as for myself, nung single pa ako wala akong planong mag-work sa abroad. alam ko kasi may pag-asa pa dito sa Pilipinas. patriotic kasi ako, pero ngayon i'm planning to work abroad na rin for my family's future.

nag-practice na nga kami ni misis na medyo malayo kami sa isa't-isa. my wife & kid nasa ilo-ilo, ako nandito sa manila. di naman ako nahirapan kasi binata pa lang marunong na akong maglaba at magluto. iniisip ko lang lagi kailangan naming gawin yung para sa future ng family namin at para na rin sa future ng baby. madami kasi kaming pangarap para sa kanya. nag-try na rin ako mag-tipid.

plans ko pag nandun na ako, kailangan mag set-up ng business si misis. basta yung gustong nyang gawin. para naman meron din syang mapagka-abalahan.

i bought a book na din entitled FINDING WORK ABROAD: a step-by-step guide worth 200 petot. di ko pa sya nababasa ng buo kaya di ko ma-recommend pa.

Quote Originally Posted by yebo View Post
laser_ramon

sa oil and gas malaki bigay. dami namin dito sa tsikot na nasa oil and gas industry (qman and myself for example), saka every 4 weeks bakasyon (4 weeks on followed by 4 weeks vacation). libre halos lahat pati sabon kaya shampoo, toothpaste at deodorant lang ang binabaon ko. gastos? wala kasi nasa gitna ng dagat, maliban na lang kung may bisyo ka (sigarilyo?) % ng remittance? 100% remit lahat sa pinas. nagbabaon na lang ako ng pera ($100 lang para malayo sa tukso, ibili ko na lang ng pasalubong para sa mga anak ko) at atm card for emergencies (wala ako credit card, bwiset sa buhay ang credit card).

ece grad ka? sayang nag-hiring ang schlumberger wireline sa qatar last january, di ka siguro nagbabasa ng classified ads ano? pinsan ko nag-apply (mech engg naman sya, sa shop assigned), $2300 sahod starting pero local hire ang status nya so 11 months on/1 month off sched niya. sagot nya apartment at food pero 4 sila sa apartment para makatipid. napapadala nya sa wife nya $1500/month. ang ece daw na kasabay nya na-hire trainee wireline operators so 8weeks offshore/4weeks off ang sched while in training. naka-2 bakasyon ka na sana kung nasama ka dun.

nagha-hire yata kami ngayon, send mo application mo. punta ka sa www.deepwater.com at email mo resume mo dun. kahit wala experience, pasok ka na trainee. magpapawis ka ng putik, luluha ka ng dugo, tutubuan ng kalyo ang ilong mo. pero pag tapos na training sarap ng ngiti mo pag dating ng sweldo.

sir yebo, accounting grad ako praciticing in IT. baka meron available para sa akin dyan.