops usually alam din nila yun. Yung idle up nga pala eh dalawang system yun , isang electrical and mechanical. Yung electrical eto yung solenoid kung tawagin, sya ang nag aactivate ng vacuum air. Yung mechanical naman eto yung mismong humihila sa carb accelerator. Kung diaphram ang sira, just make sure na yng bibilhin mo is walang singaw o maganda pa dapat kundisyon ng rubber, else useless din. Goddluck sir!
Gud Am, mga Sir, ask ko lang yung sa fx ko 5k engine , pag apak ko ng clutch at e reverse ko
parang hirap pumasok at parang me sumasayad na gear ano kaya ang problema nito,
minsan parehas din ng problema ng sa mazda 323 ko na b3 engine, hirap umakyat at tumakbo,
umaalog pa akala mo gustong lumukso ng makina he he he ty po sa mga sasagot![]()
Sir bravo,
Yung sa fx, baka mababa na adjustment ng clutch ninyo kaya hirap na ipasok ang kambyo. Usually pag naluluma, bumababa talaga kaya kelangan ng adjust. Kung minsan napupunta na sa palit ng lining.
Yung sa mazda 323 naman, usually pag nagjo jog yung transmission lalo na habang binibitawan mo ang clutch, usually sa pressure plate ang depirensya. Dalhin mo sa isang reputable shop para matingnan lahat. Tnx
Last edited by jvnj; April 3rd, 2014 at 06:30 PM. Reason: incomplete
Tama nga kayo Sir Zap & Jvnj, adjustment lang ang ginawa sa clutch ng fx ko, ginamit ko na papunta makati, maayos na.
yung mazda pinatira ko na sa mekaniko bumili ako ng clutch disc 1400, pressure plate 1700,bearing 700, bukas ko pa makuha.
thanks.
Sir flipo,
I think it should have been clutch rider instead of the clutch glider, sorry my bad hehe! Anyway, yung clutch riding means lagi kang nakaapak sa clutch kahit di naman dapat. Halimbawa sa traffic o nakahinto, imbes na i neutral mo at bitawan ang clutch eh hinahayaan mo lang na nakakambyo at babad ng clutch. Dahil dun, madali numipis ang clutch lining natin. Thanks
Ask ko lang sir kung may recommended kayong shop for engine overhaul around quezon city area ?
gusto sana kita tulungan Sir dito lang sa Pasig ang alam ko, sya ang taga overhaul ng mga fx taxi dito.
*Jvnj thanks Sir sa advice , minsan hindi maiiwasan umapak talaga sa clutch kasi po ma traffic dito
banda sa amin Pasig C5 to kalayaan hanggang makati .hmmm
Ask ko lang po kung meron tayong pagasa lagyan ng (2 din) na car stereo yung ating mga fx?,
kasi (1 din) lang ang pwede.
at saka gaano ba katagal ang Hubcap bago ito masira?, gusto ko muna sana lagyan pansamantala,
bibyahe kasi ako sa Pangasinan sa darating na sabado 1 week vacation. thanks po
Sir bravo,
Given na maliit lang yung butas ng pang stereo, malabo talaga lagyan ng 2 din, unless bakbakin pababa, tatamaan yung a/c controls, which is i think hindi tama. Anyway ano ba plano nyong stereo sir, yung may dvd or screen? Meron akong nakita before na retractable yung screen, pang 1 din lang ang size, pero may hiwalay syang deck para sa controller.
Yung hub cap, pag plastic tumatagal naman ng taon. Yung metal mas lalong matagal. Kalaban lang dito is yung mga nagnanakaw ng hub. Tapos Yung mga clip pala, medyo kelangan bantayan dapat laging mahigpit, kung maluwag na kasi maaring matanggal pag mabilis andar o nalubak ng matindi. Thanks
Na search ko Sir, sa Internet yung 1 din with LCD 7,500 pala ,
tiyagain ko nalang muna itong cd player ko he he he
I try ko pumunta sa Banawe Sir maghanap ng metal kung yun ang matibay, balak ko nga ito
iturnilyo ng maliit gamitan ng allen wrench, nakadikit na yung bolt sa rim maliit, ok kaya ?
Nararamdaman ko talaga na underpower ang 5k engine lalo na kung naka aircon ka pala, tapos
paakyat sa driveway, inakyat ko yong rampa ng St Lukes Hospital dito sa may Taguig hindi ko
naiakyat, inatras ko nalang he he henoong nasa ibaba na ulit kami unang ikot
ng susi ayaw pa umandar after a minute nag try uli ako umandar naman, ang ginawa ko in off ko
muna yung aircon tapos pinaakyat ko ok naman sa first gear ha ha ha,
kaya pagdating namin sa bahay inalis ko lahat ng tools ko sa likod para gumaan, ang tanong ko
Sir kung pwede nalang alisin yung kabitan ng gulong na nasa ilalim para mabawasan ang bigat,
kasi yung reserba nilagay ko sa likod nalang para hindi na ko nahirapan magbaba. Thanks Sir.
You can remove the spare tire mount, but given its small weight, I dont think you can see / feel the benefit in terms of added power. Lets face it, a 5k engine for an Fx, matched with a crappy transmission is really underpowered. Lets not expect too much. Though kadalasan, tamang bwelo, correct gear and tamang apak ng silinyador ang kailangan para makaahon sa medyo matarik na kalsada.
Try mo ito. Ang ipakabit mo na spark plugs Bosch Platinum at ipa advance mo ng konti Ang timing. Ang platinum mas Mahal ng konti, pero di naman laging pinapalitan, kadalasan after 20t, mas gaganda hatak nyan
nyan
Posted via Tsikot Mobile App
hello mga katamaraw:-)
bagong general overhaul ang diesel fx ko mga 3weeks na ask ko lang kung mawawala din ung lumalabas na langis sa may breather konte lang naman ang lumalabas tnx sa mga inputs:-)![]()