hello,
newbie here.
Ask ko lang po kasi meron kami Isuzu crosswind xuv (yr 2002) around 280,000+ km na tinakbo.
Last monday bumyahe kami from bicol to manila and bigla namatay yung makina habang tumatakbo although nag start naman. And na-notice ko na parang hindi nabuburn ng maayos yung fuel dahil sa amoy ng usok sa tambutso.
Meron po ba naka experience ng ganito? Ano po kaya ang mga possible ipacheck or possibleng solution?
btw, engine start is ok naman although mausok na sya pero di naman talaga maitim and mejo ramdam na namin yung hina ng hatak specially pag loaded. Pinagtanong na namin sa calibration shop sa bicol ang sabi kelangan na daw palitan nozzle that might cost around 16k all-in. Should we go with it or ok lang na ipaclean muna yung nozzles?
would appreciate your response.
regards