
Originally Posted by
rna800
Hi ma'am ryeryeken. Welcome to Tsikot.
About your '06 LS Dmax query, it depends on what you mean by "mavibrate."
Normal na mas ma-vibrate ang diesel engine kaysa sa gasoline engine. Pero kung sa tingin mong hindi normal ang vibration, maraming pwedeng causes like the following:
- Ung sa engine support ng Civic niyo, yan ung vibration na pag pinatay mo ang engine, meron ung "krug" sound and magshi shake talaga ang vehicle. Same thing when you start it, malakas ang nginig. Most likely pag ganyan ang symptom ng Dmax mo, baka nga yan ang problem considering the age of your pickup.
- It can also be your RPM reading. Ang alam kong normal na reading is the needle should be at the line before the 1k rpm so that means it's 800 rpm. Pag below that, for sure manginginig ang makina. Pag above naman diyan, malakas naman ang fuel consumption mo kasi ang equivalent niyan ay parang inaapakan mo ang gas pedal.
- Pwede din baka barado ang fuel filter or air filter mo.
- I am not sure kung may EGR ung '06 Dmax pero pwede din yun pero dapat makita mo ung CEL/MIL sa dashboard mo.
Maraming pwedeng panggalingan ang severe vibration ng sasakyan and dapat ma-check yan para malaman kung ano exactly ang nagko cause.
Saan ba ang location niyo, ma'am? Marami naman mga recommended na shops dito sa Tsikot and I have gone to some of them pero mostly change oil lang ang pinapagawa ko. Since may malapit na Isuzu dealer sa place ko, doon ko nalang dinadala for repair kasi sobrang hassle sa akin ung dadalhin ko sa isang shop then ako ung bibili ng parts then pag may kailangan ulit, ganon nanaman. Wala akong time para doon kaya iniiwan ko nalang sa dealer and they will just inform me kung ok na.