at marami din naging ME OFWs noong araw na kahit mababa lang ang sahod ay lumarga pa rin... dahil sa sugal - dito sila kumikita ng malaki (mga hustler talaga) at yung talagang trabaho nila ay bale yun ang sideline.![]()
parang iyon sumikat na kanta"napakasakit Kuya Eddie"
may friend ako ganon actually kumpare ko pala dahil mag katuwang kami sa binyag ,tuwing sweldo at pag kuha ng OT pay ..lagi may binibili sa misis niya perfume at alahas,.ang gaganda pa ng mga alahas at mamahalin ..pag uwi sa Pinas ,buntis ang msis nia sa ibang lalaki
IMO, last option na po dapat yong pag-OFW at iiwan ang pamilya dito. Kung kakayanin ng pagtatanim sa bukid(at the worst case) ang mapakain ang pamilya ng desenteng pagkain tatlong beses isang araw, at mapag-aral ang mga anak at mapagtapos ng kolehiyo(kahit hindi sa ateneo..hehe)...e di dito ka na sa Pilipinas.
Yong ibang pagkukulang mo sa pamilya mo, bawiin mo na lang sa pagmamahal - pag-aaruga, pag-attend ng graduations/birthdays, PTA meetings, pamamasyal sa park tuwing sabado kasama pamilya, pagbabantay kapag may sakit si nene/totoy..in short, masubaybayan ang paglaki ng iyong mga anak.
Gaya ng mga nag-OFW, higit na sipag at tiyaga lang din kahit nandito sa Pilipinas. At syempre, bawas luho sa buhay. Ang main goal mo, mapakain at mapaaral ang mga anak mo. Bahala na sila sa luho nila pag may trabaho na sila.
Advise sa mga gusto mag-OFW?
Napakahirap iwanan ang pamilya. On the other hand, pag nandun na, napakahirap din iwanan ang trabahong nakasanayan na at nagbibigay sayo ng limpak limpak na salapi buwan buwan. Lalo na kung ang alternative ay one low-paying job sa Pinas o kaya pagtatanim.
BUT, make sure you always prioritize your family. I'm sure, they are the reason why you opt to be an OFW in the first place, but there may come a time(sana hindi dumating) when you need to choose between their welfare(not the financial one) and your high paying job abroad. Aanhin pa ang madaming pera, kung napapariwara na ang pamilya? Lagi kasing nasa huli ang pagsisisi.
In short, Contentment lang po sana.
If you really need to be an OFW, then keep all these pieces of advice posted here.
Last edited by swordsman; August 18th, 2006 at 10:02 AM.
BTW, kung makakakuha kayo ng trabaho gaya nina sir yebo with a 28 day on/28 days off work cycle... siguro naman ay walang rason para hindi kayo lalarga to be an OFW. ibig sabihin sa isang taon ay 6-months lang ang actual na trabaho, tapos 6-months din sa pamilya... parang ikaw ay na-assign lang sa probinsiya ang labas.![]()
tama din si sir swordman (+1)
napakahirap din iwan ang family mayroon mga contract na every two years ,tapos 30 days lang ang vacation ,imagine for 10 yrs mo nag work sa abroad ,tapos nakasama mo lang family mo ng 5 months
.so doon may mga nag iisip na pumirmi na lang sa pinas after nila maka ipon sa palagay nila na sapat na puhunan para sa simpleng negosyo at simpleng buhay .
cguro nga depende sa klase ng trabaho or laki ng sweldo ...
kung kagaya nga ng nasa petroleum industry
,gaya nina Sir Yebo at Sir qman ...
ilan days work .at ilan days vacation. na naman.sarap
di na cguro pinag iisipan pa iyan para sa iba
sabi nga ni qman hanggat may langis sa dagat
sir Danny ..saludo talaga ako sa iyo......YGPM
Ganyan po talaga ang buhay ng mga OFWs (lalo na sa ME). Minsan nga uuwi na lang, nagsusugal pa, at may pagkakataong natatalo... Mayroon ngang malaki na ang suweldo, kaso gusto pa ring mag-sideline,- nagbe-brew ng 'sadike',- nahuli,- kalaboosh! Ewan ko kung anong nangyari... Mushkela!
Kaya ingat lang. At kung maaari, sundin ang batas ng bansa at huwag magbibisyo. Kaya ka pumunta roon ay para magtrabaho, hindi para ilarga mo ang luho sa katawan...
Isa pa, may ilan sa ating mga Pinoy/Pinay na nasa ibang bansa ay umaastang 'binata'/'dalaga'.... Tsk tsk... kawawa rin naman ang mga naiiwanan sa Pilipinas....
basta submit lang kayo ng submit hangang meron tumawag sa inyo. punta din kayo sa www.rigzone.com, may mga links dun ng mga drilling companies. dami nga ngayon naka-post dun na job openings e. parang lotto din yan, hindi ka tatama kung di ka tataya, so send as many resumes as you can. email lang naman e walang mawawa la di ba.
Last edited by yebo; August 19th, 2006 at 09:18 PM.
eto pa
www.rasgas.com.qa
www.qp.com.qa
www.qatargas.com.qa
if they find your cv merit their interest they'll call you
Wow links sa Gas companies ng Qatar! Subukan ko nga mag apply dyan.
Kaya lang dito ako sa Qatar ngayon, sabi ng marami, di daw ako makakabalik ng Qatar in two years time dahil sa Qatar law. 2 1/2 years na din ako dito sa Qatar, ok naman kasi dumating ako dito as secretary pero ngayon Autocad operator na ako (kumuha na din ako ng short course sa pinas para may certificate). Nabigyan lang ng magandang break ng manager ko. Siguro magaling ako sumipsip!?![]()
Subukan ko na din mag send ng CV ko.
Salamat sir qman!!!
Sa gustong mag abroad, magbaon kayo ng maraming Lakas ng loob, kakailanganin nyo yan. At mag ipon ng mag ipon para ma reach agad lahat ng goal.
Bro kupaloids.
Qatar airline hiring din sila
try mo click ang link
http://www.qatarairways.com/
ok din naman ang field mo Auto Cad Operator .ang laki din ng bigayan diyan at ang mga sideline .ang dami ,lalo na diyan sa Qatar ang dami construction
ang operator namin halos 3x ng salary niya ang kinikita sa sideline ,at madami pa tinatanggihan ,kaya lang napupuna ko na mamayat ata kasi kulang sa tulog ,maghapon magdamag nasa harap na yata ng PC
iniisip ng iba porke nag abroad eh mayaman na tama di ba?
pero tingin ko kaya pa namang maka survive ng isang pamilya na yung mag asawa both nag work lang sa pinas for example ang kita ng mag asawa is 10k each (20k combine salary) makaka survive na rin naman yun monthly di ba tama ba wala pa kasi akong family eh hehe...at least mag kasama pa buong pamilya lagi d ba??
20k/month? pag kayo lang mag-asawa ok lang yun. pero pag may anak na kayo? isang vaccination lang ng baby wala na laman bulsa mo.
Actually, kulang na kulang ang Php20k/month if you want to have at least a comfortable (not luxurious) life. Grabe talaga! Sa kin nga eh kulang pa Php20k tapos less taxes, bayad credit card, cell phone bills. Single pa ako sa lagay na yan. Pag may family ka na, or at least married muna, add cable tv, newspaper bills, land lind bills, electricity, water, at madami pang iba! Not to mention rent or ammortization of your house, fuel for the vehicle, insurance.... and the list goes on...Nakakaloka ang cost of living against our income here.
I honestly want to stay here in the Philippines but my girlfriend is taking up nursing and probably is looking to go abroad.Sana lang mag-improve na yung economy natin so we don't have to leave our families in search of greener pastures abroad.
By the way, if you do not want to leave the country and still earn decently, work in a call center, like me.
sobrang interesting ang thread na to. and i admire people who work abroad so much because anlaking sakripisyo yun. syempre, personal decision talaga ito at wala tayong pakialam sa mga umaalis at iba-ibang ideya tayo tungkol dito.
ako rin, dati ayoko umalis. pero nagka-baby na ako recently and im thinking about it na rin. for sure, now i feel di ko maiwan ang pamilya ko because i want to be there while the child is growing up. di naman kami maluho sa lifestyle and we earn just about enough. syempre im looking forward to the future when i need to send my son to school. eto na yung problema.
minsan talaga nadadala rin ako sa inggit sa mga kakilala ko. pero iniisip ko na rin, kagaya ng mga iba dito, na bawiin ko na lang sa pagaruga sa anak ko. sa wari ko lang, di nabibili ng pera yun. in short, i would rather be leaving a simple lifestyle but with my kid, than luxuriously but abroad. again, yung problema pag nagaral na si baby. syempre, like all parents, gusto natin sa good schools. lalo na ako because i ddnt have that. isa pa, ayaw talaga ni commander na umalis ako. better daw dito kami pareho, or aalis kami pareho. hirap di ba?
ewan lang ha, mga igan. yun lang na-fefeel ko ngayon. pwede rin magbago yun. baka biglaan, fly na ako abroad. ganun na rin, while im here, tiis, sipag, tiyaga at lalo na dasal, para makitaan ako ng tamang daan sa kinabukasan namin.
yun lang po.
Last edited by morrissey_05; August 27th, 2006 at 01:30 PM.
tama ka morrissey 05...ganyan din ang pananaw ko sa buhay nung me trabaho pa ako sa subic naval base. 4 ang anak ko nun, eldest ay 6 years old. marami na sa kasamahan ko ang nag a abroad during that time pero sabi ko ok na dito at kasama ko pamilya ko. pwede ng mag survive.
pero hinayupak na lintek, pinasara ang base ng mga senador nung 1992 at 42,000 na direct hire ang nawalan ng trabaho pwera pa ang thousands of contractors. walang pakialam ang gobyerno kung saan ilalagay itong mga displaced workers.
i was jobless for 8 months. nag apply uli ako sa subic na ginagawa ng free port pero ang tagal ng transition period. mag volunteer daw muna bago makapasok sa mga bagong kompanya (syempre without pay) pero i have a family to feed kaya hindi ako nag-volunteer (di naman nila masabi hanggang kelan ka mag volunteer, 1 year, 2 years?). buti bago naubos sa day to day na gastos ang separation pay ko ay natanggap ako sa saudi...
mahirap sa saudi. i had several bad experiences - balasubas na saudi sponsor (wag kayong mag apply dun sa mga "establishment"), mga kabayan na pinoy na me crab mentality, culture shock, etc. etc. ang sabi ko 5 years lang stop na ako, makagpatayo man lang ng maliit na bahay. natupad naman. so after 5 years, balik na sa pinas for good.
pero lintek pa rin ang buhay sa pinas. nag apply ako ng trabaho. ang baba naman ng sahod tapos me age limit pa e gurang na tayo kaya hindi qualified. yung sahod ay kulang pang ipambayad ng bills. kaya nag part time job na lang. tapos nag buy and sell. lahat na lang halos na legal na pagkitaan ay pinasok ko na pero malas dahil hindi yata ako natural businessman.
the children were growing and i have to provide their needs so after 2 years, abroad uli, year 2000. hindi na sa saudi. hanggang ngayon ay nandito pa ako sa overseas, 6 years na. kailangan kasi dahil 4 na silang nasa college, sabay sabay...
hayy...sabi ko ke misis...makatapos lang sila ay stop na uli ako...pero yun din ang sinabi ko nung nagpupundar pa lang kami ng bahay...
talagang mahirap maging OFW. dapat decided talaga kayong mag-asawa na mag abroad ka dahil hindi lang ikaw ang mahihirapan kundi ang buong family mo. ang asawa mo rin ang maiiwan dito sa pinas at siya ang trabaho sa lahat ng gawaing bahay at mag-aalaga ng anak mo. wag dapat mawalan ng communication sa isa't-isa. importante ito dahil ito ang nagsisilbing "bonding link" ng pamilya. kung madalas kayong mag-communicate, maiiwasan din ang homesickness mo. yung loneliness naman ni kumander mo ay mababawasan din. kaya iwas tukso na nagiging sanhi ng mga broken families ng OFW.
hi-tech na ang internet ngayon at me webcam pa. para lang kayong nag-uusap na magkatabi.
masakit mang isipin, wala akong option pag nandiyan ako sa pinas.hindi ako makabuhay ng pamilya. wala na yatang pagbabago ang gobyerno natin. saan ka nakakita ng gobyerno na ang major export commodity ay human labor dahil hindi kayang makapagbigay ng decent jobs sa kanyang citizenry?
kaya hanggang me lakas ng tuhod, sige pa rin sa abroad. mag ipon na lang para sa aming 2 ni misis para sa retirement ko...