Quote Originally Posted by graphire View Post
tama. minsan kelangan din magsakripisyo kahit malayo pa sa pamilya para lang mabigyan ng maginhawang buhay ang pamilya.. para din naman sa kanila kaya mag-aabroad dahil kung ako walang pamilya at sarili ko lang iniisip ko e di kahit lang din magtanim lang ako dito ok na. Basta ang importante e "MAG-IPON" pag nsa abroad. Marami ang walang napapala sa pag-aabroad dahil komo kumikita ng malaki e sige ang gastos dito gastos doon.. kaya ayun, pabalik balik sa abroad at mas lalong tumatagal ang pagkawalay sa pamilya. Kelangan me goal ka talaga na susundin, halimbawa iisipin mo na kelangan 5 years ka lang mag-aabroad at by that time e meron ka nang naipon na ganitong amount to be able to start your own business or pwede ding while abroad, you invest your money wisely with the help of your spouse para kumikita din.
minsan mahirap din sabihin kung ilang taon or tama na nga ba yong 5 yrs abroad,,sa hirap ng buhay ngayon di mo maiwasan yong pabalik-balik abroad.