Malaking bagay yung meron nang cellphone at SMS. Dati akong OFW sa ME. Noon sulat lang (or by phone) ang communication mo sa pamilya mo. It takes 2 weeks bago makarating ang sulat sa Pinas. And then yung sagot, another 2 weeks. Biro mo ang tagal nu'n! Pag madalas naman ang tawag mo, ubos naman ang suweldo mo.
After that, nag-work ako sa Pinas sa isang Telecoms company (supplier not local operator). Medyo sinuwerte, starting salary ko, nasa 40K (plus overtime), pero nagkaroon ng opening sa Singapore sa isang malaking Telecom co. ulit. Mas malaki ang offer, family status pa. Kaya eventually, iniwan ko yung work ko sa Pinas. Ngayon eto, meron kaming proj. sa ME (he-he! napadpad ulit sa disyerto) Every 3 months, uwi ng Pinas, 2 weeks vacation, at ang offer mas lumaki pa, dahil sa mga allowances.
Nakapagpundar ako ng sasakyan, at bahay. At syempre, napag-aral ko mga anak ko sa mas magandang schools. Kung sa Pinas lang, WALA ......di ko siguro makukuha lahat yan.