tama ka morrissey 05...ganyan din ang pananaw ko sa buhay nung me trabaho pa ako sa subic naval base. 4 ang anak ko nun, eldest ay 6 years old. marami na sa kasamahan ko ang nag a abroad during that time pero sabi ko ok na dito at kasama ko pamilya ko. pwede ng mag survive.
pero hinayupak na lintek, pinasara ang base ng mga senador nung 1992 at 42,000 na direct hire ang nawalan ng trabaho pwera pa ang thousands of contractors. walang pakialam ang gobyerno kung saan ilalagay itong mga displaced workers.
i was jobless for 8 months. nag apply uli ako sa subic na ginagawa ng free port pero ang tagal ng transition period. mag volunteer daw muna bago makapasok sa mga bagong kompanya (syempre without pay) pero i have a family to feed kaya hindi ako nag-volunteer (di naman nila masabi hanggang kelan ka mag volunteer, 1 year, 2 years?). buti bago naubos sa day to day na gastos ang separation pay ko ay natanggap ako sa saudi...
mahirap sa saudi. i had several bad experiences - balasubas na saudi sponsor (wag kayong mag apply dun sa mga "establishment"), mga kabayan na pinoy na me crab mentality, culture shock, etc. etc. ang sabi ko 5 years lang stop na ako, makagpatayo man lang ng maliit na bahay. natupad naman. so after 5 years, balik na sa pinas for good.
pero lintek pa rin ang buhay sa pinas. nag apply ako ng trabaho. ang baba naman ng sahod tapos me age limit pa e gurang na tayo kaya hindi qualified. yung sahod ay kulang pang ipambayad ng bills. kaya nag part time job na lang. tapos nag buy and sell. lahat na lang halos na legal na pagkitaan ay pinasok ko na pero malas dahil hindi yata ako natural businessman.
the children were growing and i have to provide their needs so after 2 years, abroad uli, year 2000. hindi na sa saudi. hanggang ngayon ay nandito pa ako sa overseas, 6 years na. kailangan kasi dahil 4 na silang nasa college, sabay sabay...
hayy...sabi ko ke misis...makatapos lang sila ay stop na uli ako...pero yun din ang sinabi ko nung nagpupundar pa lang kami ng bahay...
talagang mahirap maging OFW. dapat decided talaga kayong mag-asawa na mag abroad ka dahil hindi lang ikaw ang mahihirapan kundi ang buong family mo. ang asawa mo rin ang maiiwan dito sa pinas at siya ang trabaho sa lahat ng gawaing bahay at mag-aalaga ng anak mo. wag dapat mawalan ng communication sa isa't-isa. importante ito dahil ito ang nagsisilbing "bonding link" ng pamilya. kung madalas kayong mag-communicate, maiiwasan din ang homesickness mo. yung loneliness naman ni kumander mo ay mababawasan din. kaya iwas tukso na nagiging sanhi ng mga broken families ng OFW.
hi-tech na ang internet ngayon at me webcam pa. para lang kayong nag-uusap na magkatabi.
masakit mang isipin, wala akong option pag nandiyan ako sa pinas.hindi ako makabuhay ng pamilya. wala na yatang pagbabago ang gobyerno natin. saan ka nakakita ng gobyerno na ang major export commodity ay human labor dahil hindi kayang makapagbigay ng decent jobs sa kanyang citizenry?
kaya hanggang me lakas ng tuhod, sige pa rin sa abroad. mag ipon na lang para sa aming 2 ni misis para sa retirement ko...