New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 13 of 161 FirstFirst ... 3910111213141516172363113 ... LastLast
Results 121 to 130 of 1604
  1. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    113
    #121
    di na sana ako mag popost eh. anyway, i'll try to respond to your questions:

    oyam bro,

    madali tumingin kung okay pa diesel na makina sa fx.
    1. dapat hindi hardstarting,
    2. buksan mo yong radiator cap then start the engine para tingan kung walang talsik sa tubig. kung malakas talsik, ibig sabihin may tama cylinder head, sigurado madaling mag init yan. tingnan rin kung may langis na humahalo sa tubig. check mo na rin kung walang tumatagas na tubig habang umaandar sa ilalim ng fan belt. kung may tagas, sira water pump nyan.
    3. patakbuhin mo yong sasakyan with the aircon on para madaling uminit makina. kung mainit na makina then saka mo i check yong dip stick kung walang singaw o walang usok na lumalabas sa dip stick. hindi mo kasi makikita yong singaw o osok sa dip stick kung hindi pa mainit makina.
    4. dapat hindi maingay masyado yong makina like the sound (tiktiktik) otherwise, baka may tama na cylinder head nyan.
    5. check mo yong makina kung walang tagas ng langis lalo na sa may timing belt cover. pag may langis sa may timing belt cover, sigurado luto na yong timing belt mo then kailangan na rin palitan mga oilseal nyan. mahal ang orig timing belt ng fx around 2.2k plus labor.

    stapraxedes bro,

    wow! sobrang tipid ng fx mo. i have had fx before with 7k engine and the other is 5k engine but i never los such a fuel mileage as yours. 6-7 km/l lang on city and 8-9 km/l on highway. from that time on, ayaw ko na gasoline feed na fx. nice ride you got there bro!


    villarealrg bro,

    depende kung anong klaseng ingay yong maririnig mo. hindi lahat ng ingay ay galing sa vaccum. may ingay na dulot ng adjustment ng injection pump at may ingay din na galing sa valve ng cylinder head. ang tatlong ingay na yan ay halos magkakapareho (tiktiktik). kaya process of elimination gagawin mo dyan. you can remove the vaccum head then start the engine. takpan mo lang ng cartoon yong ulo para di tatalsik langis. kung meron pa, ibig sabihin hindi yong vaccum yong sira. pa adjust mo yong injection pump mo at baka naman masyadong naka atras yan. pa advance mo ng konti. maririning mo naman kung saan pipino andar makina. pero may trade off yan kasi pag masyado pino andar nyan, medyo hihina hatak makina. pag na adjust injection pump at meron pa rin, saka mo pabuksan cylinder head para i check mga valve. baka may baluktot na or hindi na maganda tappet valve adjustment nyan. pag magaling mekaniko mo, malalaman nya kaagad kung saan yong sira without going to those elimination process.


    Acer bro,

    ang stock tire ng fx is 175R13. ang pinaka malapit na tire size na 14 and 15 rim dyan is 185x65x14 and 195x55x15. pwede rin 185x70x14 and 185x60x15 pero mataas ng konti. negligible lang naman itataas nya.

    arieslhon bro,

    medyo hindi na maganda compression makina mo pag hard starting. pero pa tune up mo muna. i check mo muna yong carburator mo. palinis mo carburator as in babaklasin lahat yong nasa loob. around 350 pesos lang naman labor dyan. importante dyan yong sprayer. dapat gumagana sprayer ng carburator mo. if after those checking eh hardstarting parin, baka naman kailangan na top overhaul. baka stocked-up na yong mga piston ring mo.

    just my opinion based on my experience. maybe the others have other suggestions/comments.

  2. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    33
    #122
    Mga Sir ano po ba ang standard carb jet ng karburador ng 7k engine ng fx natin? pwede din po ba maging cause ng madaling pag-iinit ng makina kung SAKAL ang jet kahit di naman kalayuan ang tinakbo? TIA

  3. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    158
    #123
    bro kuligligko
    thanks po sa insights try ko this days yung inputs nyo....

  4. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    5
    #124
    can someone enlighten me here...

    ano ang pagkakaiba ng front suspension ng fx sa mga ordinary kotse? napansin ko kasi na walang coil spring di tulad ng mga kotse ng visible agad pagsinilip sa ilalim.

    kung mapapansin pa natin, karamihan ng mga pamasadang fx ay halos yuko na or dapa na ang suspension sa harap. nakokorek din ba ang suspension?

    salamat po...

  5. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    15
    #125
    bro kuligligko,
    thank you sa tip mo, more power FX forum

  6. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    15
    #126
    kuligligko bro,

    Thank you sa pag post mo , please don't stop posting.
    Pagka nagpalit ba ng 3CT engine kasama ba pati transmission? mga magkano kaya budget pagka nagpalit ng 3CT para makapag ipon muna?
    marami pa bang modification pagpalit ng 3CT fron 7K engine? Kasi iniisip ko 7K malakas sa gas di pa convert ko na ng 3CT. Mas makatipid ako.
    Thank you in advance uli bro

  7. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    6
    #127
    Sir (Kuligligko),

    Maraming maraming salamat sa inputs. Mga Masters sna wag kayong magsawa na magbigay ng inyong mga kaalaman para sa ating mga Tamaraw FX Owners. I will try your suggestions...More Power!!!

  8. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    134
    #128
    noon merong kaming tamaraw fx 2c yung engine
    parang malapit na masira ang tappet valve kasi ma ingay na.
    pero hinde dumaan yung sa overhaul at hinde pa nag hard starting.

    medyo sira na ang rigth front suspension kasi kung dumaan sa humps merong squeaking noise.

    yung tamaraw fx namin more than 12 years na samin.
    we have to sell it kasi merong na kaming bagong strada at kailangan yung pera pang puhonan sa negosyo.

    the buyer is one proud owner sa fx namin. never pa na repaint yung but still looks shiny. alagang car wax kasi.

    i miss my fx.if i dont need the money hindi ko yung binebenta.

  9. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    278
    #129
    Quote Originally Posted by stapraxedes View Post
    can someone enlighten me here...

    ano ang pagkakaiba ng front suspension ng fx sa mga ordinary kotse? napansin ko kasi na walang coil spring di tulad ng mga kotse ng visible agad pagsinilip sa ilalim.

    kung mapapansin pa natin, karamihan ng mga pamasadang fx ay halos yuko na or dapa na ang suspension sa harap. nakokorek din ba ang suspension?

    salamat po...

    Suspension ng FX sa harap ay torsion bars... Meron syang adjustment sa ilalim. I suggest ipa-adjust nyo na lang sa may computerized alignment dahil pag ginalaw ang torsion bars (raise or reduce the ride height), affected lagi ang camber and caster.

  10. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    204
    #130
    fx owners... baka meron sa inyo mag-upgrade o kung ano paman... baka like nyo ipamana sakin nunit nyo? yun mura lang po sana at tight yun budget...
    pm or call me 0921-231-1111

Tamaraw FX Owners