Results 511 to 520 of 691
-
July 15th, 2011 01:24 PM #511
* roger
eto sir para mas kita nyo difference sa porma
[IMG]Uploaded with ImageShack.us[/IMG]
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2008
- Posts
- 24
July 16th, 2011 03:02 AM #512* sir impulz thank you chief for posting your pix actually gusto ko sana request post nyo yung pix pero ginawa nyo na pala salamat ser =) by the way pano yung donut spacer na ginawa nyo dyan? i can see may dag dag na lift effect yung donuts nyo? baka kailanganin ko din yan if ever na 235 ang kunin ko right now canvas stage ako...nasa 3500 pataas yung 215s pero may mga nakita kong 235s around that range din mga class A china brands nga lang pero AT..
Ganda ng vit nyo sir lalo na yung naka mickey thomson shoes... san nyo nabili yung rain visor? la ko makita gnyan sa bangkal havnt tried banawe yet though... astig din orig roof rail nyo wala na yata mabibiling ganyan panalo sir...
-
July 16th, 2011 02:11 PM #513
1" donuts sa ibabaw ng spring yan, pero pinauna ko ayusin shocks bago kinabitan ng 1" spacer. sa banawe ko lang kinuha. same size spring ng front and rear. as for the 235 kahit di ka naka 1" lift ok lang. yung mickey sa unang pic wala pa donut nun.
as for china tires, di ko sure kung ok,
as for the visors, they came with the car when i got it along with the original roof rack.
try nyo tawagan to, sa list nya meron pa pang vitara Window Visor for Singkit, Hotdog, Small Body, Big Body atbp Philippines - 2266965
gusto ko nga ng mickey's ulit kaso ang mahal na sobra and can't find the dealer, sabi nasa west ave. daw but di ko nakita, and naisip ko din 100% on-road driving naman , ok na din yung dunlop. tsaka mas tahimik, medyo maingay kasi ang a/t tires due to the bigger tire threads
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2008
- Posts
- 24
July 17th, 2011 09:32 PM #514* sir impulz salamat po sa reply pinag aralan ko din maigi mga messages nyo bago mag decide ayun, ended up with 235 75 kumho ATs.. tama nga po kaya ramdam ko mas bumagal ako pero nde naman pagong yun ngalang nde na kasing liksi gaya ng dati easy driving na lang talaga.. as for the gas consump, checheck ko pa pero mukhang nde naman gaya ng inaasahan ko
regarding dun sa 1" donuts magkano isa ser at san nyo po pinagawa? magiging mas matagtag ba if mag spacer ako?
I will check din po yung visor na pinost nyo mukhang meron sila pang vitara...again sir bigbert thank you po sa mga payo panalo...
-
July 18th, 2011 02:09 PM #515
malaki na kasi mga "ipin" nung a/t tires, try mo sa bike pag na a/t tire na malalaki ang ipin hirap pedalan, pero subukan mo mag slicks ang laking ginhawa sa pedal hehehehe kaya nag palit din ako ng semi slick sa bike ko dati heheheh
di ko maalala yung price kung 800 yung pair or 4 na. pero dun lang sa mga "amuyong" binili kasi nung bumubili ako ng parts sa Links, wala sila nun donut, tinawag lang ni manong yung kilala nyang nagbebenta ng donut.
with stock shocks your max. donut lift is 1.5 inches. para di masagad yung shocks mo. sa akin the space from fender arc to tire is 5 inches.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2008
- Posts
- 24
July 18th, 2011 05:34 PM #516yun nga din eh... eto minomonitor ko right now ang konsumo, pero kanyo not less than .5km to a lit ang mababawas so dapat ganon range lang or else yari tayo dyan ahehe
ah try ko nga pasyal sa banawe, may nakita ko nag post s sulit aluminum spacer for vitara pero ang mahal 3.5k set of 4..
ok naman ako kahit dumagdag ng 1 inch i tangkad para may allowance lang sa load, pero kako may impact ba to sa shocks natin mas hahaba ba ang buhay or iiksi? sa kotse lam ko pag putol lowered mas kawawa ang shocks pero pag highered di ko alam ahehe..
-
July 18th, 2011 07:18 PM #517
as per last my personal observations form a/t tires to highway tires, konti lang talga diff. sa consumo.
pag donut lifter kasi ginamit. sa spring ang dagdag height. so and shocks mababanat ng 1" +/-. shock absorbers move in both directions. up and down so di pwedeng nakasagad sa unat. its like kung mag lower ka at nagpalit ka ng lowering spring tapos stock shocks. tukod naman ang shocks nun.
ask the guys at 4x4.ph , they'll guide you for the best way to lift for vitara.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2008
- Posts
- 24
July 19th, 2011 09:54 PM #518ah panalo ser thank you sa advise again... so far ok naman consumption wala naman ako binago sa driving style light foot lang palage, momentum drive and look ahead pag red na traffic light bitaw na silinyandor hehe
sige sir i will check sa 4x4 club medyo nahihiya lang din ako mag tanong minsan kasi parang puro hardcore hehe...
-
July 20th, 2011 04:09 PM #519
mag dagdag ka grounding kit or linis mo yung mga ground points para gumanda takbo ng makina.
also gamit ko synthetic oil na and pallit na air filter to k&n. mas malakas na hatak at mas pino takbo
-
July 20th, 2011 04:55 PM #520
saw this crystal tail lights from Lampu Stop Suzuki Vitara/Escudo - Otomotif Parts
di ko lang alam kung anong country yung seller.
not bad compared to the altezza tailights
lotus elise all the way! 2004 edition
Lotus returns...