rlx555,
ito yung part na tumutlo sa loob ng paj ko dati. as in basang-basa ang carpet. abot na sa rear passenger side ( sa likod ng front passenger side). nagmo-moist din yung compartment kung san nakalagay ang jack natin. binaklas ko yung carpet at nagulat ako sa dani ng tubig pero wala anmang amoy.
nasa ilalim to ng compartment. start mo ang paj mo tapos on mo ang aircon. tingnan mo kung may tutulo jan na part. cleaning lang kelangan nyan. sorry medyo malabo ang pix.
bro,
tama yung kay sir PB, baka barado lang yung drain ng aircon, sundot lang ng BBQ stick yan, pero pwede mo rin check yung connection papunta sa drain pwede mo padikitan yun ng foam or rubber o baka maluwag lang yung connection nyan dun sa may firewall. pag nagpalinis ka ng aircon pwede mo na p check yan.
bro, punta ka kina mang mario, sa kanila ako nagpalit ng motor ng aux fan ng unit ko, mga 2.5K ata yung motor (toyota pa nga ata ang brand ng kinabit)
motor lang yung pinalitan yun dati pa rin housing at fan blade ginamit pati yung socket, pagawa mo na lang dun kasi medyo mahirap mag baklas ng aux fan, magtatanggal ka pa ng skid plate at saka grill
Sir PB, Jru120, ikawngaba andTestament 11,
Maraming salamat sa advice ninyo mga sir. Bukas ipapacheck ko agad. At least makakapag focus na ako sa aircon, mahirap kasi walang idea kung saan magstastart eh.
Balitaan ko kayo. sabay ko na rin siguro yung aux fan ko, medyo mabagal na umikot eh, pero pag pinukpok bumibilis, pangit naman ang pajerong di pukpok. hehe!
Thanks and more power brothers.
![]()
Wala sunroof/ moonroof paj ko Badsekktor, mine is a local fieldmster 4X4.
Pinagawa ko na this morning yung drain hose ko, so far so good wala nang noticeable tulo/tagas sa loob, altho ioobserve ko pa in the coming days.
While at the aircon shop pinagawa ko na rin yung aux fan ko sa harap ng radiator. Mabagal na kasi umikot, surplus denso motor na lang ang pinakabit ko, ang hirap humanap at mahal ang motor, pag narinig nila pajero para tumataas presyo. hehe!
Luckily I found 1 surplus denso fan motor, I got it at 1,800k, 2,500k ang presyuhan dito saamin, pahirapan pa. Ngayon ok na...
Salamat sa mga advice ninyo mga pajero brothers.![]()
jru120,
Surplus din lang yung 2,500 bro, kaya lang denso brand din yun kapareho ng stock fan motor ng pajero natin, and made in japan.
Too bad mga ka paj, after ko ipacheck this morning ang drain hose ng A/C ko, nababasa pa rin yung passenger side carpet floor ko. Ano na kaya ang problem ngayon? Naulanan kasi ngayon ang paj ko, medyo malakas ang ulan dito sa amin, tapos napansin ko basa ulit yung passenger side floor.
Yung parang drain area sa ibaba ng wiper, saan ba dapat dumadaloy ang tubig dun? iniisip ko kasi baka may natamaan nung ipatingin ko sa mechanic yung power antenna ko.
HELP mga bro, saan kaya nanggagaling ang tubig?
Thanks.![]()
RLX555, bro iDIY mo na yan,pop the hood and just hose the firewall, or kung saan tingin mo pumapasok, habang may sumisilip sa ilalim ng glove compartment. flashlight lang kailangan mo. makikita mo yan tutulo.
lumalabas sa likod ng mudguard yung tubig na pumapasok sa baba ng wiper. wala sigurong kinalaman yung power antenna repair mo kasi fender liner lang binuksan dun.
testy, dati nagawa ko na yung uling sa kotse.kaso di tumalab, di talaga matutuyo yung foam kahit na gaano katagal, babaho lang ng babaho. amoy nakulob na tubig.
jru120, na miss ko mga pictures mo bro.I told my friend na may autosupply about yung 2,500 na bnew denso motor na nakuha mo. pero di daw talaga niya alam saan merong ganun kamura. sana bago masira aux fan ko mahanap niya supplier.
Last edited by promdiboy; May 10th, 2009 at 03:14 AM.
siguro pb, eh matinding amoy ang nangyari siguro sa loob nun
rlx, asan na ngayon ang lumang motor ng aux fan mo, tinago mo ba? pag-aralan mo buksan yan at i-check mo. just in case carbon brush lang ang problem, replace mo lang para meron ka na reserbang motor
eto ngayon ang problema ko pero i consider na minor lang eto...
every morning, pag ni-release ko ang handbrake, nakailaw pa rin ang handbrake sign. take note, released na eto talaga pero ang ilaw, andun pa rin. ang takbo ko naman, normal at hindi pigil. pero after ng mga ilang minuto, say 5 minutes, namamatay naman. tapos pag inistart ko ulit ang sasakyan at release ng handbrake, back to normal naman, patay ang ilaw pag nirelease ang handbrake. bakit kaya ganito at tuwing umaga lang?
testy, bro pwede rin kulang sa brake fluid kaya umiilaw ang handbrake warning.![]()
*rlx555, What?!!!! P2,500 ang surplus?!!! P2,300 lang kuha ko brand new orig denso din. check mo page 180. may pix ako pinost dun.
*pb, sir sa cebu yung supplier ko. lan nang din. natawad ko pa yun ng P2,300![]()
Hello Sirs:
Meron na po ba sainyo nagpa service ng Fuel Injectors? Klangan po ba eto linisin every number of km runs
Thanks!
4m40, pag wala naman problems no need palinis.more likely pag nagkaproblem sa injector is replacement na.
testament11, nangyari na din sa akin yan. Try mo galaw galawin ang float sensor baka misaligned or na-stuck. parang -exercise up down ang float, once na magalaw mo dapat di na umulit
Also, ensure tama din ang level ng brake fluid.
Yung denso motor para sa aux fan ng FM ay may Taiwan. Hindi nakalagay kung saan made. Ang difference lang ay yung font ng marking. Ang alam ko ynag presyo na 2K+ ay yung Taiwan made. Ipinakita sa aking yung orig at Taiwan made ng bumibili ako ng replacement last year. So ingat kayo sa pag bili.
yup. may taiwan nga. presyo ng taiwan is less than P2,000 sa supplier ko. yung pix sa page 180, yung upper is my stock radiator motor fan ( yung marumi) japan yun, yung sa baba na malinis is yung binili ko, japan din. both bearings are nsk japan.
meron kasing DENSO TAIWAN CORP. toyota din may-ari. baka parts made in japan but assembled in taiwan. kaya mura siya kasi mura labor sa taiwan. but original denso pa rin kasi toyata may-ari sa denso taiwan.