Doon sa mga nagpalit na ng tires, ilang kilometers inabot ang first set ninyo at anong brand ang ipinalit ninyo, at okay ba so far?
Doon sa mga nagpalit na ng tires, ilang kilometers inabot ang first set ninyo at anong brand ang ipinalit ninyo, at okay ba so far?
guys nahanap na ng Kia Pasig sira ng carens namin, may oil sa turbo. Ibababa dapat ang turbo tapos lilinisin, for 2,500. Pero they needed 3 days to have it fixed and ayaw ng mom ko ganun ka haba, so humingi siya second opinion. Ngayon nag iintay kami ng replacement turbo at yung drive belt papalitan din for 2,500 din. Tapos yung brake lights namin di gumagana, di naman mukhang pundido, mukhang natanggal lang ang connection sa pedal, magkano kaya abutin nun?
TIA
hello fellow carens owners,
may naka-experience na po ba sa inyo magpa-wheel alignment tapos negative yung camber nag-register sa computer, did you have that fixed as well? how?
dodongo? ano naging problem ng carens mo?
un sa amin kasi, lately ang lakas na ng whinning sound. pag silip sa enginge oil dip stick. halos sa dulong dulo na ng stick lang may oil. so kinain un oil. ewan ko san napunta un oil.
ser Joshua Ching, yung 225/55-R17 eh pinalitan ko at around 36Tkm...may bukol na kasi yung isa eh...di na kampante....yung third set ko ngayon 215/55-R17 (closer in size to orig) around 10Tkm na tinatakbo nya...so far ok pa naman....laki nabawas dun sa steering wheel shake/vibration. pero di totally nawala.
Wala naman evidence of leak sa garahe naman. Kaya nag tataka rin kami. Ang isip ko baka napunta sa turbo?
Anyway, nag try kami i pa check sa local talyer. Nakita nila, aircon compressor daw un maingay. Dun galing yun whinning sound. Well, i hope i cover yan ng aircon warranty since ayaw na i cover ang engine warranty namin, since hindi daw ako nag papa change oil sa kanila.
And also, diba may kasabihan tayo sa aircon maintenance, if it ain't broke, don't fix it.
OT: Yun hilux namin since 2006 pa til now, never ko pa pina linis yun aircon, palit lang ng filter.
May turbo timer ba kayo? ako nag install last year just to be sure.
Last week humina ulit hatag ng carens ko, dinala ng father in law ko sa casa and the service manager advised us to clean the egr, now balik sa dati hatak ng carens ko.
nagpa kabit ako few weeks ago. whinning sound started few weeks ago din. but medyo malakas na un sound ngayon lang.
naka set 30 secs lang.
The last few weeks my aircon broke down and when I switched my aircon on the engine would start to rattle... So I brought my unit to the suking casa... Their diagnosis... I need to change my compressor which to them is worth 38k... wala pa ang labor dun... So sabi ko baka iba ang sira... well since my unit is katatapos lang ng warranty hindi ko na pinagawa sa kanila since sobrang mahal ng parts and labor nila... Then my dad told me that he'll take a look at my aircon and see if kailangan nga talagang palitan ng compressor. Ayun nahanap ng dad ko ang cause ng sira. Ang sirang part ay yun bearing at yun minamagnet lang sa compressor. Total cost of repair 1,350.00 plus freon labor cost is free. My aircon is good as new na ulit... mga casa nga naman. mga gahaman talaga...
Humina rin hatak ng Carens ko. Hindi ko na ramdam yung burst ng turbo at 2nd gear (parang pigil). One time napadaan ako sa Kia Pasong Tamo Ext pinacheck ko at na test drive din nila. Parang humina daw ang hatak pero tolerable naman daw. Napansin din nila yung pag galaw galaw ng RPM at idle.
Wala namang makitang error codes nung nagscan yung diagnostic tool nila. Sabi ko baka yung Turbo hose may singaw. They checked it also pero ok naman daw. Ang conclusion nila eh baka yung fuel daw. I always fill up my Carens with Caltex diesel. Sinugest ko din na baka marumi na ang EGR at yun din suspect nila pero papasched na lang daw yung linis.
So far yun lang naman complaint ko. So far I am now averaging 15-16 kms/liter.![]()
So far yun lang naman complaint ko. So far I am now averaging 15-16 kms/liter.
Hanren, 15 - 16 kms/liter is city driving or long highway drives? Impressive FC especially if it is city driving consumption.
I measured this one when I went to Manila (Makati) coming from Baguio. Mostly highway (average speed at SCTex at NLex: 110-120 kph) ito pero nakailang ulit din kasi ako ng ikot sa Makati at Edsa with moderate traffic. Kakatapos din ng 45k pms bago biyahe. So konti lang city driving. Hindi ko rin mapalitan ang Caltex diesel kasi dito lang ako nagkakaroon ng magandang mileage.