wow ganda ng 2c pare
Bombahin mo yung fuel pump bago mag start. Mas maganda kung 2 kayo, may bumobomba habang iniistrat hanggang sa umandar tuloy pa din ang bomba. Baka kasi may maliit na leak sa linya kaya di umaakyat ang krudo
Sa tingin ko di talaga kaya ng 2sm sa diesel lalo pag luma na ang makina. Yung 2sm ko less than 1yr lang din and madali na madiskarga. Nagpalit na ako ng 3sm.
Sir 3sm naman yata kasi ang naka design na battery ng tamaraw fx na diesel, 2C and up. Yong nakita ko na fx 2C ay 3sm nakasalpak na battery. hindi ko lang sure kung may convertion na ginawa sa battery compartment kaya saktong sakto yong 3sm na battery sa fx na nakita ko.
Ang orig na battery ng 2c ay 2sm lang. Yung 3sm halos hindi kasya sa compartment. Ginawa ko lang tinanggal ko muna windshield washer reservior para maipwesto yung 3sm then balik ulit windshield washer reservior. Siksikan sila. Mas komportable talaga sa 3sm yung 2c. Dati kasi sa 2sm parang nanghihina talaga battery pag start. Parang nauubusan dahil sa heater.
Yung charger meron sa olx. 1.6k. Kumuha din ako niyan at pinares ko sa lumang 2sm, plus 300w cdrking inverter pangontra sa brown out![]()
ayos sir mukhang ikaw makakasagot sa tanong since brand new nyo nakuha epex nyo. Tanong ko lang sir kung talagang may foam sa may radiator ng fx natin. yong nakaipit between the radiator and the body frame? 2nd owner kasi ako kaya di ako sure kung talagang factory design ng toyota yong foam na naka sandwich sa radiator at frame ng fx. Salamuch sir!
GTFX member din pala ako sir hehe.
Sir Gamboh,
I'm not the first owner of my FX but it still has that foam. I guess its purpose is to seal the gaps to prevent short cycle of the of the air. Kung baga, para pag humigop yung fan sa radiator, hindi nya mahihigop yung hangin sa loob ng engine bay. Dapat kasi fresh air ang mahigop nya para mas malamig sa makina or radiator.
Pangkaraniwan sa new model ng alternator ay 13.6 volts
Tsikot Mobile App
Mga paps gamboh,mrjeff, and dr.d thanks po sa pagsagot.
Sa akin kasi 14.4V ang nasusukat ko kapag 2C engine running at di na tumataas kahit irev ung engine.
Kapag binuksan yung AC ay bumaba siya, lalo na pag binuksan din yung headlight, pero hindi na bumababa below 13V. Sa nababasa ko basta di bumaba below 13V ay nagchacharge pa rin daw.
Kung maari sana ay mai-share nyo yung actual voltage with this situation, para mai-compare natin yung alternator charging.
Dinala ko kasi sa battery dealer para ipa warranty yung battery ko at nagtalo nga kam ng technician nila na sabi ay alternator ko daw ang may problema.
Before going to the dealer pinatingnan ko sa electrician at okay daw yung alternator, after na pinabuhay niya yung AC at headlight while revving the engine na naka hook up yung battery tester nya at sabi patingnan ko daw yung battery.
yang mga battery dealer automatic sila sa pagsisi sa alternator para makaiwas sa paghonor ng warranty. ganyan din yung binilhan ko ng battery dati, ang bilis manisi ng alternator, kesyo kulang daw sa karga. parang inuunahan na ako in case pumalya ang beterya, void agad warranty. pero dapat i-double check din kung totoo. bumili nga ako ng multimeter at chineck ko, ok naman. lagpas 13v ang reading pag engine running. sa ngayon 6 months after ok pa naman yung battery at wala naman akong pinagawa sa alternator.
yung voltmeter na nakakabit sa cig socket madalas may voltage drop dahil sa resistance ng wiring or poor connection (kinakalawang, etc). ginawa ko kinuha ko reading ng battery while engine off using multimeter directly to the battery and compared the value to my voltmeter reading. i did the same with engine running. i noticed consistent na may 0.5v difference so yun na nagiging basehan ko ngayon. yung reading sa voltmeter ko laging may + 0.5v.
[QUOTE=netshark;2382529]yang mga battery dealer automatic sila sa pagsisi sa alternator para makaiwas sa paghonor ng warranty. ganyan din yung binilhan ko ng battery dati, ang bilis manisi ng alternator, ...
hindi naman lahat.. meron ding matino diyan..
sa experience ko, kapag ang shop ay tunay na official outlet, madali silang kausapin.
kapag independent shop, parang dingding kuminsan kung kausapin..