Guys, share ko lang.
After two days of diagnosis at pagsusunog ng pera, mukang nahuli narin ang problema. Bali nung first day, ang diagnosis ay laspag na raw ang tie rod at mga ball joint. Nung pinakita sakin ang mga lumang pyesa, pumayag naman na ako na palitan dahil mukang lupaypay na nga. Nakakaiyak na 10k rin umabot lahat lahat. Kaso lang nung nag road test ako, ayun mayroon paring kabig manibela..

Di ako natahimik kaya the next day, sinubukan ko pumunta naman sa ibang shop para ipa-checkup lahat lahat. But this time mukang bullseye agad nila ang problema. It turned out na masyadong mahigpit ang adjustment na ginawa sa isang side ng handbrake nung unang shop. Pag road test, ayun solb problema. Napakamot nalang ako sa inis. Pero okay narin naman since laspag na nga ang mga pyesa. Charge to experience nalang.. Kaya minsan mas ok din pag hindi ka stick-to-one pagdating sa talyer. Nahuhuli ng iba ang problema na di makita-kita ng isa..
BTW nagpa-align at rotate din ako after kaya swabe na uli manakbo si crosswind..
