New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 51 of 162 FirstFirst ... 4147484950515253545561101151 ... LastLast
Results 501 to 510 of 1613
  1. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    113
    #501
    Other inqueries:

    3. mahinang aircon - medyo mahina talaga aircon ng fx sa likod pero kahit mahina buga, dapat malamig pa rin hangin na lumalabas. malakas naman sa harap so dapat ang over all na lamig sa loob is okay pa rin. baka you just need general cleaning ng buong aircon system. sa akin naman stock pa rin pero malamig pa rin kahit bumababa ako dyan sa manila. hindi pa nga naka full yong aircon ko okay pa rin kahit tanghali tapat. you dont need to change sa hanging type na aircon na parang sa revo at adventure. magiging eye-sore na lang lalo na kung di marunong mag ayos yong gagawa. pero kung marunong naman gagawa at provided na itago lahat yong hoses ng aircon, why not basta may budget kayo.

    4. irregular rpm or idling sa mga gas engine. paki check na lang yong vacuum hoses na yong maliliit papunta sa carburator. baka may natanggal. dapat medyo mataas kung cold start then magiging normal pag maiinit na na parang yong sa diesel engine.

    5. manual steering to power steering - madali magpa power steering sa fx. you can use surplus parts. bili ka buong power steering assembly like power steering rock assembly, ATF hoses and cup and others. around 12k lang naman for the labor and materials. hindi po yong delicado kasi wala ka naman i coconvert. all original parts naman ilalagay tapos naka abang na yong butas na papasukan ng mga tornilyo.

    6. mabigat na power steering ng fx - hindi po normal na mas mabigat power steering ng fx compared sa revo and adventure. you need to check the power steering rock assembly kung mabigat na yong sayo. baka may tagas na. yon yong kadalasan na sakit ng rock assembly sa fx. pag may tagas na syempre bibigat kasi hindi na efficient yong assembly mo. i'm driving revo and adventure and the same naman bigat ng steering system ng fx.

    7. maintenance and engine power ng fx- tamaraw fx pa rin ang isa sa pinaka madaling i maintain na sasakyan ngayon. yte one of the most efficient pag dating sa fuel consumption - except for the gas engine na talaga namang matakaw sa gasolina. but for the diesel, napakatipid naman yet powerfull enough naman specially pag naka turbo ka. if you choose to upgrade your uengine to 3C turbo then definitely you can outrun the diesel variant of revo and adventure.

    good luck to all fx owners!

  2. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    158
    #502
    sir nasa magkano po kaya magagastos for change engine?
    Parts, labor even registration sa LTO? tnks po

  3. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    113
    #503
    Quote Originally Posted by arieslhon View Post
    sir nasa magkano po kaya magagastos for change engine?
    Parts, labor even registration sa LTO? tnks po
    depende kung ano exisiting makina mo. mura lang babayaran sa LTO for change engine, 300 for TMG clearance na babayaran sa land bank, 200 for micro etching plus around 500 sa LTO provided na naka register na yong sasakyan mo. so thats around 1,000 more or less kung ikaw ang maglalakad lahat ng papers.

    for the parts and labor ng change engine from diesel to diesel din, around 36k na ngayon ang 2C turbo plus labor ng pagkabit na around 2,000 to 3,000.

    for change engine from gas to diesel, yan ang marami magagastos around 60K ang total for a 2C turbo (labor and materials) and around 70K total for a 3C turbo (labor and materials). ito kasi mapapalitan pag change engine from gas to diesel

    • Transmission bell housing - you can use the gas transmission - palit lang bell housing)
    • radiator - maliit kasi radiator ng gas kaya kailangan palitan ng pang diesel
    • bili ka ng surplus na air cleaner assembly for diesel - iba kasi set-up air cleaner sa gas
    • re mounting ng motor support - iba ang mounting ng gas engine
    • bili ka fuel filter assembly for diesel
    • minor rewiring sa tachometer, new wiring for the heater plug, re-wiring for the injection pump and others.
    • magpalit ka rin ng differential. yong laman lang. low speed kasi differential ng gas. ang ratio is 9:41 while yong original na differential ratio ng diesel engine is 10:43. makupad kung hindi mo papalitan yong differential pero malakas naman sa akyatan. high speed ang differential ng diesel engines na fx.
    • plus labor around 3k to 3.5k
    • 3C turbo (set) is around 45k dito sa baguio and 2C turbo is 36k. baka mas mura dyan sa banawe.

  4. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    113
    #504
    Quote Originally Posted by alejandrowilson
    gud pm, ask ko lang kung may idea ka regarding sa FX ko kc pag natakbo ako ng 100kph halos 4000rpm na sya 2c diesel turbo engine 175x13 ang gulong ko.thx
    matanong ko lang, baka kasi dati gas engine yan na pinalitan ng diesel. low speed kasi ang differential ng gas engine (9:41 ang ratio for 7K gas engines) while high speed naman ang sa diesel (10:43 ang ratio). kaya kung dati gas yan na pinalitan ng diesel, kailangan mo magpalit ng differential. yong laman lang papalitan mo. kunin mo yong pang diesel talaga. ang ratio noon is 10:43. around 4k ang price nyan sa banawe plus labor na 800. makupad nga yong sayo kasi yong fx ko na original diesel around 3200 lang rpm ko sa 100kph na speed ko. sa NLEX sinubukan ko na tumakbo 140kph at 4200 rpm. gulong ko is 195/70/14

  5. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    2
    #505
    ask me lang am an owner of 97 tam fx wagon type, 7k engine puede b ito lagyan ng tachometer(rpm) gauge and if ever what type? ung mga nakkikita s mga corolla o civics puede rin?

  6. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    113
    #506
    Quote Originally Posted by dapogi_77 View Post
    ask me lang am an owner of 97 tam fx wagon type, 7k engine puede b ito lagyan ng tachometer(rpm) gauge and if ever what type? ung mga nakkikita s mga corolla o civics puede rin?
    pwede pero hindi na siguro kailangan kasi meron naman original na tachometer ang fx. kung gumagana naman yong tachometer mo okay na yon. anyway hindi naman pang racing yang makina natin. pero kung trip mo talaga then why not.

  7. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    1
    #507
    Good day! Bago lang po ako dito. i own a '93 model 2C FX. May nabasa na ako dito regarding "nginig" pag naka on ang AC pero pag nakapatay wala naman pero gas type. Akin po kase ganun pero 2C diesel po engine ko, Ang suspect ko kase eh may kinalaman sa aux fan ng radiator. Pag pumitik na siya manginginig na pero pag namatay mejo nababawasan yung nginig. At talaga bang patay-bukas ang aux fan? hindi ba continuous lang na nakabukas yun? At pag on lang ba ng AC magbubukas yun? TIA. more power!

  8. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    15
    #508
    salamat boss mr. nice guy. ,

    hi po mga boss. bago pa me d2 sa tsikot. salamat nga meron tayong FX forums. nakakatulong talaga. , meron akung 97' 7k gas tamaraw fx. im trying to restore it to its original condition. and i just bought another 97' 7k tamaraw fx. which is baldy damage. need help here, pwede bang ma fit ung carb nang 5k sa 7k na gas engine ko? kc ung sa 7k ko meron oil na lumalabas sa carb nya. sumusuka madami na oil. pwede ba yun sa 5k na carb.?? need help kasi yun ang sabi ng mekaniko. baka nag aaksaya lang aku ng pera... tnx po.

  9. Join Date
    May 2009
    Posts
    75
    #509
    Hey guys,
    94 FX Diesel 2c (or 3c, na upgrade na ata engine) owner here. May unting katanongan lang ako RE: my ride.

    1. RE: Shocks, may after market bang maipapalit para maging comfy ang ride. Matagtag kasi talaga ang ating mga FXplorers eh. hehe. :D Sabi nung pinacheck ko, ok parin naman ang mga shocks, wala parin namang mga tagas. Kaso, if possible, gusto ko sana siya gawing sing komportable ng isang kotse.

    2. RE: Chassis, kasi nag palit na ako 2 cross joint na sabi ng mechanic ko na source ng tumutunog tuwing asa 4th gear ako tapos below 40 (but still above 30kph) pa ang takbo ko. Up until now same parin naman, tumutunog parin. Saan kaya source nun? Clutch kaya? Nagalaw siguro. Pansin ko rin ngayon is mas mavibrate ang ride ko, ewan ko ba kung bakit.

    3. RE: Temp, pansin ko is after 15~20 mins na naka standby sa traffic ang fx pansin ko bilis umakyat ng temperature. Siguro dahil sa radiator, parang di ko pa kasi napapapalit ever since nabili namin. Siguro kailangan ko nang magpalit ng radiator, ano sa tingin niyo?

    4. RE: Electricals, kasi nag loko ignition once before. Nag stop lang nung binalotan ko ng electrical tape yung mga wires na mukhang matanda na pero functional. advisable bang iparewire lahat nang mga importateng electrical devices? Kasi pati panel ko halos di ko narin makita.

    Fastest I've driven my FX is +- 95kph, di ko na sinasagad kasi luma narin yung aking mga gulong. Better safe than sorry, hehe.

    Ayos parin talaga mga FXs ngayon, halos lahat ng puntahan mong auto supply shop merong parts nito at di basta basta mauubosan. hehe.

  10. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    2
    #510
    Quote Originally Posted by kuligligko View Post
    pwede pero hindi na siguro kailangan kasi meron naman original na tachometer ang fx. kung gumagana naman yong tachometer mo okay na yon. anyway hindi naman pang racing yang makina natin. pero kung trip mo talaga then why not.
    actually wala sya orig equipment na rpm gauge kasi wagon body ito hindi gl type body gusto ko lang for functionality hindi pang porma o pang racing

Tamaraw FX Owners