eto lang naman nakikita ko sa disadvantages at advantages bilang isang OFW (pasintabi lang po opinion ko po to at di ko po nais mamula o makasakit ng damdamin napag uusapan lang)

Disadvantages:

maaring maiputan ka ng asawa mo habang ikaw ay naga trabaho sa labas ng bansa lalo na sa mga taunan nauwi. Iba po ang epekto nito sa mga OFWs me iba pa nga sa buryo eh nakakapatay ng kapwa nya sa Saudi.

Di mo makikitang lumalaki ang mga anak mo dahil kung taunan ang uwi mo at 21-28 days lang bakasyon taon taon. Anonymosity andoon sa isat isa, lalo na sa mga me sanggol na anak nang umalis at pag uwi eh naglalakad na sakit yan sa loob pag uwi mo di lalapit sayo ang bata dahil di ka kilala

Wala ka sa mahahalagang okasyon ng asawa mo at anak mo.

Kung gastador ang asawa mo di marunong mag ipon at bigay ng bigay sa mga kamag anak nya, pag uwi mo kung ano ka financially bago umalis ganon ka pa rin pag uwi mo.

Pagdating ng gabi kung ikaw ay me asawa nakakaburyo pagka nami miss mo si misis, me ibang OFW na di naman bading pero napatol sa bading nang tinanong ko bakit paraos lang daw. tsk tsk tsk.

Di marunong sa pera ang OFW mismo, porke nakita ng malaki ay bili ng bili ng mga gamit na di kailangan ito ang inuuna. Like component, Malaking TV, Sapatos

Sugarol ang OFW, pagka dinala ng OFW ang pagkasugarol nya sa abroad lalo na sa Saudi kupo ubos ubos ka roon. Noong asa Saudi ako gabi ng pasuweldo sa katabing kuwarto namin me 90 thousand riyals na pinaglalabanan ng 30 katao sa Lucky nine na sugal, nang ni raid nwala ang pera di na alam kung asan. Karamihan pa eh mga pauwi ang mga OFW na naglalaro so umuwi sila ng alang pera, nangutang pa at nag sangla sakin ng sapatos para lang daw me pambili ng tsokolate sa anak nila.

ano pa ba dagdagan na lang ng iba pang OFW hehehe kung me naisip pa kayo


Advantages me pera ka eh